“SALINAN ko na po ba ng tubig ang baso ninyo?” tanong ni Luna kay Liya habang kumakain ng almusal. “Ako na. Kaya ko naman, e,” sagot ni Liya sa kasambahay at ngumiti ito kay Luna na ginantihan din ni Luna ng matamis na ngiti. Tumaas ang isang kilay ni Lorena sa kaniyang nakikita kina Luna at Liya. Kung dati ay naiinis si Liya kay Luna ngayon ay parang nawala na iyon. Kapansin-pansin na naging mabait bigla si Liya sa kanilang kasambahay. May nangyari ba na hindi niya alam? Natulog lang sila kagabi tapos parang magkasundo na ang dalawa? Nakakapagtaka. “May lakad nga pala ako ngayon,” ani Sergio. “Kakausapin ko iyong bibili ng branch natin sa Bulacan.” Dumako ang tingin ni Lorena sa asawa. Patuloy ito sa mabilis na pagsubo ng pagkain na parang nagmamadali. Oo, totoong ibebenta na

