"Elvin no! Elvin!" Pilit akong nagpupumiglas sa mga tauhan ni Ysabel habang inilalayo ako sa duguang katawan ni Elvin. "Let me go! Damn you! Mamatay kana! Walang hiya ka! Demonyo ka! Pati si Elvin idinamay mo!" sigaw ko habang hawak hawak ako ng mga tauhan ni Ysabel. Hilam na hilam ang mga mata ko sa luha. Hindi ko iniinda ang sakit ng tama ng baril sa isang binti ko. Ang nasa isip ko ay makasama ang asawa ko. I know he is a fighter. Mabubuhay siya alam ko. Lalaban siya para sa aming dalawa. "Tumahimik ka! Isusunod na kita kay Simon kapag hindi ka pa tumigil! Kung hindi lang kita kailangan noon ka pa patay at baka inuuod na iyang katawan mo!" sigaw nito at napaigik siya dahil sa tama ng baril niya. "Wala ka talagang puso!" dagdag ko. Ngumisi siya sa akin habang pasakay kami sa isang y

