bc

Kiss of Death and Shadows (Grim Reaper Chronicles One)

book_age18+
210
FOLLOW
1.2K
READ
dark
forbidden
possessive
kickass heroine
bxg
female lead
demon
sword-and-sorcery
enimies to lovers
supernatural
like
intro-logo
Blurb

"A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness."

Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants.

Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala.

Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na’t hindi lang buhay niya ang nasa panganib—dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin.

Philippine Copyright © 2021 Anj Gee

chap-preview
Free preview
Prologue
    How does death feel?     Sabi nila... kasing bilis daw iyon ng isang kurap. Sa sobrang bilis ay hindi mo na ito mamamalayan. Magugulat ka na lang, patay ka na pala. Ang bawat buhay na umusbong mula sa putik ay muling babalik sa lupang pinanggalingan nito.     Nang mga sandaling ito napatunayan niya na ang kamatayan ay hindi mabilis, hindi rin isang kurap. Dahil ito na pala ang pinakamabagal na sandali sa iyong buhay na para bang nanonood ka ng isang eksena sa pelikula. Babalik uli ang lahat ng iyong alaala mula sa unang pagdilat ng iyong mga mata hanggang sa huling segundo ng iyong paghinga.     Natanaw niya ang mabilis na pagtalon ng binata mula sa tuktok ng building. Paulit-ulit nitong sinisigaw ang pangalan niya habang siya naman ay patuloy na nahuhulog sa tila walang katapusang kawalan. Katulad niya ay naghahanap din ng milagro ang mga kamay nito at pilit siyang inaabot—baka sakali na sa pangalawang pagkakataon ay maging mabuti pa rin sa kanila ang panahon.     “TAKE MY HAND!!!”     Ang sigaw nito ay tila iyak ng delubyo na humampas sa buo niyang katawan at naghatid ng panginginig sa kanyang kalamnan na higit pa sa lamig ng hangin.     Ngunit kahit ano ang pagsikap niya na maabot ito ay hindi pa rin pinagtatagpo ang kanilang mga palad. Pakiramdam niya may isang malaking bato ang nakatali sa kanyang bewang at patuloy siyang hinihila pababa… pababa nang pababa sa malaking bunganga ng kamatayan na handa siyang kainin, nguyain at lamunin nang buong-buo.     Ito na marahil ang paniningil sa kanya ng tadhana. Bawat utang ay may kabayaran at dumating na ang araw na kanyang kinatatakutan.     Hindi siya bumibitiw ng tingin sa binata sa takot na sa sandaling pumikit siya ay hindi na niya uli masisilayan pa ang tsokolate nitong mga mata na siyang tanging may kakayahan na baliktarin ang buong mundo niya sa pinakanakatatakot ngunit napakagandang paraan.     Kung babalikan niya ang lahat, ang buhay niya ay maihahantulad sa isang maganda ngunit masalimuot na sayaw. Siya’y tumalon, bumaluktot, pumihit at umikot. At katulad ng mga sayaw na kanyang naitanghal sa entablado lahat ay hahantong sa dulo ng musika.     “NOOO!!!”     ----------     PAALALA: Ang kwentong ito ay kathang isip lamang mula sa author. Ang mga karakter at pangyayari ay hindi base sa kahit sinung tao o kaganapan. Ang buong nobela ay hindi maaaring kopyahin, i-post, i-print o kahit anung uri ng distribusyon ng walang pahintulot mula sa author. ANG TAONG SUSUWAY AY MAAARING MAKASUHAN, MANAGOT SA BATAS, MAKULONG AT MAGMULTA NG SALAPI.     ----------     TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted rape, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas     ----------     KODAS Playlist available on Spotify (Just search: Kiss of Death and Shadows)     Demonyo – Juan Karlos     Halik sa Hangin – Ebe Dancel, Abra     Hanggang sa Huli – SB19     Love Goes – SB19     Can’t Help Falling In Love (Dark) - Tommee Profit, Brooke     Wouldn’t Be Love (Acoustic) – RITUAL     You Are So Beautiful – Tommee Profit, Brooke     I’m Not Afraid - Tommee Profit, Wondra     Heaven – Julia Michaels     Claire de Lune – Claude Debussy, Alexis Weissenburg     In Your Arms – Ryan Lourder, Ashley Serena     Monster – Skillet     Monster – Tommee Profit, Brooke        My Immortal - Evanescence     Sweet Sacrifice - Evanescence          

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.7K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.9K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.9K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
699.7K
bc

Unloved by the billionaire

read
397.5K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook