“ANGELA? Angela!” Agad ang paggapang ng takot sa katawan ni Angela nang marinig niya ang boses ni Sergio sa salas na tinatawag siya. Nagmamadali siyang lumabas ng basement at nakita niya si Sergio na nakatayo malapit sa basag na flower vase sa sahig. Wala itong kasama kahit na sino. “P-papa?” “Bakit galit ka sa basement? `Di ba, bawal kang pumunta doon?” “May nakita po kasi akong daga na pumasok sa basement. Hinabol ko lang po.” Pagsisinungaling niya. “Bumalik po kayo. Meron po ba kayong nakalimutan?” Umiling si Sergio. “Wala. Hindi na ako sasama sa kanila at biglang sumakit ang ulo ko. Pakiayos nga itong nabasag ko at baka matapakan pa. Aakyat muna ako sa kwarto para magpahinga. Mamayang tanghalian ay dalhan mo ako ng pagkain at gamot sa sakit ng ulo.” “Sige po, papa,” aniya

