NANG dumating si Brent upang tingnan si Angela kung ano ang problema rito ay nasabi agad nito kay Logan na nagkaroon ng head trauma ang babae kaya nawala ng pansamantala ang alaala nito. Dagdag pa ang mga pinagdaanan nito bago iyon kaya marahil ay tuluyan nang bumigay ang katinuan nito. Ngunit malaki pa raw ang pag-asa na gumaling si Angela at bumalik sa dating ito basta magiging consistent ang theraphy at pag-inom nito ng gamot na kailangan. Upang makasiguro rin na si Angela nga ang babaeng nahanap nila ay kinuhaan nila ito ng DNA samples upang ma-i-match sa DNA na kinuha noon ni Brent dito noong ito ay nasa resthouse niya at nasa state of comatose. Makalipas ang pitong araw ay lumabas na ang DNA test result at kagaya ng kutob ni Logan ay hindi nga siya nagkamali. Si Angela nga a

