ISANG araw bago ang Santacruzan ay mas naging abala si Cedrick. Saksi si Angela sa mga ginagawa nitong paghahanda para sa pag-escort nito sa Reyna Esperanza ng sagala. Bagaman at hindi siya magkaroon ng pagkakataon na mapuntahan ang secret door sa basement ay naging madalas naman ang pagbisita niya kay Kakay sa bahay ni Alfred. Halos araw-araw kasi siyang inuutusan ni Lorena na mamalengke. May ilang tao mula sa simbahan ang pumupunta sa bahay dahil iniimbitahan ni Lorena. Nagluluto ito ng masasarap na pagkain para ihain sa mga ito. Talagang ipinapakita nito sa mga tao na hindi dapat ito kaawaan kagaya ng narinig niya noong nag-uusap ito at si Cedrick. Kagaya ng araw na iyon, madaling araw pa lamang ay inutusan na siya ni Lorena na mamili ng ihahanda nila para sa fiesta bukas. Na

