MAG-ISANG pinaglamayan ni Logan ang katawan ni Roxanne sa kanilang bahay sa unang gabi ng burol nito. Nakaupo siya sa pang-isahang upuan habang umiinom ng alak. Halos nakakalahati na niya ang bote ng mamahaling rhum. Nasa harapan niya ang kabaong ni Roxanne. Pinuno niya ng kulay puting rosas ang elegante nitong kabaong. Wala kahit isa sa pamilya nito ang gustong magpunta upang ipagluksa si Roxanne. Ikinahihiya kasi si Roxanne ng buong angkan nito nang malaman na naging kabit ito. Napakalaking kahihiyan at eskandalo daw kasi ang dinala ni Roxanne sa malinis at nirerespetong apelyido ng mga Ferrer. Ayon sa pamilya nito ay hindi na masama ang loob ng mga ito kahit paano dahil namatay na rin kaagad ang pumatay kay Roxanne. Sapat na raw iyon para sa mga ito. Ngunit para kay Logan ay h

