NATATAWANG pinanlakihan ng mga mata ni Angela si Brent habang pigil ng lalaki ang paghagalpak ng tawa. Nagawa nitong mapaalis si Lorena sa basement para silang dalawa lang ang naroon. Hindi kasi nila maisasagawa ang paghahanap ng kung anong itinatago ni Lorena roon kung nandoon ito. Siyempre, mas magiging madali na ang lahat dahil dalawa na sila. Agad niyang ini-lock mula sa loob ang pinto ng basement para hindi na makapasok pa si Lorena. “Gago ka, Brent! Ang dali mong nauto si Lorena!” Pigil ang paglakas ng boses na bulalas ni Angela. “See? Ang galing ko pagdating sa ganitong bagay. Hindi lang ako mahusay na doktor.” Pagmamayabang nito habang hinihimas ang pisngi. “Oo na. Bilib na ako sa iyo. Pero totoo bang dinurog na buto iyong inilagay mo sa dila niya?” Natatawa pa rin si An

