Emperor's POV Napakunot iyong noo ko ng bigla nalang bumukas ang pintuan ng opisina ko at pumasok ang apat kong kaibigan. Kasama nilang lahat ng mga asawa nila at mga anak. Kasama rin nila iyong kambal ko. Ang wala lang roon ay si Rizza Mae. Lumapit agad sa akin ang kambal at kumandong sa akin. Ngiting ngitin sila sa akin. Lalo na si Fifth. Pinagtatakahan ko nga ang kilos ni Fifth lalo na kahapon ng maglibot sila ng Ninong Mik Mik niya. Iyon ang unang pagkakataon na humiwalay siya kay IV. Tapos pagdating niya sa bahay ang sigla sigla niya hindi katulad dati na malungkot siya. Hindi ko alam kung anong ginawa sa kanya ni Mik Mik. Tinanong ko naman iyong kaibigan ko pero sabi niya hindi niya rin alam. Inilibot lang naman niya daw iyong anak ko. Lahat kase sila kakaiba iyong kilos. Lalo na

