NARARAMDAMAN noon ni Angela na simula nang malaman ni Cedrick na buntis siya ay tila bumabalik na ang pagiging maasikaso at maaalalahanin nito sa kaniya. Ang akala niya ay magiging tuloy-tuloy na iyon ngunit ang lahat ay nagbago nang akusahan siya ni Roxanne kung bakit ito nakunan. Muli niyang naramdaman ang pagiging malamig ni Cedrick. Hindi na siya nito kinakausap at lalapitan lang siya kapag bibigyan ng pera para sa pampa-check up niya. Mas nakatutok ito kay Roxanne na palaging nakakulong sa kwarto dahil sa nagluluksa ito sa pagkawala ng anak nito. Oo, malungkot din siya na nakunan ito pero hindi niya nagugustuhan na sa kaniya nito isinisi ang lahat. Alam niya sa sarili na wala siyang kasalanan. Naabutan niya sa banyo si Roxanne na duguan na at wala siyang kinalaman sa pagkak

