Excited na excited ako ngayon habang nakasakay ako sa chopper na pagmamay ari ni Clifford. Kasabay namin siyang pumunta sa metro dahil may kailangan din daw siyang asikasuhin. Tulad ng gusto nito ay kasama ko si Mishang at ang tatlo nitong bodyguards. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ngayon ni Clifford. Nang magpaalam nga ako sa kanya na gusto kong manuod ng concert hindi agad siya nakasagot. Mukang gulat na gulat siya. Tapos sa metro ko pa gustong pumunta. Parang allergic nga akong dalin doon ni Clifford sa hindi ko malamang dahilan. Para bang takot siya na makita ko ng maraming tao. Matagal niya iyong pinag isipan bago siya pumayag. May kinausap pa nga siya. Tapos narinig ko na kausap din niya si Doc Hanz. Seryosong seryoso iyong usapan nila base doon sa reaksyon ni Clifford

