“THE building of our newest branch will start next week. Finally, nakuha na rin natin iyong spot na iyon sa Quezon City, sir. Matagal ko ring niligawan iyong owner ng lupa para ibenta niya sa atin iyong property niya.” Naririnig ni Logan ang sinasabi ni Markus habang nasa main office nila sila ng kaniyang kumpanya na humahawak ng gym. Halos si Markus na ang nag-aasikaso ng lahat ng kaniyang negosyo sa kadahilanang wala roon ang kaniyang focus kundi na kay Angela pa rin. Magdadalawang buwan na ang nakakalipas simula nang makatakas ito sa resthouse niya sa Rizal at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito nakikita. May tao na siyang inutusan para hanapin si Angela ngunit sadyang mahirap hanapin ito. Para bang sinasadya nitong huwag magpakita sa kaniya. Bakit mo ba kasi hinahanap p

