AGAD na naramdaman ni Mara na nasa hindi siya magandang sitwasyon ng sandaling iyon. Bigla siyang kinabahan nang sobra ngunit hindi niya ipinapahalata sa taong nasa kaniyang harapan. Kilala kasi siya bilang isang matapang at independent na babae at hindi siya makakapayag na makakitaan siya ng takot ng ibang tao. Marahang isinara ng babae ang pinto at ini-lock pa. Hindi kaya isa ito sa mga kaibigan niya at pina-prank lang siya? Hinanap niya sa katawan ng babae ang hidden camera pero wala siyang makitang kahina-hinala. O baka si Cedrick iyon na nagbihis ng pambabae para takutin siya? “Who the hell are you?! Answer me!” Napipikang tanong ni Mara. Wala siyang pakialam kung nakabalandra man ang kahubdan niya sa harapan nito. Maganda ang katawan niya at meron siyang maipagmamalaki. A

