SIMULA nang mapatotohanan ni Angela na buntis ito ay napapansin ni Roxanne ang pagbabago sa pakikitungo ni Cedrick sa kaniya. Nabawasan na ang pagiging malambing nito at kung noon ay gabi-gabi silang nagtatalik ngayon ay pumapalya na. Kapansin-pansin din na kinakausap na ulit nito si Angela lalo na kung tungkol sa kailangan nito ngayong buntis ito. Hindi niya maaaring balewalain ang mga iyon dahil baka tuluyan siyang alisin ni Cedrick sa buhay nito lalo na sa sandaling mabisto nito na hindi siya buntis. Kailangan na niya ng tulong at si Lorena ang unang pumasok sa isip niya. Kaya isang gabi, matapos ang hapunan ay sinundan niya si Lorena sa basement para kausapin. “Tita, pwede ba kitang makausap?” tanong ni Roxanne nang nasa basement na ito. Nasa may bungad siya ng pintuan. “Ay,

