Emperor's POV "Emperor, huminahon ka muna. Inhale exhale. Ganun." Sabi pa sa akin ni Gabriel. Hindi ko siya pinansin dahil ang atensyo ko ay hati. Sa kaalamang buhay si Cassandra at sa kaalamang paparating dito sa isla ang taong may gawa ng lahat ng paghihirap ng kalooban namin ng mga anak ko. "Mukang marami kayong lahat na ikwekwento sa akin?" Sabi ko sa kanila habang hinihintay namin ang mga bisita na hindi naman welcome. Inabot sa akin ni Nardo iyong baril ko. Tinanguan ko lang siya. "Hayaan muna. Masaya ka naman na ngayon." Sabi pa sa akin ni Mattheo. Ngumisi lang ako sa kanila. Talagang masaya ako ngayon. Iyong saya ko walang mapaglagyan. Pero galit din ako dahil sa nangyari. Ang haba ng panahon na nasayang sa amin ng asawa ko dahil lang sa kagagawan ng taong ito. I will gave hi

