“MALAPIT na pala ang fiesta dito sa Brgy. Paciano. Ano kaya ang plano ni kapitan at ng simbahan?” tanong ni Lorena sa dalawang babae na kasama niyang naglalakad palabas ng simbahan ng gabing iyon. First Friday kaya meron silang pagdarasal ng rosaryo kaninang ala-sais ng gabi. Ilang araw na ang nakakalipas simula nang makalabas siya sa ospital at kahit paano ay pinipilit niyang bumalik sa normal niyang buhay. Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa taong gumawa niyon sa bangkay ni Sergio. Mahirap ngunit kailangan niyang kayanin kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita si Kakay. Isa pa rin siyang ina kaya nahihirapan siya na parang wala nang pag-asa na muli niya itong makapiling. Ang ipinagpapasalamat ni Lorena ay hindi na nagpapakita ang multo ni Roxanne sa kaniya simula n

