Simon Timothy Elvin Fontanilla III POV "Oh, nasaan iyong alaga mong bonsai?" biro ko kay Mikhael ng makita kong hindi nila kasama si Rizza Mae. "Wala. May inaasikasong mahalagang bagay. Kaya itong si Mae Mae lang ang kasama ko. Si Israel naman iniwanan ko kila Mama." sagot nito. "Sino pang hinihintay natin?" tanong ko sa kanila. Naninibago ako sa kanilang lahat dahil parang may kakaiba. Si Auntie na dating maingay ay tahimik ngayon at mukang malalim ang iniisip. "Mattheo, anong ipinakain mo kay Auntie bakit ang tahimik?" biro ko rin kay Mattheo. "Nahawa yata kay Fifth. Kaya tumahimik o baka nabusog. Ang dami kase laging pagkain sa mansion nyo." natatawang sagot nito sa akin. Napailing nalang ako. "Hoy, naririnig ko kayo. Nandito lang ako oh? Magpasin tabi naman kayong dalawa. Ang ba

