Hawak ko si Israel ng mapadaan ako sa office ng asawa ko sa bahay. Lalagpasan ko nalang sana iyon ng maulinigan ko ang boses ni Gabriel at Hermes na mukang seryosong seryoso ang pinaguusapan. Napakunot noo ako ng marinig ko kung sino ang sentro ng usapan nila. Kumiling iyong leeg ng anak ko at tinitigan ako. Sinenyasan ko siya na huwag maingay. Humagikgik siya saka tumango. Napadaan iyong isang maid namin. Sinenyasan ko din siya na huwag maingay at ibinigay dito si Israel. Kinuha niya ang anak ko at umalis na sila. Ako naman ay dumikit mabuti sa pintuang bahagyang nakaawang. Rinig na rinig ko iyong pag uusap nila. Mukang nakalimutan nilang isarang mabuti. "Sigurado ka na na kay Santibañez? Edi ibig sabihin siya ang kasabwat ni Ysabel at siya ang nagplano ng lahat ng nangyari? Hanggang

