Chapter IX

1970 Words
  PARANG paulit-ulit na sinaksak sa dibdib si Logan sa mga inamin ni Roxanne. Alam na naman niya na may ibang lalaki itong kasama sa Batangas at nakipag-s*x ito dahil sa pinasundan niya ito kay Markus. Ang hindi niya alam ay mahal pala ni Roxanne ang lalaking iyon. Akala niya ay walang seryosong namamagitan sa dalawa. Upang kahit paano ay makalimot sa sakit ay naisipan niyang umalis ng bahay. Gusto niyang magpunta sa bar at magpakalasing ng gabing iyon. Tinawagan niya si Markus na ihanap siya ng magandang bar na may private room. Ayaw niya sa maingay. Pwede naman sa bahay niya pero ang gusto niya ay ang malayo muna sa kaniyang asawa. Mabilis na nakahanap si Markus. Matapos nitong i-send ang location ng isang bar sa Taguig ay nagpunta na siya doon. Naka-reserve na sa kaniya ang isang malaki at mamahaling private room sa naturang bar. Nakahanda na rin ang paborito niyang alak. Pagkaupo niya sa couch ay nagpaalam na si Markus. “Kapag may kailangan pa kayo, Sir Logan, tawagan niyo lang ako.” Bahagya pa itong yumukod at tumalikod. “Sandali lang, Markus.” Tawag niya sa lalaki. Naisip niya kasi na mas magiging malungkot siya kung mag-isa siyang magpapakalasing. “Umupo ka. Samahan mo ako dito.” “Po?” “Ayoko nang ulitin, Markus. Sit down. Samahan mo akong uminom.” Tumalima agad si Markus. Umupo ito sa tabi niya. Mabuti at may extra na brandy glass kaya hindi na nila kailangan na mag-request ng isa. Kinuha niya ang isang bote ng Remy Martin Louis XIII Black Pearl. Isang mamahaling alak na nagkakahalaga ng halos two hundred thousand pesos ang isang bote. Sinalinan niya ang kaniyang baso at pagkatapos ay kay Markus. Pero pinigilan siya nito. “Naku, sir! Ako na ang magtatagay ng sa akin,” turan ni Markus. “Huwag mo akong ituring na boss mo ngayong gabi. Isipin mo na magkaibigan lang tayo. Okay?” aniya. “O-okay, sir. K-kung iyan po ang gusto ninyo.” May lungkot na naramdaman si Logan sa sinabi niya kay Markus. Napagtanto niya kasi na wala pala siyang matatawag na kaibigan. Sa sobrang pagkatutok niya sa kaniyang negosyo ay nakalimutan na niya ang kaniyang social life. Tuloy, kailangan pa niyang pagpanggapin ang tauhan niya na kaibigan niya ito upang may makasama siya ngayong malungkot siya. Tao ka pa ba, Logan? Tanong niya sa sarili sabay tungga ng alak.        “ALAM mo, pare! Kung sa tingin mo ay nanlalamig na sa iyo ang misis mo o kagaya ng sinabi mo na may iba na siyang mahal na lalaki ay hiwalayan mo na. Marami pang ibang babae diyan, pare! Saka ako na nga mismo nakahuli kay Ma’am Roxanne na may lalaki siya, `di ba? May videos at pictures pa ako, pare. Nasend ko na iyon sa iyo, pare!” May patapik-tapik pa sa balikat ni Logan si Markus habang nagsasalita ito. Kapwa lasing na silang dalawa dahil nangangalahati na sila sa bote na kanilang iniinom. Malakas din kasi ang tama niyon, e. Masyado na ring kumportable si Markus at umabot na sa ang tawag nito sa kaniya ay “pare” imbes na “sir”. Mas gusto nga niya iyon dahil pakiramdam niya ay totoong kaibigan niya si Markus at hindi tauhan. Nagsalin ng alak si Logan sa kaniyang baso na may yelo. “Hindi basta babae lamang si Roxanne, pare. Asawa ko siya. Mahal ko siya. Alam ko, malaki ang pagkukulang ko sa kaniya dahil hindi ko ibinibigay ang kagustuhan niyang magkaroon ng anak pero sana ay intindihin niya na ayaw ko pa ng anak. Ang gusto ko ay mag-focus sa negosyo at sa kaniya! Kaya hindi madali iyang sinasabi mo na makipaghiwalay at maghanap ng iba!” Umiling-iling siya sabay tunggan sa alak. Gumuhit ang kaunting pait sa lalamunan niya. “E, ikaw `yan. Bahala ka sa buhay mo—” Naitutop ni Markus ang dalawang kamay sa bibig. “Hala! Sorry, Sir Logan! H-hindi ko na alam ang sinasabi ko. Epekto lang po ng alak ito, sir. Pasensiya na, sir!” Tumayo pa ito at ilang beses na yumukod. “Ano ka ba? Ayos lang! Ituring mo muna akong kaibigan ngayon. Sabihin mo ang gusto mong sabihin. Walang problema. Ngayon lang naman.” “Pero, Sir Logan…” “Just sit down, Markus! Kailangan ko pa ng kausap!” Walang imik na bumalik sa pagkakaupo si Markus at mukhang nahiya nang magsalita. Tumingin sa kawalan si Logan. Nakapinta sa utak niya ang magandang mukha ng kaniyang asawa. “Roxanne is different. Maraming babae ang dumaan sa buhay ko pero sa kaniya lang ako nagseryoso. I even got married with her kahit wala sa prinsipyo ko ang pagpapakasal. Ginagawa ko naman itong lahat para sa future namin, sa pamilya na bubuuin namin. Pero mukhang hindi na siya nakapaghintay at humanap na siya ng ibang lalaki.” Pinapakiramdaman niya ang sarili kung naiiyak siya. Gusto niyang umiyak dahil sa labis na kalungkutan pero walang luhang lumalabas sa kaniyang mga mata. Ganito ba talaga siya katigas? Maging ang luha ay hindi yata nag-e-exist sa katawan niya. “Kung mahal niyo po talaga si Ma’am Roxanne at mukhang hindi siya hihiwalay sa lalaki niya… Ano kaya kung iyong lalaki ang kausapin ninyo, sir—este pare pala.” Kakamot-kamot sa likod ng ulo si Markus. Sandaling natigilan si Logan dahil sa sinabi ng kasama. Isang ideya ang naisip niya. “Markus, bibigyan kita ng bagong assignment.” “Ano `yon, pare?” “Alamin mo kung sino ang lalaki ni Roxanne. Gusto kong malaman ang pagkatao ng lalaking iyon at kung bakit niya minahal ang tarantadong iyon!” Tumiim ang bagang niya matapos magsalita. Kung sino man ang lalaking iyon ay nagkamali ito ng babaeng nilandi!   HABANG nagwawalis sa harapan ng bahay si Angela ay nagulat siya sa pagdating ni Liya. Masaya niya itong ipinagbukas ng gate at pinapasok. “Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman itong bahay nina Cedrick?” Hindi mapalis ang ngiti niya sa pagtatanong sa kaibigan. Masaya kasi siya na matapos ang ilang linggo ay nagkita na ulit sila. Simula kasi ng lumipat sila dito ay hindi na ulit sila nagkita. Pabirong umirap si Liya. “Ano ka ba? Diyan lang kaya sa kabilang street ang bahay namin. Nakalimutan mo na ba?” anito sabay tawa. “Anyway, bessy, gusto lang din kitang bisitahin dito para masiguro na hindi ka inaapi ng mother ng asawa mo!” “Hoy! Baka may makarinig sa iyo!” “Charot lang! Ganoon kasi sa mga teleserye, `di ba? Inaapi ng biyenan iyong asawa ng anak nila!” Tumawa ito. “Pero ano nga ba? Okay ka lang ba dito?” “Mabait sila sa akin. Huwag kang mag-alala. Teka, pasok muna tayo sa loob. Nag-bake ako ng cupcakes. Pangbenta ko pero tikman mo kung okay ba ang lasa.” “Ah, sige, sige! Bet ko iyan!” Nagpatiuna si Angela sa pagpasok habang nakasunod sa kaniya si Liya. Nadatnan nila si Kakay at Lala na naghahabulan sa salas. Napansin niya ang bahid ng chocolate sa mukha at kamay ng dalawa. Kinabahan siya dahil may chocolate filling ang cupcakes na ginawa niya. Napatakbo tuloy siya sa kusina at doon ay nakumpirma niyang nilantakan ng dalawa ang ginawa niyang mga cupcake. Nakataob ang pantakip ng pagkain sa lamesa at tatlo na lang ang natira sa sampung cupcake na ginawa niya. Ang anim doon ay para sa umorder sa kaniya at ang apat ang para sa kanila. Ang nakakalungkot pa ay parang pinaglaruan ang mga natirang cupcake. Nagkalat ang filling at sira na ang porma. Tila nilapirot sa kamay. Nakailang beses din si Angela bago niya na-perfect ang paggawa ng ganoong uri ng cupcake. Nag-aral siyang mag-bake para pandagdag sa kita niya at maging mabilis ang pag-iipon nila ni Cedrick para sa sarili nilang bahay at lupa. Malaki na din ang nagastos niya sa pagbili ng ingredients nitong mga nakaraan. Tapos ngayong nakuha na niya ang tamang paggawa ay ganoon lang ang gagawin. Kakainin at paglalaruan. Hindi tuloy napigilan ni Angela ang pag-init ng kaniyang ulo. Mabait siya at mapagtimpi pero hindi sa pagkakataon na ito! “OMG! Anong nangyari sa cupckaes?! Bakit parang binagyo ng severe?!” wika ni Liya na sumunod pala sa kaniya sa kusina. Nakakakuyom ang kamao na bumalik siya sa salas. Pagkakita niya ulit kina Kakay at Lala ay mas lalong kumulo ang dugo niya. Nilapitan niya ang magkapatid at walang babala na pinalo niya si Kakay sa pwet gamit ang palad. “Anong ginawa ninyo sa cupcakes ko, ha?! Ano?!” Naiinis niyang sigaw. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Lala. “Hindi sa inyo iyon! Dapat ay nagpaalam muna kayo sa akin! Hirap na hirap ako sa paggawa ng mga iyon. Alam niyo ba?!” Halos maiyak na siya sa labis na sama ng loob. Malakas at magkasabay na umiyak sina Kakay at Lala. Ang iyak ng dalawa ang tila naging dahilan para matauhan si Angela. Agad niyang pinagsisihan ang nagawang p*******t at pagsigaw sa magkapatid. “D-diyos ko!” bulalas niya. Hindi niya tuloy alam ang gagawin kung paano patatahanin ang dalawa. Palakas nang palakas ang iyak ng mga ito. “Sorry! Nabigla lang ako. Sorry talaga! Aray—” Biglang may humila sa buhok ni Angela kaya nabitawan niya ang dalawa. “Tarantada ka! Anong ginawa mo sa mga anak ko?!” Malakas na sigaw ni Lorena. Ito pala ang sumabunot sa kaniya. “Mama! H-hindi ko po sinasadya!” “Pwes! Ito sinasadya ko!” Ipinagwasiwasan nito ang ulo niya at pwersahan siya nitong iniharap dito upang pagsasampalin ang kaniyang magkabilang pisngi. “Wala kang karapatan na saktan ang kahit na sino sa mga anak ko!” “Hoy! Hoy! Bitiwan mo nga ang kaibigan ko! Wala ka ring karapatan na saktan siya!” Inawat ni Liya ang pagsampal ni Lorena sa kaniya. Kinuha siya nito at mahigpit na niyakap. Walang nagawa si Angela kundi ang umiyak. “Hayop kang babae ka! Makakarating kay Cedrick itong ginawa mo! Nakikitira ka lang dito. Baka nakakalimutan mo!” “Sorry po, mama! H-hindi ko lang po napigilan ang sarili ko dahil kinain nila iyong pangbenta kong cupcakes. Sorry po—” “`Wag ka ngang mag-sorry diyan, Angela!” saway ni Liya. “Cupcake lang nagkakaganiyan ka na?! Sasaktan mo na ang mga anak ko! Kung may problema ka sa kanila ay sabihin mo sa akin hindi iyong ikaw ang magdi-disiplina sa kanila! Gaga ka!” Galit na tinawag ni Lorena sina Kakay at Lala. Pinaakyat nito ang mga anak sa kwarto sa itaas. “Kapag nalaman kong sinaktan mo pa ulit ang kahit isa sa mga anak ko ay lalayas ka dito, Angela! Sisipain talaga kita palabas. Punyeta ka!” Pinanlisikan muna siya ng mata ni Lorena bago ito umakyat sa itaas. Nang wala na siya ay saka siya pinakawalan ni Liya. “Akala ko ba ay mabait sila sa iyo dito? Ganoon ba ang mabait? Nananakit?” Gamit ang kamay ay inayos nito ang buhok niya. “H-hindi ko naman sinasadya, Liya. N-nabigla lang ako kaya nasaktan ko ang mga bata,” hihikbi-hikbing turan ni Angela. “Alam ko. Kahit man ako ay ganoon din ang magiging reaksiyon kapag may nangwalanghiya sa bagay na pinaghirapan ko. Ewan ko ba diyan sa biyenan mo at kung maka-react ay wagas. Talaga bang sinasaktan ka niya palagi?” “Pangalawang beses pa lang naman ito.” “Lang? Aba’t parang gusto mo pang masundan, a! Naku, huwag kang papayag. Magsumbong ka sa asawa mo at kapag ikaw ay hindi niya kinampihan, magsabi ka sa akin. Pagbubuhulin ko ang mag-inang iyon!” “Hayaan mo na lang, Liya. A-ayoko na ring lumaki ang gulo na ito, e. Ako na ang mag-a-adjust…” Pagpapakumbaba niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD