Chapter 3

1005 Words
Wala akong kasalanan, ngunit pakiramdam ko, meron. Mabigat at malaki. Kinuha niya ang folder na iniwan ni Felix sa itaas ng mesa, katabi ng kulay puti niyang laptop. Naglakad siya patungo sa mesa at umupo sa silya niya. Ako naman, umiwas ng tingin. "Ako nga pala si Jasper. Ikaw, anong pangalan mo?" "Sophie." Ang tagal na no'n. Mahigit dalawang taon na. Tumatawa siya at nagkukwento, habang ako naman ay nakatitig lang sa kanyang maamong pagmumukha. Maliwanag ang kanyang ngiti. Komportable ako sa presensya niya, gustong-gusto ko siyang yakapin. Nakakabingi ang katahimikan, kinakabahan ako sa sitwasyong aking napasukan. Nakailang iwas na ako sa mga kliyente na nais makipagkita sa pampublikong lugar. May mga pagkakataong niyayaya nila akong kumain, mamili, o sumama sa kanila sa isang trip, pero hindi ako sumasama. Ang kabit ay kabit, ang pokpok ay pokpok. Hindi ako pwedeng magbago ng ginagampanang papel. Ang trabaho ko ay ekslubiso lamang sa loob ng kwarto, hindi sa labas. Pero hindi na ngayon dahil nagbago na ang sitwasyon. Kailangan ko lang maging maingat, maging professional. Ayaw din naman siguro ni Jasper na lumipad ang balita tungkol sa pagpunta niya sa isang prostitute noon. Mae-eskandalo siya. "Magkano ang expected salary mo, Miss Bordelon?" tanong niya, hindi nakatingin sa akin. Masyado siyang malamig at malayo. Nakakapanibago. "Twenty thousand pesos a month," saad ko. Isang gabi ko kayang kobrahin ang presyo na 'yan sa isang kustomer, pero wala, nandito na ako. "May boyfriend ka ba? Asawa?" Nagtinginan kami nang mata-sa-mata. Ano naman 'yon sa kanya? "Wala po, Sir," wika ko, muling umiwas ng tingin. Tumitig siyang muli sa manila folder. "Anak? Mayroon ba?" Hindi ako makagalaw sa tanong. Para akong naging isang rebulto sa loob ng isang segundo. "Wa-wala, Sir." Bumuntong-hininga si Jasper, tiniklop ang folder. Binigay niya sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga papeles. Isang kontrata. Tatlong pahinang kontrata na kailangan ko munang basahin bago pirmahan. "Well, nagtatanong lang. Baka kasi mayroon kang mga ipapasok na mga relatives sa health insurance mo, pero kayo na ang mag-uusap niyan ng HR. Sa akin ka magtatrabaho, meaning, ako ang magiging boss mo. Ikaw ang magmo-monitor ng pagkain ko, at magluluto ka rin tatlong beses sa isang linggo. Sa bahay ko," deklara nito. Nagtagpo ang mga kilay ko nang magtinginan kami. "Akala ko-" "Nasa kontrata, basahin mo lang. Eighty thousand pesos a month, thrice a week kang pupunta sa bahay to supervise my breakfast, lunch, and dinner. May sariling kwarto ka, and you can leave the house anytime bumalik ka lang sa mga oras na dapat nandoon ka. Oh, and you can eat whatever you want in my house," anito saka ngumiti, at kinindatan ako. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti na mayroong kinang sa mga mata sa loob ng mahabang panahon. Napatitig lang ako sa kanya. Sino ba ang lalaking ito? Ibang-iba siya sa nakilala kong Jasper noon. Binasa ko na lang ang mga nakasaad doon sa loob ng ilang minuto. Sinubukan niya akong bigyan ng bolpen pero may dala ako kaya ayos lang, hindi na kailangan. Pagkatapos kong mapirmahan ang mga papeles ay tinanggap niya ito. Hindi siya kumurap. "Salamat. Pwede ka nang magsimula bukas, tutal Martes naman ngayon. Ipapasundo lang kita sa driver ko hanggang sa kaya mo nang pumunta sa bahay nang mag-isa. Siya nga pala… how are you?" Nanlamig ako. How are you. Naiintindihan ko naman kung bakit niya itatanong ang bagay na 'yon. Kung kumusta na ako. Ang hindi ko maintindihan, bakit ang lanta ng boses niya. "Ayos lang naman ako. Ikaw ba?" Nagkibit-balikat siya, mapakla ang ngiting pinakawalan. "Medyo mahapdi pa rin. Paggising ko sa umaga noon, wala na akong katabi." "I'm sorry. Hindi 'yon kasama sa trabaho." Umiwas ako ng tingin. "Alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari pagkatapos." "Wala, sa totoo lang. Siguro pupunta ako ulit ng bahay-aliwan upang malaman 'yan." Nakalimutan ko. Unang beses niya pala iyon. Oops. "So, may mga bakanteng araw ka sa trabahong 'to. Nagtatrabaho ka pa rin ba bilang…?" Umiling-iling ako. "Umalis na ko do'n. Pagod na ako sa trabahong 'yon…" Tumango si Jasper, pagkatapos ay tumayo. Nagkamayan kami. Mainit ang kanyang kamay at may pawis pa. Tiningnan ko siya. Ninenerbyos yata. "Hindi ko masasabing bahagi ka ng kumpanya, Miss Bordelon. Pero boss mo na ako ngayon. It was nice meeting you again." "Pleasure to meet you again, Sir…" Sumilip ako sa tabi ng kanyang laptop. "Alcontin." Bumigat ang pakiramdam ko pagkatapos naming magkamayan. Hindi ako makatingin sa kanya, kaya tumalikod na lang ako at kinuha ang aking bag. Lumingon ako ulit sa kanya. "Bakit nga pala kailangan mo ng dietitian? May sakit ka ba?" "Anemic." Kinuha ni Jasper ang itim na tumbler sa gilid ng laptop at nagsimulang uminom doon. "Alam mong… ako ang pupunta dito, tama? Bakit ako ang pinili mo?" Tumigil siya sa pag-inom at tiningnan ako, malalim at matalim na tingin. "May credentials ka. Alam kong magaling ka bilang isang dietitian. Nagtanong-tanong din ako. Wala silang problema sa 'yo, and told me you're the best." Nginitian ko siya sandali. Bagong simula na ito sa aming dalawa, kaya dapat lang na maging maligalig ako ng walang malisya. Utang ko ang kanyang pagtanggap, patungo sa isang kinabukasang walang bahid ng dumi. "Goobye, Sir." "Goodbye…" aniya sa mahina at malungkot na boses. Nakaupo ako sa labas ng isang coffee shop malapit sa Alcontin Building kung saan pwede kong makita ulit si Jasper. Ayon sa salamin kong dala, mukha akong tanga. Bakit ako malungkot? Bakit ganito ang nararamdaman ko? "Frappe niyo po, Miss," sabi ng waiter na nakangiti sa akin. "Have a nice day, po." Tumango lang ako saka nagpakawala ng mahinang pasasalamat. Kanina lang ang taas ng energy ko nang pumunta ako sa Alcontin Building. Bumigat lang ang pakiramdam ko nang makita ko si Jasper. May kakaiba sa mga mata niya kanina pati na sa ekspresyon ng kanyang mukha. Malungkot siya, sigurado ako doon, ngunit hindi ko alam kung bakit. Bagong tao na kami ngayon, pero bakit pakiramdam ko parang kami pa rin ang mga taong wasak na nagkakilala noon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD