ANG pag-aasawa o pagpapakasal daw ay hindi katulad ng mainit na kanin na kapag isinubo mo at napaso ka ay pwede mong iluwa. Ngayon, napapatunayan ni Angela na totoo nga ang kasabihan na iyon ng matatanda. Ngunit hindi yata mainit na kanin ang naisubo niya kundi nagbabagang uling kasi sobrang sakit. Pero kahit sobrang sakit na ay hindi niya kayang iluwa. Mas kaya niyang tiisin ang sakit kesa sa makipaghiwalay kay Cedrick. Hindi niya yata kayang mabuhay nang wala ito sa tabi niya. Kaya kahit dehado ay pumayag si Angela sa mga kondisyon ni Cedrick para manatili siya sa bahay ng mga ito. Una, pwede siyang magselos kina Roxanne at Cedrick ngunit hindi niya iyon maaaring ipakita o iparamdam. Kasama na roon ang pag-iwas sa pakikig-away kay Roxanne. Pangalawa, mag-asawa na lang sila ni

