Binigyan niya ako ng jacket at pinasuot iyon sa akin. Kinuha niya iyong dalawang kamay ko at inilagay doon ang isang baril. Napasinghap ako at pilit na binabawi ko iyong mga kamay ko. Bigla akong nanginig sa takot. Pero hindi niya pinakawalan iyong kamay ko at pilit na ibinibigay sa akin ang bagay na iyon. "Hindi ko kaya." Nakikiusap iyong tinig ko. Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Kaya mo! Kakayanin mo! Hindi lang para sa sarili mo kung hindi para sa pamilya mo! Hindi ba gusto mong malaman ang totoo? Ito na! Kaya kakayanin mo kahit mahirap." Giit nito. Napapalunok na tumango ako sa kanya. Sa nanginginig na mga kamay ay kinuha ko iyon. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Magiging maayos ang lahat. Maibabalik kita kay Emperor at matutupad ko ang ipinangako ko sa iyo." Dagdag nito. Hindi

