Hermes Samuel Montes's POV "Honey, anong oras ka uuwi? Hinihintay ka ng anak mo." Tanong sa akin ni Bless ng sagutin ko ang tawag nito. "Hindi ako makakauwi." Sagot ko dito. Hindi ito nakaimik sa kabilang linya. Alam kong nagtataka siya kase ngayon lang ako hindi uuwi sa bahay at sasabay sa kanilang kumain. Sa ngayon ay wala ang isip ko sa pagkain na luto ng asawa ko. May malaki akong isyung inaasikaso ngayon. Nakasalalay dito ang isang buhay. "Why? Ngayon ka lang hindi makakauwi? May nangyari ba? Nasaan ka ba?" Sunod sunod na tanong nito. I sighed. "I will tell you everything tomorrow. I will explain everything. Basta huwag nyo na akong hintayin ni Hope na umuwi. Just take care okay?" Bilin ko pa dito. Napapalatak si Bless sa kabilang linya. "Sayang. Nagluto pa naman ako ng mga pabo

