PAROO’T PARITO sa paglalakad sa kwarto nila si Roxanne habang kinakagat ang kuko sa daliri. Ganoon siya kapag nate-tense at kinakabahan. Paanong hindi siya kakabahan? Buntis na si Angela! Nakita niya kahapon ang pregnancy test kit nito na may positive result sa kusina at kinuha niya iyon para kapag sinabi nito na buntis ito ay wala itong ebidensiya. Inangkin niya na sa kaniya iyon at sinabing buntis siya kahit hindi. Ang ikinakatakot niya ay hindi niya alam kung hanggang kailan niya maitatago ang totoo kay Cedrick tungkol sa tunay na kalagayan ng asawa nito. Siyempre, hindi titigil si Angela hangga’t hindi nito napapatunayan na buntis ito at napakadali lang niyong gawin. Nangangamba siya na baka kapag nalaman ni Cedrick na buntis si Angela ay iwanan na siya nito dahil magkakaroon

