“ANO?! Paanong nakatakas si Angela?! Gising na siya?!” Hindi makapaniwalang bulalas ni Logan nang malaman niya kay Brent na tumakas si Angela. Dumating siya sa resthouse at naabutan niya si Brent na ginagamot ang sugat nito sa noo. Nang usisain niya kung bakit at paano ito nagkasugat ay sinabi nito na si Angela ang may kagagawan niyon. Umalis sandali si Brent para bumili ng pagkain at naubos na ang stock nito. Pagbalik nito sa resthouse ay nagulat ito dahil nagising na pala si Angela. Wala na itong nagawa nang hampasin ito ni Angela ng baseball bat sa noo. Naglalaro kasi sila minsan ng baseball kapag nandoon siya bilang libangan kaya merong ganoong bat sa salas. Sandali itong nawalan ng malay at nang magising ay sinubukang pigilan si Angela ngunit mabilis itong nakatakbo palayo.

