Rizza Mae/Ekang POV "Hoy! Kayong tatlo! Huwag na huwag nyong sasabihin kay Señorito Ford iyong nangyari. Sabihin nyo na nakatulog lang si Señorita Cass- este Catastrophe pala sa byahe. Huwag na huwag nyong sasabihin na may nakakilala sa kanya. Dahil kapag nagkataon pare pareho tayong sa hukay. Nagkakaintindihan ba tayo?" bilin ko sa mga bodyguards na kasama namin. "Hindi naman pwedeng hindi malaman ni Sir Ford iyong nangyari." dahilan nung isa. Pumalatak ako. Nasa byahe kami papunta sa bahay ng impaktitong Ford na iyon at tulog na tulog si Empress. Hindi ko alam kung ano iyong isinaksak dito ni Jerome na isa sa tatlong bodyguards na kasama namin. Hindi ko kase siya napigil ng habulin niya si Fifth. Hindi dapat mangyari ang bagay na iyon na magkita silang mag ina. Wala sa plano. Pero

