Chapter VIII

2544 Words
       NAGING masaya ang pagbabakasyon ni Cedrick sa isang beach resort sa Batangas kasama si Roxanne. Nagkaroon sila ng mahabang oras na magkasama silang dalawa. Pero dahil sa isang gabi lamang sila sa naturang beach resort ay talagang sinulit nila ang kanilang pananatili doon. Lahat ng water activities na meron ay ginawa nilang dalawa. Nag-snorkeling sila, sumakay sa motor boat, fish feeding at kung anu-ano pa. Kumain din sila sa masasarap na kainan na meron sa resort at siyempre hindi nawala ang mainit at adventurous na pagsi-s*x. Mahusay sa kama si Roxanne at kayang-kaya nitong ibigay ang gusto niya. Wala silang pag-iingat na ginawa o ginamit na proteksiyon dahil gusto ni Roxanne na mabuntis ito. Malaki ang ngiti sa labi na umuwi si Cedrick sa kanilang bahay ng gabing iyon. Sa pagpasok niya sa kwarto nila ni Angela ay nakita niya ang asawa na nakaupo sa gilid ng kama. Agad niyang napansin ang kahon na nasa tabi nito. Nanlamig siya dahil alam niya ang laman ng kahon na iyon. Hahalikan niya sana sa pisngi si Angela pero iniwas nito ang mukha. “Gusto kong ipaliwanag mo sa akin ang laman ng kahon na ito. Tinanong ko si mama at ang sabi niya ay ikaw ang may karapatan na sagutin ang mga tanong ko.” Kapansin-pansin ang pamumugto ng mata ni Angela at nagkukulay-ube ang isang pisngi nito. “Anong nangyari sa pisngi mo? Pasa ba iyan?” tanong niya imbes na sagutin si Angela. “I-isang aksidente. Huwag mo nang pansinin. Ang tanong ko ang sagutin mo. Gusto kong malaman ang totoo at kung sino si Marissa de Mesa!” Ibinaba muna niya ang dalang bag sa sahig at tumabi sa asawa. Kinuha niya ang kahon at binuksan. Isa-isa niyang tiningnan ang mga pictures na naroon. “Si Marissa ang una kong asawa.” Panimula ni Cedrick. “Bago ka ay siya ang pinakasalan ko. Nagmahalan kami kahit malaki ang agwat ng edad namin. Mas matanda siya sa akin ng sampung tao pero hindi iyon naging hadlang para mahalin ko siya. Anim na buwan simula ng maging kami ay nagpakasal na kami dahil pakiramdam namin ay kaming dalawa na ang magkasama hanggang kamatayan pero nagkamali ako, Angela…” Sandali siyang tumigil. Suminghot siya at pinunasan ng mga kamay ang luhang nagbabadyang kumawala. “Anong nangyari pagkatapos?” “One month after ng kasal namin ay n-namatay si Marissa. N-nagpakamatay siya!” Tuluyan nang napaiyak si Cedrick kaya hinaplos ni Angela ang likod niya. “Ayon sa suicide note niya ay may cancer siya. Terminal case at malapit na siyang mamatay. Inilihim niya iyon sa akin! Hindi niya sinabi dahil ayaw niya na mag-alala ako. Nagpakamatay siya dahil sa sakit niya. Mas pinili niyang mawala agad!” “I’m sorry pero bakit hindi mo ito sinabi sa akin noon? Na ikinasal ka na pala dati sa iba?” “Importante pa ba iyon? Parte na iyon ng nakaraan ko na gusto kong kalimutan dahil ikaw na ang kasalukuyan at hinaharap ko, Angela. Sana ay mapatawad mo ako kung hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol kay Marissa… Hindi mo na ba ako mahal ngayong nalaman mo ang nakaraan ko? Kung makikipaghiwalay ka na sa akin ay maiintindihan ko.” Mariin ang pag-iling ni Angela. “Hindi. Wala iyan sa isip ko. Gusto ko lang na malaman ang totoo at masaya ako na sinabi mo sa akin ang dapat kong malaman.” Niyakap pa siya nito. “Hinding-hindi mawawala ang love ko sa iyo, Cedrick. Paulit-ulit kitang tatanggapin kasama ang nakaraan mo. Mahal na mahal kita!” “Mahal na mahal din kita, Angela. Maraming salamat!”   NGAYONG alam na ni Angela ang katotohanan kay Marissa ay panatag na ang kaniyang kalooban. Mas lalong nakakagaan dahil si Cedrick mismo ang nagsabi sa kaniya. Naiintindihan na niya kung bakit gusto ni Lorena na ang asawa niya mismo ang magsabi sa kaniya ng tungkol sa bagay na iyon. Mas madali niyang naunawaan at tanggapin ang lahat dahil mismong sa bibig ng asawa niya nagmula ang lahat. Gaya ng sinabi niya tanggap niya si Cedrick. Wala siyang pakialam sa kung ano ang nangyari sa nakaraan nito. Minahal niya ang kaniyang asawa ng walang pag-aalinlangan sa kung sino at ano ang pinagdaanan nito. Matapos ang pag-uusap nila ay nakiusap si Cedrick na nais nito na magpahinga. Iniwan muna niya ito sa kwarto habang siya ay nagpunta sa banyo upang maligo. Nais niya kasing bumawi sa kaniyang asawa sa hindi niya pagpayag na sumiping dito noong isang linggo. Deserve naman iyon ni Cedrick lalo na at naging honest ito sa kaniya. Hindi nito ipinagkait sa kaniya ang katotohanan na karapatan niyang malaman. Nilinis niya nang husto ang katawan. Ginamit niya ang scented body wash na binili niya noon na hindi pa niya nagagamit. Nang matapos na sa pagligo ay tinuyo niya ang sarili gamit ang tuwalya at iyon na din ang ginamit niyang pangtapis. Lumabas na si Angela sa banyo at sa pagdaan niya sa kusina ay naroon ang tatay ni Cedrick na si Sergio. Titig na titig ito sa kaniya. Ang totoo ay dito siya iwas sa lahat ng kasama nila sa bahay. Iba kasi ito kung makatingin sa kaniya. Hindi naman sa nag-iisip siya ng masama o malisyosa siya pero iyon talaga ang nararamdaman niya. Magiliw naman ito at palaging nakangiti pero masyado itong touchy. Palagi siyang hinahaplos sa braso sa tuwing kakausapin siya at hindi niya iyon nagugustuhan. “Bagong ligo ka, a. Anong gamit mong sabon? Ang bango!” bati ni Sergio. Gusto sana ni Angela na dumiretso na sa kwarto nila at umiwas sa biyenan na lalaki. Ayaw niya lamang maging bastos kaya kinausap niya ito kahit napipilitan. “Iyong binili ko po dati. Body wash po, papa.” “Ipapagamit ko nga rin iyan kay Lorena. Iba ang amoy, e. Nakakagana!” “Nasa banyo po iyong body wash. Iyong pink na bottle. Sige po, aakyat na po ako.” “Mag-a-ano siguro kayo ng anak ko, `no.” Napahinto siya sa paglalakad sa sinabi ni Sergio. Labis na ang kabastusan nito talaga. Hindi nga lang niya masagot dahil sa paggalang niya. “Joke lang! Sige na, umakyat ka na sa kwarto ninyo, Angela.” “G-good night po, papa.” Iyon ang sinabi niya at naglakad na siya palayo. Malalaki ang hakbang ni Angela hanggang sa makaakyat siya sa hagdan. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa kaba. Napakabastos kasi ng sinabi ni Sergio. Sabihin nang nagbibiro ito ngunit mali pa rin ang biro nitong iyon. Hindi maganda lalo na at asawa niya ng anak nito! Isinarado at ini-lock niya ang pinto ng kwarto pagkapasok niya. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib. Nang kahit paano ay kumalma na siya ay saka niya tinapunan ng tingin ang kaniyang asawa na padapang nakahiga sa kama. Naririnig niya ang mahina nitong paghilik. Lumapit si Angela sa kama at tinanggal ang tuwalyang nakatapis sa kaniyang katawan. Hinayaan niya iyong malaglag sa sahig. Wala siyang kahit na anong saplot kaya lantad ang kaniyang kahubdan. Sumampa siya sa kama at idinaiti ang sarili sa likuran ni Cedrick upang iparamdam dito ang init niya. Inumpisahan niyang bigyan ng maliliit na halik ang likod ng tenga nito. Naglakbay ang labi niya papunta sa batok at likod ni Cedrick. Gumalaw ito at tumihaya. Bumukas ng kaunti ang mata. “Anong ginagawa mo?” Tinatamad at inaantok nitong tanong. Hindi tuloy alam ni Angela kung paano sasagutin si Cedrick. “Ah, e… alam mo na. Gusto ko sanang bumawi sa iyo.” Dudukwang sana siya para halikan ito ngunit hinawakan nito ang braso niya at mahinang pinisil. “Angela, pagod ako, e. Wala ako sa mood. Nakakapagod ang biyahe kaya mas gusto kong magpanhinga muna. Okay?” Biglang nanliit ang tingin niya sa sarili. Pakiramdam niya ay tinanggihan siya ni Cedrick gaya ng ginawa niya dito. Masakit. Ngayon ay alam na niya ang pakiramdam. “Okay. Walang problema,” pilit ang ngiti na sagot niya. Dumapa na ulit si Cedrick at bumalik sa pagtulog. Nagmamadali siyang kumuha ng damit na pantulog sa kanilang closet at isinuot iyon. Tumabi na lang siya ng higa kay Cedrick at niyakap ito hanggang sa makatulog siya.   “SAAN ka galing? I tried to call you but I can’t reach you. Hindi ka nagpaalam sa akin. Bigla ka na lang umalis. Ugali ba iyan ng isang asawa?” Napahinto si Roxanne sa pag-akyat sa hagdan sa bahay nila nang makita niya sa itaas si Logan. Tumaas ang isang kilay niya at tinapunan ng matalim na tingin ang lalaki. Nagpatuloy siya sa pag-akyat at nilampasan niya si Logan. Napaigik siya nang bigla nitong hawakan ng mahigpit ang braso niya upang pigilan siya sa paglalakad. “You’re hurting me, Logan. Let me go.” Mahinahon pero madiin niyang sabi. “I wont. Hangga’t hindi mo sinasagot ang tanong ko.” Matigas nitong turan. “Paano kung ayaw kong sagutin? Saka ang kapal ng mukha mong itanong sa akin kung ugali ba ng isang asawa ang umalis ng hindi nagpapaalam? Ibabalik ko ang question, Logan. Ugali ba ng isang asawa ang hindi bigyan ng anak ang asawa niya?” Naghahamon ang tingin ni Roxanne. Kung babatuhin siya ng mga salita ni Logan ay may pambato rin siya. “Napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na iyan. Hindi ka ba talaga makapag-intay kung kailan ako handang magkaroon tayo ng anak? Kapag handa na ako, kahit bente ay aanakan kita!” “f**k you, Logan! You’re a selfish brute! Nagsisisi na ako kung bakit ikaw pa ang pinakasalan ko! Gwapo ka nga, rich and got nice big d**k pero hanggang doon ka lang. You’re worthless!” “Ulitin mo nga ang sinabi mo,” utos nito. “Ayoko!” “Ulitin mo!” “Ayoko nga, sabi!” “Ulitin mo, Roxanne! Bakit hindi mo kayang ulitin?!” “Masyadong mahaba. Saka tinatamad ako!” Nakita niya ang sakit na pilit na itinatago nito sa binitiwan niyang salita. Matagal na niya iyong gustong sabihin at ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob. Oo, masakit ang mga sinabi niya pero wala na siyang pakialam. Saka ang lakas din makasira ng mood nitong si Logan, e. Galing siya mula sa isang masayang bakasyon kasama si Cedrick tapos ganito ang sasalubong sa kaniya sa pag-uwi. Ang saya-saya kaya nila ni Cedrick nang magkasama sila. Nag-enjoy lang sila. At saka nang makasama niya ang dating nobyo ay napagtanto niya na mahal niya pa rin ito. Muling nabuhay ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Mabilis man ang pangyayari ay wala na siyang magagawa dahil iyon na ang kaniyang nararamdaman ngayon. Nag-usap na rin sila ni Cedrick tungkol sa set-up nila. Itatago muna nila sa ngayon ang relasyon nila hanggang sa dumating ang tamang oras para maging legal ang lahat sa kanilang dalawa. Saka hindi niya maintindihan kung bakit nakakaramdam siya ng thrill sa sitwasyon nila ni Cedrick. Gusto niya iyong nagtatago sila at parang mga kriminal na ayaw magpahuli. Ngayon niya napatunayan na totoo nga ang sinasabi ng ilan na masarap ang bawal! Tumiim ang bagang ni Logan habang mas humihigpit ang pagkakapisil nito sa braso niya. “Alam ko kung saan ka nagpunta, Roxanne. Pinasundan kita kay Markus sa Batangas.” Sa uri ng tingin nito ay parang hinihintay siya nito na umamin at magsabi ng totoo. Pinuno ng hangin ni Roxanne ang dibdib. Hindi niya ipinakita na kinabahan siya ng kaunti. “So, what? Gusto kong mag-unwind at mag-relax—” “With someone?! Mag-relax kasama ang ibang lalaki?!” Tumaas na nang tuluyan ang boses ni Logan. “He’s a friend—” “Kailan ka pa nakipag-s*x sa kaibigan, Roxanne?!” Nanlaki ang mga mata niya. Pumiksi siya. Nabitawan siya ni Logan. “At talagang pinasundan mo ako hanggang sa kwarto?! Ganiyan na ba kawalang ugali iyang mga tauhan mo? Hanggang kwarto talaga, Logan?! How about my privacy—” “You’re my wife! Pwede kong gawin lahat ng gusto ko sa iyo. Pasundan man kita twenty four hours ay karapatan ko iyon!” “Iyan ang hirap sa iyo! Hindi tao ang tingin mo sa akin kundi isang bagay! Pang-display kapag nasa labas ka. I’m just a trophy for you, Logan!” “Huwag mong baguhin ang usapan! Sagutin mo ang tanong ko! Tell me the truth!” Matiim na tinitigan ni Roxanne si Logan. Namumula na ang buong mukha nito sa sobrang galit. Hindi muna siya nagsalita. Nag-iisip siya kung aamin na ba siya o magtatahi ng kasinungalingan. Kung magsisinungaling siya ay mukhang wala na siyang lulusutan. Pinasundan pala siya nito kay Markus, e. Ano pa ang silbi ng pagsisinungaling niya? Mahihirapan pa siyang mag-isip. Kung ganoon, sasabihin na ba niya ang totoo kay Logan? Handa na ba siya sa kung ano ang kakalabasan sa aksyon na gagawin niya? “Sumagot ka, Roxanne. Sino ang lalaking iyon? Just tell me the f*****g truth! Totoo ba ang sinumbong ni Markus na nakipag-s*x ka sa lalaking kasama mo sa Batangas?!” “Yes! Nakipag-s*x nga ako sa ibang lalaki. Are you happy now?” Pag-amin niya. Inaasahan niya na magwawala si Logan o kaya ay sasaktan siya pero hindi nangyari. Bagkus ay pilit na nagpapakahinahon pa itong nagsalita. “Okay. Ginawa mo ba iyon dahil hindi ka na masaya sa s*x life mo sa akin? Nagkukulang ba ako sa iyo sa kama? If yes, mas gagalingan ko pa hanggang sa makuntento ka para hindi kung kani-kaninong lalaki ka nagpapagamit!” “Hindi siya basta lalaki lang, Logan. Mahal ko siya. Hindi iyon basta nakaramdam lang ako ng libog at humanap ng kung sinong lalaki. I love him. He really cares for me unlike you!” Natigalgal si Logan at hindi nakapagsalita. “O, bakit bigla kang speechless diyan? Akala mo siguro ay habangbuhay akong magtitiis sa iyo dahil sa gwapo at mayaman ka?” Nang-aasar niyang sambit. “Sa iyo na iyang kagwapuhan at pera mo, Logan. Ngayong narinig mo na ang totoo na dini-demand mo, baka pwedeng magpahinga na ako? Napagod kasi ako. Or should I say… pinagod kasi ako!” Mahina siyang tumawa at nilampasan si Logan na nakatulala pa rin. Good job, Roxanne! Congratulations! Puri niya sa sarili pagkapasok sa kwarto nila ni Logan. Magaan ang dibdib na sumandal siya sa pinto. Hindi niya kasi akalain na kaya pala niyang pagsabihan ng mga ganoong salita si Logan. Oo, minumura niya ito pero hindi ganoon katindi. Pati ang affair niya sa ibang lalaki ay matapang din niyang naamin. Akala nga niya ay sasaktan siya ni Logan dahil kilala niya itong malupit at walang awa pagdating sa ibang tao. Nagpapalayas pa nga ito ng mahihirap sa lugar na gusto nitong pagtayuan ng negosyo nito. Pero hindi siya sinaktan ni Logan. Tila tumiklop pa nga ito. Parang sobrang nasaktan. Kung ganoon ay siya ang kahinaan ng kaniyang asawa. Ngayon ay alam niyang mahal na mahal siya ni Logan. Kung sa iba siguro iyon ay baka binugbog na siya at pagkatapos ay pinalayas. Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Roxanne. “Ngayon ay alam ko na kung paano ka hahawakan, Logan… You can’t stop me now!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD