Chapter One

2652 Words
    “HAPPY BIRTHDAY, DARLING!”     Lexine’s almond-shaped eyes sparkled like a star in the evening sky as she stared at the small rectangular box in front of her. Tila ping pong ball na nagpabalik-balik ang titig niya roon at sa nakangiting mukha ng kanyang abuelo. “Open it,” nakangiting udyok nito.     Dali-dali niyang tinanggal ang buhol ng ribbon na nakatali sa box at binuksan ang takip niyon na may tatak na Harry Winston. Malakas siyang napasinghap. “Oh. My. God!”     “Did you like it?”     “I don’t like it, I love it!”     Gumuhit ang ngiti sa labi ni Alejandro. Kinuha nito ang kwintas at sinuot sa kanyang leeg habang nakatayo sila sa tapat ng full-sized mirror. Taimtim na pinagmasdan ni Lexine ang kanyang repleksyon. She’s wearing a champagne pink chiffon gown that gives her pale skin an ample glow. She lightly touched the locket with her fingers. “This is so beautiful. Thank you so much, lolo.”     “You’re marvelous my darling. You look exactly like Leonna when she was at your age.”     Lexine stepped closer to the mirror without leaving her eyes off her face. They have a big old family picture hanging on Alejandro’s home office. Nitong mga nakaraang buwan ay madalas niyang natatagpuan ang sariling pinagmamasdan ang picture na iyon. Noong una ay hindi niya maintidihan sa tuwing sinasabi ng lolo niya na kamukhang-kamukha niya ang mommy niya pero ngayong nagdadalaga na siya ay napatunayan niyang hindi nga ito nagsisinungaling. The girl standing in front of her perfectly resembles the woman in their family picture. Para silang pinagbiyak na bunga ni Leonna.     Lumipat ang atensyon ni Lexine sa abuelo. Sumasalamin sa mata ng matanda ang labis na kaligayahan ngunit sa likod ng mga ngiti nito naroon ang lungkot na hindi nito kayang itago. She knows her grandfather so well as if he was part of her body.     Humarap siya kay Alejandro at nilingkis ang maninipis na braso sa bewang nito. “Lolo, ayan ka na naman sa pagse-senti mo. Remember what we’ve promised to each other?” pinatong ni Lexine ang baba sa balikat nito. “Bawal ang sad, dapat lagi lang tayong masaya. Ikaw rin sige ka, dumadami nang wrinkles mo.” Tinuro niya ang kulubut sa gilid ng mata nito.     Dumagundong ang malakas na halakhak ni Alejandro at marahang hinaplos ang kanyang buhok. “Of course my darling, Lolo’s always happy especially when you’re here with me.” Pinindot nito ang tungki ng ilong niya, Lexine giggled. “Wala na `kong ibang mahihiling pa sa Diyos dahil binigay na niya sa `kin ang pinakamagandang regalo. You.”     Mas lalong siniksik ni Lexine ang sarili rito. Alejandro used to caress her hair since she was six. Madalas siyang dalawin ng masasamang panaginip noon at sa tuwing hinihimas ng lolo niya ang kanyang buhok ay kumakalma siya. Nang tumungtong si Lexine sa edad na labintatlo ay saka lang tumigil ang mga bangungot. She may be too old for this gesture but she’ll always be her lolo’s baby princess.     “Sigurado `ko na kahit nasaan man si Leonna ngayon, she’s very proud to have a talented and beautiful daughter like you,” dugtong pa ng matanda na lalong nagpainit ng kanyang dibdib.     Lexine holds the sting at the back of her eyes. “I miss her too, lolo, every single day.”     Growing up without parents was never easy. Needless to say, Lexine’s still lucky of having Alejandro at her side who has always been there for her since the day she had woken up facing the nightmare that her parents already left her. Her grandfather became the solid anchor that held her in place during those times that she was lost and devastated. Ni minsan ay hindi niya naramdamang nag-iisa siya. Maaaga man siyang naulila ay nagpapasalamat pa rin siya sa Maykapal na pinagkalooban siya nito ng mapagmahal na lolo. She couldn’t ask for more.     “Lo, pinapaiyak mo naman ako. Please, sayang ang two hours na inupo ko para mag-make up,” biro niya sabay punas ng namuong luha sa gilid ng kanyang mata.     Muling umalingawngaw ang malusog na tawa ni Alejandro. Hinaplos nito ang magkabila niyang pisngi. “Hay, ang bilis naman ng panahon. I can’t believe that you’re already sixteen. Pero bawal muna ang mag-boyfriend, ha, my darling. Ayoko pang mawala sa `kin ang pinakamamahal kong apo.”     Tumulis ang nguso niya. “Lolo, ikaw lang kaya ang nag-iisang lalaki sa buhay ko! And no matter what happens, I’d never leave you. I promise.”     “I love you always my dearest darling.”     “And I love you more lolo.”     ----------     “NAKU, LEXI! Nakakaloka naman `tong mga regalo mo. Mas mahal pa sa buhay ko!” matining na bulalas ni Belle. Halos hindi ito magkandaugaga sa pagbubukas ng mga regalo na nakasalansan sa ibabaw ng kama. Isa-isa pa nitong sinukat ang mga dress, shades at shoes habang nagfi-feeling fashion model na naglakad-lakad sa harapan niya.     Umikot ito ng full turn. “Hermes, pak!” Yumuko ito sabay hawak sa isang tuhod at sinundan ng flying kiss. “Valentino, pak!” Sunud itong nag-posing at nag-wave na tila nanalo sa Miss Universe. “Loui Vwi-twuan, pak!”     Ang lakas ng halakhak ni Lexine. “Loka-loka ka talaga! Sige na, kung may gusto ka riyan, kunin mo na.”     Nagtitili si Belle at halos lumuwa ang mga mata na tumalon sa tabi niya. Umalog ang kamang kinauupuan nila. “Talaga? Naku! Nakakahiya naman sa `yo my friend. Pero sabi ng matatanda masama raw tanggihan ang grasya, kaya sige na nga, hindi kita tatanggihan tutal mapilit ka!”     Anak si Isabelle ng mag-asawang Rodriguez na matagal ng naninilbihan sa kanilang pamilya. Magka-edad sila at dahil na rin sa masayahin nitong personalidad ay mabilis silang nagkasundo. Parang magkapatid nang turingan nilang dalawa kaya naman kung anung mayroon si Lexine ay binabahagian niya rin ito.     Kakatapos lang ng kanyang Sweet Sixteen birthday party na ginanap sa grand ballroom ng Golden Archangel Resorts and Casino na isa sa mga property na pagmamay-ari ng kanilang angkan. Nag-hire pa ang lolo niya ng tanyag na event production company upang masigurong magiging mala-fairy tale ang espesyal na okasyon. Dinumog ng mga bisita ang party ni Lexine. Nangunguna na roon ang mga kamag-anak nila mula sa alta sociedad at mga kaibigan ni Alejandro sa negosyo at politika. Nagpunta rin ang mga classmate ni Lexine at ang ballet group na kinabibilangan niya. Inabot ng humigit-kumulang dalawang oras ang program. Gusto na sana niyang magpahinga kung hindi lang siya kinulit na Belle na buksan ang gabundok niyang regalo.     Nagpatuloy si Belle sa pagiging fashionista habang nagse-selfie sa hawak nitong smartphone. Nagtungo naman si Lexine sa pantry at kinuha ang pinatabi niya sa waiter na isang box ng favorite niyang red velvet cupcake. Kumuha siya ng isang piraso at kinagatan `yon. Halos mapaungol siya sa tamis ng icing at malambot nitong dough na nalusaw sa kanyang bibig.     Lexine checked her iPhone. It’s already 1:11 am. Inabala niya ang sarili sa pag-scroll ng f******k habang maganang nginangata ang cupcake. Isa-isa niyang tinignan ang mga tagged pictures mula sa mga kaibigan. Isang picture ang pumukaw ng kanyang atensyon; kuha iyon habang sumasayaw sila ni Ansell. Malaki ang kanyang ngiti at nakaharap sa camera habang si Ansell naman ay taimtim na nakatitig sa kanya. They both looked very happy. Who would’ve thought na magiging ganito sila ka-close samantalang tila aso’t pusa sila noong grade school?     Ilang minuto pa ang lumipas nang sumigaw si Belle at inaaya siyang sumayaw. Biglang umugong ang malakas na tugtog ng “Into You by Ariana Grande.” Kahit malalim nang gabi ay hindi pa rin ito nauubusan ng energy sa katawan na tila nakalaklak ng isang bote ng Vitamin C. Samantalang si Lexine ay nasagad nang lakas dahil sa haba ng program na i-ni-arrange ng event organizers. Halos makatulog na nga siya sa sariling party. Buti na lang at makulit ang escort niyang si Ansell at kahit papaano ay nawala ang antok niya sa kadaldalan ng binatilyo.     Ibinalik ni Lexine ang box sa loob ng mini fridge habang hawak sa isang kamay ang kinagatang cupcake. Lumipat ang tingin niya sa alcoholic beverages sa gilid. Nakainom na siya ng wine noon. Hindi naman siguro magagalit ang lolo niya kung titikim siya ng beer ngayong gabi. Muli niyang nilingon si Belle na gumigiling-giling at tumatalon na sa ibabaw ng kama.     Well, it’s my birthday and I have all the rights to celebrate tonight.     Kinuha ni Lexine ang isang bote ng San Miguel nang biglang umugong ang door bell. Lumingon siya sa gawi ng kwarto at sumigaw, “Belle, nagpatawag ka ba ng room service?”     Subalit dahil sa lakas ng speaker kaya hindi siya nito naririnig. Nagtungo si Lexine sa pintuan, sumilip sa peep hole at naaninag ang dalawang lalaking hotel staff na nag-aantay sa labas. Ang isa sa mga ito ay may hawak na trolley. Tinanggal niya ang kawit ng door chain at bahagyang binuksan ang pinto.     Una niyang napansin ang matangkad na lalaki sa tabi ng binatang may hawak ng trolley. Namumutok ang katawan nito na mukhang batak sa gym. Parang magnet na hinila ang atensyon ni Lexine ng ekis na peklat sa kaliwa nitong mata. Tumirik ang mga balahibo niya sa batok at isang maingay na sirena ng bumbero ang umugong sa kanyang isipan na nagbabanta ng papalapit na panganib. Somehow the man looks familiar but Lexine can’t pinpoint when exactly she saw him. Humigpit ang kapit niya sa gilid ng pinto.     Nababalutan ang trolley ng itim na tela na malapit ng sumayad sa sahig; isang may takip na round metal tray ang nasa ibabaw niyon. Nagsalubong ang kilay ni Lexine. Muli siyang lumingon sa gawi ng kwarto. Hanggang sa labas ay naririnig ang sintunadong boses ni Belle.     Binalik niya ang atensyon sa dalawa. “Anu ho `yan?”     “Birthday gift ng hotel management para sa inyo,” sagot ng lalaking may peklat.     Para bang yelo na mabilis nalusaw sa ilalim ng araw ang kabang nararamdaman ni Lexine. Her face brightened like a little girl that’s thrilled to receive her present. Tinanggal ng binatilyo ang takip ng tray at isang maliit na box ang nasa loob niyon. May pink ribbon pa `yon sa ibabaw. Ang kanina niyang naninigas na balikat ay unti-unting nag-relax. Lexine almost laughs at herself for being too paranoid. Their family owns this hotel, of course, she should be safe here.     “Thank you,” aniya at tuluyang binuksan ang pintuan. Tinulak ng binata ang trolley papasok sa loob ng suite. Inabot nito ang box sa kanya.     “Buksan niyo po,” udyok nito. Cute ito at may dimples sa magkabilang pisngi. Mas bata rin ito at mas payat ang katawan kumpara sa kasama nito.     Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Lexine. Pinatong niya ang hawak na cupcake sa ibabaw ng tray at dahan-dahang binuksan ang box. Agad nalusaw ang kanyang ngiti. What is this? Bakit walang laman ang kahon?     “Happy birthday, princess,” bulong ng malalim na boses sa kanyang tainga at kasabay niyon ang makirot na tusok sa kanyang leeg.     Pumihit si Lexine sa kanyang likuran. May hawak na syringe ang lalaking may peklat. Lumapad nang husto ang ngiti ng dalawa ngunit sa pagkakataong iyon ay nakita na niya ang nagtatagong sikreto. Mabilis na bumigat ang ulo ni Lexine kasabay ng unti-unting paglabo ng kanyang paningin. Pinanood lang siya ng mga ito habang nanlalambot na tila gulay ang dalawa niyang tuhod. Nabitawan niya ang kahon. “A-anung g-gina—”     Mabilis na gumapang ang pamamanhid sa buong katawan ni Lexine na tila isang ahas na pumupulupot sa kanyang binti pataas sa leeg. Tumama ang kamay niya sa tray; nahulog iyon kasabay ng cupcake na nagpagulong-gulong sa pulang carpet. Tuluyan siyang natumba. Agad sinalo ng lalaking may peklat ang bewang niya. Diretsong nasubsob ang ulo niya sa matigas nitong dibdib at tuluyan siyang nilamon ng kadiliman.     ----------     MAKAPAL na dagundong ang umalingawngaw sa pandinig ni Lexine na humatak sa kanya pabalik sa kamalayan. Dahan-dahan niyang iminulat ang mabibigat na mga talukap. Tila tinutusok ng libo-libong karayom ang sintido niya. Sa una ay bahagya pang malabo ang kanyang paningin. Matapos ang ilang sandali at unti-unti ring nagkalinaw ang lahat.     Patong-patong na mga sako at sira-sirang kahoy ang una niyang napansin nakatambak sa paligid. Biglang kumislap ang liwanag ng kidlat kasunod ng malakas na kulog. Natanaw ni Lexine sa `di kalayuan ang isang malaking sand mixer machine na tila pinaglumaan nang panahon. Madilim ang buong kapaligiran at tanging malamlam na ilaw mula sa isang fluorescent lamp sa kisame ang nagbibigay ng liwanag. Where am I? What is this place?     Napalitan ng panlalamig ang pakiramdam ni Lexine nang mapagtanto na nasa loob siya ng abandonadong bodega. Sumigaw siya ng tulong pero ungol lang ang lumabas. Saka niya lang napansin na may tela palang mahigpit na nakatali sa kanyang bibig. Gano’n din ang lubid sa kanyang mga paa at kamay. Nagsimulang mag-unahan na tila mga kabayong tumatakbo ang pintig ng kanyang pulso. Sinung nagdala sa `kin dito? What do they want from me?     Nasagot din lahat ng katanungan sa kanyang isipan nang makarinig siya ng mga yabag na papalapit. Apat na bulto ng `di pamilyar na kalalakihan ang tumayo sa kanyang harapan. Tinamaan ng malamlam na liwanag ang mukha ng mga ito.     “Gising na pala ang prinsesa natin.” Isang lalaking matangkad, moreno at malaki ang pangangatawan ang siyang unang nagsalita. Agad nakilala ni Lexine ang lalaki gawa ng ekis na peklat sa kaliwa nitong mata. Agad siyang naparalisa sa ilalim ng madilim nitong titig. Sapat na `yon upang manginig ang bawat kalamnan niya sa katawan.     “Jackpot tayo rito bossing, ah! Limpak-limpak na milyones ang katumbas ng ulo nito!” Sunud na dumikit kay Lexine ang pandak, mataba at maitim na lalaki. Nakatatakot ang mabibilog at halos luwa nitong mata na para siyang lalamunin ng buhay. Nakaduduwal ang matapang na amoy ng sigarilyo sa hininga nito; naninilaw ang mga ngipin nito na mukhang nakalimutan ng magsipilyo ng ilang buwan.     Lumapat ang papel de liha nitong palad sa kanyang pisngi. Impit siyang tumili habang pilit na iniwas ang mukha rito. “Ang kinis pa, bossing. Kutis baby!” tumawa ito na katunog ng biik.     `Di na napigilan ni Lexine ang paglabas ng sunod-sunod na hikbi. Nagsi-sink-in na ngayon sa kanya ang lahat. Na-kidnap siya at siguradong manghihingi ng ransom ang mga ito kapalit ng kanyang paglaya. Agad niyang naalala si Belle. Hindi niya ito makita sa paligid. Naiwan ba ito sa hotel room? Sinaktan ba nila ito? Hiling niya na sana’y ligtas ito.     Tinanggal ng lalaking may peklat ang panyo sa kanyang bibig. Mahigpit nitong hinawakan ang baba niya at pilit siyang hinarap dito. “Please, don’t hurt me,” bulong ni Lexine sa nanginginig na boses.     Kung pwede niya lang isiksik ang sarili sa ilalim ng upuan ay gagawin niya makapagtago lang sa masasamang loob. She feels like a little girl frightened of the shadows lurking in the corner of her room. This is just a bad dream, Lexine. It’s all a bad dream and soon you’d wake up from this nightmare.     “`Wag kang mag-alala bata. Hindi ka namin sasaktan basta susunod ka lang sa gusto ko. Ayoko sa lahat `yung matigas ang ulo kaya mag-behave ka princess. `Di mo gugustuhin na makita `kong magalit.”     Mabilis ang pagtungo niya sa takot na magalit ito. Ngumisi ang kidnapper bago binitiwan ang baba niya. Nag-uunahang tumulo ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan. Ilang sandali pa at nag-dial ito sa cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD