Chapter LXXX

2016 Words

       “DAMN!” Mahinang mura ni Logan nang pagbabaan siya ni Angela ng tawag. Naiinis siya sa sarili kung bakit niya pa naisingit si Roxanne kanina habang magkausap sila. May pakiramdam siya na hindi iyon nagustuhan ni Angela kaya tinapos na nito agad ang pakikipag-usap sa kaniya kahit pa marami pa sana itong dapat sabihin. “Dapat kasi kinumusta ko na lang siya at hindi ko na binanggit si Roxanne. Tanga mo talaga, Logan!” Kulang na lang ay sapakin niya ang sarili. Nasa salas siya ng kaniyang malaking bahay. Iniwan muna niya ang resthouse dahil marami siyang inasikaso noong isang araw sa negosyo niya. Nagbakasyon kasi muna si Markus at umuwi sa probinsiya nito. Siyempre, kailangan din nito na makapagpahinga at makapiling ang pamilya nito. Ibinagsak niya ang sarili sa sofa at tumingala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD