Chapter VII

2572 Words
       NASA kwarto si Angela at nasa ibabaw ng kama habang abala sa ginagawa sa kaniyang laptop. Kanina ay nasa salas siya pero lumipat siya doon dahil sa maingay na naglalaro doon sina Lala at Kakay. Hindi siya makapag-concentrate sa kaniyang ginagawa. Inaayos niya kasi ang f*******: page ng kaniyang online store. Naisipan niya kasing bumili ng mga damit sa Divisoria at ibenta iyon dahil iyon ang uso. Naging reseller na rin siya ng mga produkto na pampaganda ng kutis gaya ng whitening soap at lotion. Sa ngayon ay iyon muna ang naiisip niyang pagkakakitaan. Ayaw naman niyang umasa lang sa kinikita ni Cedrick. Halos isang linggo pa lamang sila sa bahay ng pamilya ni Cedrick at ayaw niyang makita ng mga ito na wala siyang ginagawa para kumita ng pera. Nasa ganoon siyang gawain nang pumasok si Cedrick. Bagong paligo dahil basa ang buhok at may nakatapis na tuwalyang kulay asul sa beywang. Lumapit ito at hinalikan siya sa batok. Wala itong pasok ngayon dahil Sunday. Iyon ang araw nito ng pahinga. “Oo nga pala, aalis tayo next weekend, ha,” bulong ni Cedrick sa tenga niya. “Ha? Saan tayo pupunta?” tanong niya habang nakatutok pa rin sa laptop ang mata. “Beach resort sa Batangas. Nanalo kasi ako sa pa-raffle ng boss namin kahapon. Ngayon ko lang sinabi sa iyo. Good for two iyong vacation package. Two days and one night lang naman kaya makakabalik din tayo ng Sunday night—” “Cedrick, sorry.” Putol ni Angela. “Naalala ko na may seminar pala ako sa paggawa ng perfume next weekend. One time lang iyon kaya kailangan kong um-attend. Sorry talaga. Baka pwedeng i-resched natin?” Tiningnan niya ang asawa. Nakita niya na nadisappoint ito. Pilit itong ngumiti. “Hindi na pwedeng i-resched, e. Mas importante ba iyang seminar na iyan sa chance na magkakasama tayo na tayong dalawa lang?” tanong nito. “Cedrick, alam mong ginagawa ko ito para kumita ng pera. Ngayon pa lang ako nag-uumpisang bumangon kaya wala dapat akong palampasin na opurtunidad.” Hiling ni Angela na sana ay maunawaan siya ng kaniyang asawa. “Okay.” Sa matipid nitong sagot ay alam niyang galit ito. “`Wag ka nang magalit, please… Isama mo na lang kaya ang kaibigan mo? Si Alfred!” Naalala niya ang kaibigan at katrabaho nito. “Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi magsama ng iba.” Inamoy-amoy ni Cedrick ang buhok niya hanggang sa naramdaman niyang hinawi nito iyon. Binigyan nito ng maliliit na halik ang batok niya. Napaigtad siya nang sapuhin ni Cedrick ang kanang dibdib niya. “Cedrick…” “Hmm? I want you now,” anas nito. “C-cedrick, pwede bang—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sinibasib nito ng halik ang labi niya. Pilit siya nitong inihihiga ngunit nakatuon sa gilid ang isa niyang kamay. Alam ni Angela ang gustong mangyari ng kaniyang asawa. Pinigilan niya ang kamay nito na panay ang lamas sa kaniyang dibdib. May pagtataka itong huminto at tiningnan siya. “Bakit na naman?!” Medyo may halong inis na tanong nito. “M-may ginagawa pa kasi ako, e. Kailangan kong maayos itong mga—” “f**k!” mura ni Cedrick sabay tayo. Nagbihis ito at mabigat ang paa na lumabas ng kanilang kwarto. Gusto niya sanang habulin ang asawa dahil alam niyang nagalit ito sa pagtanggi niya ngunit naisip niya na palipasin na muna ang galit nito. Kapag malamig na ang ulo ni Cedrick ay saka niya ito kakausapin.   MAY inis na sumakay sa kotse si Cedrick at mabilis iyong pinasibad. Masama ang loob niya dahil dalawang beses siyang tinanggihan ni Angela ng araw na iyon. Una, sa pag-aya niya dito na magbakasyon sa Batangas at pangalawa ay sa pakikipagtalik. Mas mahalaga pa dito ang ibang bagay kesa sa pangangailangan ng sarili nitong asawa. Inihinto niya sa tabi ng kalsada ang kotse. Hindi niya kasi alam kung saan siya pupunta. Kinuha niya ang cellphone at nag-open ng Messenger. Mag-aaya sana siya sa mga katrabaho niya na kumain sa labas pero may ibang sinasabi ang utak niya. Si Roxanne. Parang gusto niyang makipagkita sa dating nobya. Wala naman sigurong masama. Mag-uusap lang naman sila, e. Hinanap niya ang f*******: ni Roxanne at in-add ito. Medyo nagulat siya dahil agad nitong in-accept iyon. Kasunod ay may nag-pop up na message mula sa babae. ROXANNE: Hey! What’s up? CEDRICK: Nothing much. Are you busy today? ROXANNE: Nah. Nasa labas ako. Coffee shop. CEDRICK: Where? Pwedeng makipag-usap? ROXANNE: Oh… Baka magalit asawa mo. CEDRICK: Wala naman tayong gagawing masama, e. Usap lang. ROXANNE: (location sent) Get here. Bilisan mo! Nang malaman ni Cedrick ang location ni Roxanne ay pinaandar na niya ang kotse upang puntahan ito. Hindi ganoon kalayo ang coffee shop kung saan ito naroon kaya wala pang fifteen minutes ay narating na niya iyon.   “COME inside! Come inside!” Akala mo ay nauulol na hiyaw ni Roxanne kay Cedrick. Mas lalong binilisan ni Cedrick ang pag-ulos sa p********e ng babaeng katalik hanggang sa sumabog na siya sa loob nito gaya ng gusto nitong gawin niya. Kapwa sila hinihingal na umayos ng pagkakahiga sa kama ng hotel room kung saan sila nag-check in ng tanghali na iyon. Nakatingin sila sa kisame at pinapahupa ang isa’t isa. Mula sa coffee shop ay doon na sila dumiretso. Sa gilid ng mata ni Cedrick ay nakita niyang kinuha ni Roxanne ang isang pakete ng sigarilyo at kumuha ng isang stick. Tumayo ito at isinuot ang bath robe na nakasampay sa sandalan ng upuan na malapit sa kama. Isinuot nito iyon at nagtungo sa maliit na terrace at doon nanigarilyo. Sinundan niya ang babae at niyakap mula sa likod. Hinalikan niya ang likod ng ulo nito. Napapikit siya. Gustung-gusto niya ang amoy ng buhok ni Roxanne dahil mas lalo siyang nauulol kapag naaamoy niya ang ginagamit nitong shampoo o conditioner. Hindi niya alam basta gusto niya ang amoy ng buhok nito. “Akala ko ba ay usap lang? Bakit may ganito, Cedrick?” Mahinang tumawa si Roxanne sabay tingin sa kaniya ng namumungay nitong mga mata. Napangisi siya. “Bakit ayaw mo ba?” Ipinasa nito ang sigarilyo sa bibig niya. “Hindi naman pero kakakasal niyo lang ni Angela tapos ganito agad ang ginagawa mo? Playing with fire…” “Ewan ko ba kay Angela. Wala na agad siyang time sa akin. Mas gusto pa niyang magbenta ng kung anu-ano sa online kesa sa paligayahin ako!” Himutok niya. Humithit siya ng usok sa sigarilyo at ibinuga iyon. “E, ikaw? Bakit ka sumama sa akin? At ang tapang mo na sa loob mo ako magpalabas, ah.” “I missed you, e. Saka gusto ko nang magkaroon ng baby pero ayaw pa ni Logan. Kung hindi niya kaya ay ikaw na lang ang magbigay sa akin. Pwede ko naman na ipaako kay Logan kapag nabuntis ako. Sasabihin ko na baka he missed kaya may nabuo!” “Napakautak mo talaga!” Hinapit niya sa beywang si Roxanne at tiningnan ang maganda nitong mukha. “I missed you, Roxanne. May special place ka pa rin sa puso ko hanggang ngayon.” Sumeryoso ang mukha niya at hinalikan niya ito sa labi. Sa halik na iyon ay muling naglagablab ang apoy sa kanilang mga katawan!   NANG sumunod na Sabado ng gabi ay mag-isang natulog si Angela sa kwarto dahil umalis si Cedrick para magbakasyon sa Batangas kasama ang kaibigan nitong si Alfred. Hindi na talaga siya nakasama dahil sa seminar na pupuntahan niya bukas. Hanggang ngayon ay tila masama pa rin ang loob ni Cedrick dahil napakatipid nito kung makipag-usap sa kaniya. Hindi na rin siya nito niyayakap kapag matutulog sila. Naiintindihan niya kung bakit ito nagkakaganoon. May kasalanan din naman kasi talaga siya. Hindi niya naibigay ang gusto ng kaniyang asawa. `Di bale, pagbalik niya ay babawi ako sa kaniya… ani Angela sa sarili. Pumaling siya sa kaliwa at nakita niya sa digital clock sa side table na ala una na pala ng madaling araw. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makatulog. Parang may kung anong bumabagabag sa dibdib niya na hindi niya matukoy kung ano.   “ARE you sure na ako talaga ang isasama mo sa Batangas?” tanong ni Roxanne kay Cedrick nang nakasakay na siya sa kotse nito. Magkatabi sila sa unahan. “Oo naman. Ikaw nga agad ang naisip ko nang hindi sumama si Angela, e.” Isang pilyang ideya ang pumasok sa isip niya. “Do you want me to thank you for that, Cedrick?” Nang-aakit ang boses na tanong niya. Akala mo ay isa siyang pusang naglalambing. “What do you mean—” Nagulat si Cedrick nang dakmain niya ang p*********i nito habang nagda-drive ito. “Baka maaksidente tayo!” “Just shut up and drive!” aniya habang ibinababa ang zipper ng shorts ng lalaki. Inilabas niya ang p*********i ni Cedrick at isinubsob niya ang bibig doon habang patuloy ito sa pagmamaneho.   2:00 AM. Mulat pa rin si Angela. Hindi siya dalawin ng antok. Marahil ay hindi na siya sanay na hindi katabi sa pagtulog ang kaniyang asawa. Naisipan niyang bumangon at magpunta sa kusina. Medyo nakakaramdam siya ng gutom. Sa paglabas niya ng kwarto ay may narinig siyang kumakaluskos sa ibaba. Baka may ibang gising na sa bahay bukod sa kaniya. O baka nagugutom din? Hindi niya alam. Bumaba na si Angela. Wala siyang nakitang ibang tao. Papunta na sana siya sa kusina nang mapansin niya ang pinto na nasa ilalim ng hagdanan. Sa pagkakaalam niya ay pinto iyon papunta sa basement. Iyon ang nagsisilbing storage room. Naalala niya tuloy ang bahay na binili ni Cedrick. May ganoon din kasi sa bahay nila. Sayang at kinailangan nilang ibenta ang bahay para mabayaran ang utang na iniwan ng mga magulang niya. Ngunit nangako naman si Cedrick na kapag nakaipon sila ay bibili na ulit sila ng sarili nilang bahay at lupa. Hindi alam ni Angela sa sarili kung bakit imbes na sa kusina magpunta ay natagpuan niya ang sarili na binubuksan ang pinto papunta sa basement. Umingit pa ang pinto na para bang matagal na iyong hindi binubuksan. Simula kasi ng tumira sila ni Cedrick sa bahay na ito ay hindi pa siya nakakapunta ng basement. Ang tanging nakikita niyang pumapasok doon ay si Manang Gemma at Mama Lorena. Isang beses sa isang araw ay pumapasok ang alin man sa dalawa sa pintong iyon. Kinapa niya ang switch ng ilaw at binuksan iyon bago siya bumaba ng hagdan. Malamlam ang ilaw doon. Maayos ang pagkakasalansan ng mga gamit. May ilang aparador at mga kahon. Nilapitan niya ang mga tambak ng kahon. Sa dami ng kahon ay may isang kumuha ng kaniyang atensiyon. Isang maliit na kahon. Siguro ay dalawang dangkal ang lapad at taas niyon. Nasa itaas iyon kaya medyo nahirapan siyang kunin. Ano kaya ang laman nito? Curious na tanong ni Angela sa sarili. Gamit ang kamay ay inalis muna niya ang ang alikabok sa ibaba ng kahon at saka niya binuksan. Tumambad sa kaniya ang ilang litrato at mga papel na hindi niya pa alam kung ano. May passport pa sa ibabaw at iyon ang una niyang kinuha. Gamit ang isang kamay ay binuklat niya iyon. “Marissa de Mesa.” Basa ni Angela sa pangalan na naroon. Tiningnan niya ang litrato sa passport ng nagmamay-ari niyon. Isang babae na may magandang mukha kahit medyo may edad na. Mestisa, singkit ang mga mata at matangos ang ilong. Manipis ang labi niyon. Sino naman kaya ang Marissa de Mesa na ito? Bakit nandito ang passport niya? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Inilalim niya sa kahon ang passport at kinuha niya limang piraso ng litratong nakabaligtad. Nang iharap niya iyon at makita ang unang picture ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita kung ano ang naroon. Si Cedrick at iyong may-ari ng passport na si Marissa. Nakasuot ng wedding gown ang babae habang tuxedo kay Cedrick! Hindi siya tanga. Alam niyang ikinasal ang dalawa dahil simbahan ang background. Nanginginig ang mga kamay na tiningnan niya ang iba pang pictures at lahat iyon ay wedding picture ng dalawa. Kinuha niya ang papel na nasa kahon. Binuklat niya iyon at nalaman niya na isa iyong marriage contract nina Cedrick at Marissa! “A-ano ito? Kasal sa ibang babae si Cedrick?” Naguguluhan na tanong ni Angela. “Angela!” Nagulat siya nang may tumawag sa pangalan niya. Nabitawan niya ang kahon at kumalat sa sahig ang lahat ng laman niyon. Pagtingin niya sa hagdan ay nakita niyang pababa doon si Lorena na may galit sa mukha. Humahangos ito at nang makalapit sa kaniya ay walang babalang hinablot ang kaniyang buhok. “Anong ginagawa mo dito?!” Hinila siya nito paakyat sa hagdan. “Aray ko, mama! Masakit po! Tama na po!” igik niya. Pinipilit niyang alisin ang pagkakasabunot nito pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay ilang buhok na ang nabunot sa anit niya. “Masasaktan ka talaga dahil masyado kang pakialamera!” sigaw ni Lorena. Pagdating nila sa labas ng basement ay marahas siya nitong binitiwan. Muntik na siyang matumba kung hindi pa siya nakahawak sa malapit na upuan. Hindi niya maintindihan kung bakit siya sinaktan ng kaniyang biyenan. Kung bawal ang pumunta sa basement ay pwede naman siya nitong pagsabihan ng maayos. “Alam mo bang bawal kang pumunta doon?!” Isang malakas na sampal ang ipinatikim nito sa kaliwang pisngi niya. Halos humiwalay ang ulo niya sa kaniyang leeg sa lakas ng sampal ni Lorena. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang balikat. “Anong nakita mo sa basement?! Anong nakita mo?!” “I-iyong k-kahon…” Halos hindi na siya makapagsalita sa sobrang takot kay Lorena. Akala mo ay isa itong demonyo sa panlilisik ng mga mata nito. “Anong meron sa kahon?! Sumagot ka!” “M-mga pictures po. Wedding picture nina Cedrick at ni… M-marissa.” Natigilan si Lorena. Nanlaki ang mga mata. Unti-unti ay lumuwag ang hawak nito sa kaniya hanggang sa tuluyan siya nitong bitawan. Hinaplos nito ang pisngi niyang tinamaan ng sampal nito kanina. “I’m sorry, Angela! Sorry…” Bigla ang pagbait nito. May kasama pa itong pagyakap sa kaniya. Litong-lito na si Angela sa inaasal ni Lorena. Kanina ay para itong halimaw na sinugod siya tapos ngayon ay tila isa itong anghel sa kabaitan. May problema ba ito sa utak o ano? “B-bakit po kayo nag-so-sorry, mama? Sino po ba si Marissa?” Bahagya nitong inilayo ang sarili sa kaniya. “Hindi ako ang dapat na magsabi sa iyo ng tungkol sa kaniya. Ang iyong asawa dapat—si Cedrick. Siya lamang ang may karapatan na sabihin sa iyo kung sino si Marissa.” Panay ang haplos nito sa kaniyang mukha. “At saka huwag mong sasabihin kay Cedrick na sinaktan kita, ha? Nabigla lang naman ako, Angela, kasi bawal talaga ang ibang tao sa basement. Lalo na at hindi miyembro ng aming pamilya.” “Pero, mama, pamilya niyo na ako. Asawa na ako ni Cedrick.” “Alam ko. Ang ibig kong sabihin ay iyong hindi namin kadugo. `Wag mo nang mabanggit kay Cedrick na nasaktan kita, ha.” Nalilito man sa mga nangyari ay tumango na lang siya bilang pagpayag. “O-opo, mama. Hindi ko po sasabihin sa kaniya. Pangako po…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD