MAHIGIT isang buwang na ang nakalipas simula nang tumira si Roxanne sa bahay ng mga Moreno at walang araw na hindi nasasaktan si Angela. Tila siya pa ang lumalabas na kabit dahil siya pa ang umiiwas kay Roxanne. Nakita rin niya ang pagiging malapit ni Roxanne kina Lorena at Sergio habang sa kaniya ay malayo ang loob ng mga ito. Kahit paano ay nagpapasalamat naman siya na hindi na naulit pa ang pagtatangka ni Sergio sa kaniya. Sabagay, hindi na kasi ito nagkaroon ng pagkakataon kagaya dati silang dalawa lamang ang nasa bahay. Bagaman at paminsan-minsan ay binabastos siya nito sa pamamagitan ng salita ay hinahayaan na lang niya. Si Roxanne naman ay patuloy sa pang-iinis sa kaniya at hindi na rin niya ito pinapansin kapag ganoon. Kapag kasi nakakakuha ito ng pagkakataon ay umaarte i

