“IPINAPANGAKO ko sa iyo, Angela, na walang araw at oras na hindi kita mamahalin. Palagi kong ipaparamdam sa iyo ang pagmamahal ko because you deserve that. Mahal na mahal kita, Angela. Kahit ang buhay ko ay handa kong ialay sa iyo. Hinding-hindi ako gagawa ng bagay na magiging dahilan para masaktan ka. Mas nanainisin ko pang mamatay kesa sa saktan ka, Angela. Walang ibang tao ang nakapagparamdam sa akin ng ganitong pag-ibig kundi ikaw lang… Habangbuhay ang pagmamahal ko sa iyo. Mahal na mahal kita, Mrs. Angela San Pedro Moreno!” Ang mga katagang iyon na sinabi ni Cedrick kay Angela noong ikinasal sila ang umaalingawngaw sa loob ng puso niya habang hinila siya nito palabas ng kanilang bahay. Labis na ikinagulat ni Angela sa naging desisyon ng kaniyang asawa. Sa kasamaang palad ay s

