HINDI akalain ni Lorena na may hitsura pala ang ispiritista na nakuha ni Luna para paalisin ang multo ni Roxanne sa kanilang bahay. Matangkad ito at maputi. Hindi magandang manamit pero ang lakas ng dating nito sa kaniya. Kung hindi nga lang siya nagluluksa at natatakot na baka si Sergio naman ang magmulto sa kaniya ay talagang susunggaban na niya ito nang malala. Kaya ganoon na lang ang pagpipigil na ginagawa niya habang kausap ito sa salas. “Agustus, huwag mo na akong tawagin na madam. Lorena na lang. `Wag mo na akong igalang nang sobra.” Tila nahihiya pa siyang humagikhik na akala mo ay kinikiliti sa singit. “Kung iyan ang gusto mo... Lorena.” Pigil ang kilig niya nang tawagin siya ni Agustus sa kaniyang pangalan. Iba sa pakiramdam. “By the way, let’s go back to business. An

