Chapter Two

3431 Words
    Disclaimer: This chapter includes explicit content not suitable for young readers [R-18]     “SA ORAS NA MAKUHA ni bossing ang one hundred million pesos, ikaw na raw ang bahala riyan kay princess. Kilala mo naman si bossing, ayaw nun ng tatanga-tanga kaya siguraduhin mong didispatyahin mo nang maayos `yan, kung hindi tayo ang malalagot.”     Tahimik na umiiyak si Lexine habang inaalala ang pag-uusap ng dalawang kidnapper na nagbabantay sa kanya. Narinig niya ang pagbubulungan ng mga ito may ilang oras nang nakalilipas. Ang akala ng mga ito ay tulog siya.     Inilibot ni Lexine ang mata sa paligid. Natatanaw niya sa labas ng mga sirang bintana ang walang tigil na pagbuhos ng ulan at pakisap-kisap na kidlat. Sinusundan ito ng makapagtindig-balahibong kulog na lalong nakadadagdag sa takot na kanyang nararamdaman.      Ang lalaking may peklat na tinatawag ng mga ito na “Bossing” ay lumabas at hindi pa bumabalik. Sa kabilang sulok ng bodega limang dipa ang layo mula sa kanyang kinauupuan abalang naglalaro ng baraha ang dalawang kidnappers habang nagkalat ang mga bote ng beer sa paanan ng mga ito. Isa na roon ang binatang kasama ni Bossing sa hotel. Malapit sa pintuan natutulog at nakaupo ang matabang lalaki na “Boyet” ang pangalan. Malakas pa itong humihilik habang nakasukbit sa shorts ang isang kalibre kwarenta’y singko na baril.     Muling dumagundong ang kulog at kasing bilis ng kidlat na bumalik sa alaala ni Lexine ang magandang mukha ng kanyang mommy habang sinasabi nito ang mga katagang tumatak sa puso’t isipan niya.     “Lexine, my angel, there’s nothing in this world that you can’t do. When you put strong faith in your wishes, the universe would give it to you.”     “Really, mommy?”     Leonna smiled and kissed the top of her head. “Keep these words in your heart and mind.” Nilapat nito ang palad sa kanyang dibdib at taimtim siyang tinitigan sa mga mata. “You are more than what you think you are.”     Sunud na pumasok sa isip ni Lexine ang huling pag-uusap nila ni Alejandro.     “Lolo, ikaw lang kaya ang nag-iisang lalaki sa buhay ko! And no matter what happens, I’d never leave you. I promise.”     I promise. Nangako siya sa lolo niya at kahit anung mangyari ay tutuparin niya iyon.     Lexine closed her eyes as she deeply inhaled and slowly exhaled. Her mommy was right. She’s a fighter and she should never be afraid.     Matapos ang ilang sandali at muling dumilat si Lexine. Her eyes were now as sharp as a knife. Sinimulan niyang ikiskis ang dalawang pulsuhan. Mahigpit ang pagkakatali ng lubid sa mga kamay niya but being a ballerina has an advantage; flexibility training for years certainly gained her a benefit.     Ilang minuto pa ang lumipas at kahit masakit nang balat niya sa pulsuhan ay hindi pa rin siya sumusuko. Ilang saglit pa at naramdaman niyang tuluyang lumuwag ang tali. Nagdiwang ang kanyang kalooban. Hindi niya inaalis ang mga mata kay Boyet at sa dalawang lasing na parehong nakatalikod sa kanya. Sinamantala ni Lexine ang pagkakataon at dinikit ang dalawang tuhod sa dibdib habang nagmamadaling kinalas ang natitirang tali sa paa. Pawis na pawis na siya. Ilang sandali pa at natanggal niya ang huling buhol. Sinunod niyang inalis ang panyo sa bibig. Nalusaw ang malaking batong nakabara sa dibdib niya. She made it!     Dahan-dahan siyang humakbang nang malalaki sa direksyon na palayo sa mga ito. Hindi niya inaalis ang mata sa mga kidnapper at halos `di na siya humihinga `wag lang makagawa ng kahit anung uri ng ingay.     Ilang hakbang na lang ang distansya ni Lexine sa tinatahak na pintuan. Malayo-layo na rin ang kanyang narating. Nagtago muna siya sa mga patong-patong na sako sa gilid. Nilapat niya ang palad sa dibdib. Sobrang lakas ng kabog niyon at parang tatalon na palabas ng ribcage ang puso niya. Parang ayaw na niyang kumilos sa kinauupuan at manatili na lang doon at magtago hanggang mag-umaga. Paano `pag nahuli siya ng mga kidnapper? Pero kung mananatili siya rito ay siguradong sa malamig na kabaong ang kahahantungan niya. This is her only chance.     Sinilip uli ni Lexine ang dalawang lasing na hanggang ngayon ay abala pa rin sa pagsusugal habang malakas pa rin hilik ni Boyet. Mariin siyang pumikit. Lexine, you can do this. Takbo nang mabilis at `wag kang lilingon.     Muli siyang huminga nang malalim at mabilis na dinala ang mga paa patungo sa pintuan. Tumakbo siya na tila hinahabol ng diablo. Her eyes focused on nothing but the finish line. Kaunting distansya na lang at malapit na niyang marating ang pinto palabas. Umalingawngaw ang malakas na kulog at kasabay niyon ang paglitaw ng galit na mukha ng lalaking may peklat sa kanyang harapan. Tumalon ang puso niya kasabay ng matining na pagtili.     “Sa’n ka pupuntang bubuwit ka? Tatakas ka pa, ha! Ang tigas ng ulo mo! Hindi ba’t sinabi ko na sa `yo ang ayoko sa lahat `yung pasaway!” Nanggigigil na hinablot nito ang braso niya.     “Bitawan mo `ko! Let me go! Let me go!” Pinilit niyang kumawala rito pero masyadong mahigpit ang kapit ng malaking kamay nito sa manipis niyang braso.     “Hindi ka pwedeng umuwi hangga’t hindi ko pa nakukuha ang pera ng lolo mo!” Parang basahan na kinaladkad siya nito pabalik sa loob ng bodega.     “Liar! Narinig ko kayo! `Di niyo na ako isasauli sa lolo ko `pag nakuha niyo nang ransom!”     Lalong nagdilim ang mukha nito. “Talagang `di na kita ibabalik dahil ang tigas ng ulo mo!” Nagsisigaw ito at pinagmumura ang tatlong kidnappers na ngayon lang natauhan sa mga nangyari.     No! Hindi siya maaaring sumuko. Kinagat ni Lexine ang braso ni Bossing. Humiyaw ito. Lumuwag ang kapit nito at buong lakas niyang sinipa ang pagitan ng mga hita nito. “Aray!” Napaluhod ito at namilipit sa sakit. Agad niyang dinala ang mga paa palayo roon. “P*tangina kang bata ka!”     Walang lingon na tumakbo si Lexine patungo sa pintuan. She must get out of here alive by hook or by crook. Muling binalot ng liwanag ang madilim na bodega na sinundan ng nakabibinging kulog. Kasabay niyon ang pag-alingawngaw ng putok ng baril.     Natigilan si Lexine. Huminto ang oras at nalusaw sa kanyang pandinig ang galit na sigaw ng kalikasan. Dahan-dahan niyang binaba ang mukha at isang pulang mantsa ang mabilis na kumalat sa puti niyang damit. Nahigit niya ang hininga at tuluyang natumba.     “G*go ka, Boyet! Bakit mo binaril?!”     Ilang hakbang mula sa pintuan nakatayo at nanginginig si Boyet. Nanlalaki ang mga mata nito habang namumutla at tumatagaktak ang pawis sa noo. Nabitawan nito ang hawak na baril at nanghihinang lumuhod.     Nakatulalang tumingala si Lexine sa kisame. Nanunuot sa kanyang likuran ang nagyeyelong sahig. Animo may dalawang malaking kamay ang pumasok sa kanyang dibdib at pinilipit ang baga niya.     Nabuo sa hangin ang maamong mukha ni Alejandro. Sinundan iyon ng masiglang ngiti ni Belle. Pinanood ni Lexine ang dahan-dahan nilang pagsayaw ni Ansell sa gitna ng malawak na ballroom. Hindi nila binibitawan ang titig sa isa’t isa na para bang nalusaw ang lahat ng tao sa paligid at silang dalawa lang ni Ansell ang naroon. Lexine still clearly recognizes Ansell's handsome face and how his smiles made her stomach ache in a weird sensation. It was the best night of her life. And then, she heard different voices in her head.     Happy birthday, Lexine!     I love you always my dearest darling.     You are so beautiful, Lexi.     Paulit-ulit na tinutusok ang baga ni Lexine. Naaninag niya ang liwanag na tumama sa kisame. Narinig niya ang malakas na buhos ng ulan at muling hinugot ang kanyang diwa pabalik sa kasalukuyan.     “S-sorry, b-bossing nabigla kasi ako—”     “Tignan mo ang ginawa mo! Magkakaletse-letse tayo nito! Sinira mo ang plano, inutil!”     “Bossing! Napuruhan ata `to!”     Nagdidilim nang paningin ni Lexine. Hindi na niya naiintindihan pa ang sumunod na pagtatalo sa paligid habang walang tigil sa pag-ikot ang kanyang buong mundo.     Is this my end?     Kailanman hindi nasagi sa kanyang isipan na ganito pala magiging kalupit ang kanyang kapalaran.     ----------     LABIS NA NATATARANTA ang mga kidnapper habang nagwawala sa galit ang kanilang leader. Samantala, nagbubukas-sara ang mga bintana sa paligid ng bodega habang pumapasok sa loob ang galit na ihip ng hangin.     Sa gitna ng kanilang mainit na pagtatalo hindi nila namalayan ang kakaibang bagay na nagsisimulang mabuo sa isang sulok. Nagsimula `yon sa isang kislap. Mula roon ay mabilis na nabuo ang isang whirlpool ng maitim at makapal na usok. Palaki iyon nang palaki hanggang sa sampung talampakan. Ang sentro niyon ay maihahantulad sa malaking bunganga ng halimaw na umaalulong; ang tunog niyon ay makapagtindig balahibo at tila ba nanggagaling sa kailaliman ng mundo. Kahit sinung makakarinig niyon ay siguradong makararamdam ng kilabot na sasagad hanggang buto. `Di mabilang na linya ng kuryente ang sumisilip mula sa mata ng whirlpool na animo mga galamay na naghahanap ng bagay na lilingkisin.     Muling pumainlanlang ang malakas na kulog nang sa wakas at napansin ni Boyet ang nangyayari. Halos malaglag ang buong panga nito sa sahig. “B-bossing... ano `yun?”     Napalingon ang tatlo sa direksyon na tinuturo ni Boyet. Sabay-sabay nanlaki ang mata ng mga kidnapper. Sa gitna ng nabubuong portal lumitaw ang isang kamay, sumunod ang isang braso hanggang ang kalahati ng katawan niyon ang lumabas. Mabilis na nilubayan ng kulay ang mukha ng kidnappers. Na-eengkanto na ata sila!     Tuluyang iniluwa ng portal ang isang bulto ng matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng leather jacket, itim na pantalon at combat-boots. Nakatago ang ulo nito sa anino ng suot na hood habang tanging baba at bibig lang nito ang tinatamaan ng pakisap-kisap na liwanag mula sa walang tigil na pagkidlat sa labas. Dahan-dahan itong humakbang papalapit sa apat na lalaki. Lumilitaw ang kuryente sa bawat pagdikit ng sapatos nito sa sahig. Malinaw na hindi ito normal na nilalang.     The four criminals quickly recognized the danger their unknown visitor holds. Icy terror enveloped their entire being like a warning siren of death.     ----------     “SINO KA? ANUNG GINAGAWA MO RITO?” garalgal ang boses na tanong ni Bossing. Hindi sumagot ang estrangherong binata, bagkus, una niyang nilapitan ang nag-aagaw buhay na dalaga. Nakaratay ito sa sahig habang naliligo sa sarili nitong dugo.     Lumuhod ang estrangherong binata sa gilid ng lantang gulay na katawan ni Lexine. He took a deep breath as he closed his eyes and savored her scent as sweet as a pastry. The smell stimulates all his senses as though satin-like fingers tingled his skin. Regrettably, it was mix with the odor of the rotting death. Binuksan ng binata ang mga mata at malayang pinagmasdan ang kawawang nilalang. Alam niya na ilang sandali na lang ang itatagal ng buhay nito.     Marahan niyang hinawi ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ni Lexine. Gumapang ang tingin niya mula sa makurba nitong pilikmata, pababa sa maliit at may katamtamang tangos nitong ilong at tumigil sa nagkukulay asul nitong labi.     Tumataas-baba ang dibdib ni Lexine, tanging senyales na pinipilit pa nitong kumapit sa manipis na sinulid ng buhay. Sa kanang ibabaw niyon naroon ang malalim na sugat mula sa tama ng bala. Muling binalot ng liwanag ang buong bodega at nahila ang atensyon niya sa wing locket na suot ng dalaga. Pinahid niya ang pulang dugo roon.     “An angel with a tragic fate. Such a poor little lamb,” he silently muttered to himself.     Muling bumalik ang titig niya sa mukha ni Lexine. Despite her depressing situation; it still didn’t hide the fact that she’s a young goddess. Naningkit ang kanyang mga mata. There’s something oddly wrong about the girl. What’s this peculiar force that he’s sensing?     The corner of his lips lifted. “Hmm... interesting.”     “Kung sino ka man engkanto ka, hindi kita sasantuhin!” sigaw ni Bossing at tinutok ang baril sa direksyon niya.     Bahagyang lumingon ang estrangherong binata. Tila iisa ang isip na sabay-sabay umatras ang mga kidnapper. Dahan-dahan siyang tumayo. Hinakbang niya ang isang paa. Natatarantang nagkumpulan ang mga ito na animo mga pusang nanginginig sa ilalim ng ulan. Mas maputla pa sa suka ang mukha ng mga ito. Halos isiksik ni Boyet ang sarili sa likuran ni Bossing habang tila naestatwa naman ang dalawa pa nitong kasamahan.     Walang ibang maririnig sa paligid maliban sa tunog ng pagtulo ng tubig na nanggagaling sa butas ng kisame.     Plok! Plok! Plok!     Nakakabibingi ang katahimikan sa loob ng bodega. Napako sa kinatatayuan ang mga kidnapper na para bang pati ang huminga ay nakalimutan nang mga ito.     And then, the stranger opened his mouth as if to blow a candle. “Booh!”     “AAAAHHHHH!” Kasing tulin ng kidlat na nagtakbuhan ang kidnappers. Natumba si Boyet sa sahig at umiiyak na yumakap sa binti ni Bossing habang ang dalawa naman ay natisod sa isa’t isa.     “Pfft!”     Nag-echo sa buong kapaligiran ang malakas na halakhak ng binata. Napatunganga ang mga kidnapper sa kanya. Para siyang isang bata na tuwang-tuwa sa sitcom.     Ilang sandali pa at sa wakas ay nagsawa na siya sa pagtawa. Pinunasan niya ang namuong luha sa gilid ng mata. “Men, where are your balls?” Humans never fail to entertain him. Hipan niya lang siguro sa mukha ang mga mga animal ay maiihi na ang mga ito sa salawal.      Nagpalitan ng nagtatakang tingin ang mga kidnapper.     “Times up, enough of this childish game.” Shadow quickly masked his face. His demeanor turned like a lethal predator ready to devour his prey. “Kidnapping and then shooting an innocent girl, really? And you all call yourselves a f*cking men?”     Tinaas ni Bossing nanginginig nitong kamay at tinutok ang baril sa kanya. “`Wag kang lalapit.”     “Tsk, tsk, tsk.” Humakbang siya patungo sa mga ito. “You guys are big... bad... bullies.” He crossed his arms and scratched his forehead. “And do you know what I’d like to do with f*cking bullies?”      Animo mga paslit na nahuli sa akto, sabay-sabay na umiling ang apat.     “Hey! Scar guy!” Unang itinuro ng binata si Bossing. “I know so much `bout you. Hmm, let’s see.” Humawak siya sa baba at tumingin sa kisame na tila nag-iisip. “Iniwan ka ng asawa mo at sumama sa ibang lalaki. May leukemia ang bunso mo. Unfortunately, natanggal ka sa trabaho at walang perang pangbayad ng hospital. So here you are, doing sh*ts for money. Tsk, what a f*cking drama.”     Napanganga nang malaki si Bossing. “T*ngina ka! Sino ka ba? Bakit mo `ko kilala?”     The stranger just smirked. Ignoring his questions, he continued. “You got your scar when you were twelve. Malupit ang stepfather mo sa’yo kaya nung sinubukan mong tumakas, sinira niya ang mukha mo gamit ang kutsilyo. Nice to meet you, Rommel Santiago.”     Halos kumalas ang panga ni Rommel sa mukha nito.      His mouth stretched into a deadly smile. By merely looking through the eyes of his subjects, he would be able to see a glimpse of their memories. Sunud niyang nilipat ang atensyon kay Boyet. “Hi there, Bonifacio Reyes.” Tuluyan itong bumigay at humagulgol. “Aw, why are you crying? Is your fat ugly mama going to beat you again?”     Halos wala ng natitirang kulay sa mukha ni Boyet at kaunti na lang ay mahihimatay na ito. Lalo naman naaaliw ang binata na makita ang mga itong nangangatog sa takot. Playing the emotions of his victims has always been his favorite hobby. “Jeremy Dela Paz, and Eugene Sanchez. Pareho kayong lumaki sa ampunan, tumakas hanggang sa napasama sa sindikato.” Sunud niyang nilipat ang atensyon sa natitirang dalawa na tila naging mga estatwa na.     He slightly bowed his head and put his right hand above his chest. “It’s my pleasure to meet you, gentlemen.”     Hindi na nakapagtimpi pa si Rommel at nanggigigil na itinutok ang baril sa kanyang direksyon. “Ang dami mong satsat, t*ngina ka! Kanina pa `ko naiirita sa `yo. Kung sino ka man demonyo ka, ibabalik kita sa impyerno!” Sunud-sunud itong nagpaulan ng putok ng baril. Nang segundong tumama ang mga bala sa katawan niya ay mabilis siyang naglaho sa hangin.     “P*tangina—”     “Oops! Fail.” Lumitaw siya sa likuran ni Rommel.     “Paano—”     Hinablot niya ang leeg nito at walang hirap itong binuhat. Umangat ang dalawang paa ni Rommel mula sa sahig. “I haven’t properly introduced myself yet. Now, let me finish our little introduction, shall we?” Nanggigigil niyang ibinaon ang mga kuko sa balat ng leeg nito hanggang sa magkulay-ube ang mukha nito.     Malakas na kulog ang muling sumabog kasabay ng kidlat. Nanlaki ang mga mata ni Rommel nang tuluyang tinamaan ng liwanag ang kabuuan ng kanyang mukha. Nasilayan nito ang isang pares ng mata na walang kahit anung bahid ng awa.     “I’m Death!”     Parang papel na hinagis niya ang katawan ni Rommel sa kabilang panig ng bodega. Bumagsak ito sa mga nakatambak na kahoy; isa roon ang nakatayo at may matulis na dulo. Tumusok ang leeg ni Rommel sa talim at mabilis na binawian ng buhay.     Samantala, nanginginig nang natitirang tatlong kidnappers. Hindi makapaniwala ang mga ito sa kalunos-lunos na sinapit ni Bossing.     “Hey there, piggy.” Sunud niyang nilapitan si Boyet.     Umiiyak at nagsusumamo na lumuhod ito sa kanyang harapan. “Maawa ka sa `kin `wag mo `kong papatayin, Diyos ko, maawa ka.”     He snorted. “Are you insulting me?” A bluish light emitted from his left hand. “F*ck, dude! I’m miles away gorgeous than the freaking old man.” He raised his hand. Lumutang ang mga paa ni Boyet mula sa sahig habang isang invisible-force ang pumipilit sa katawan nito na tila isang bimpong pinipiga. Sa labis na takot ay naihi ito sa salawal.     He wrinkled his nose in disgust. “Ugh, man you’re gross.” Sunud na lumiwanag ang isang itim na marka sa kanang pulsuhan niya. It’s a symbol of an inverted triangle with a star in the middle. The same bluish light blazed on the ink of his tattoo. “Gula!” he summoned a name.     The flame crawled in circles on his right arm. A sword with a rusty-gold iron grip materialized from his hand. A dragon’s face with two ocean-pearl eyes was carved in the center of its guard. Fire wrapped its long and sharp blade.     Tinaas ng binata ang espada at mabilis na sinaksak si Boyet sa dibdib. Nahulog ang katawan nito sa sahig. Sumunod niyang nilingon ang natitira pang dalawang lalaki na nagmamadaling kumaripas nang takbo. “Tsk, poor humans. Run idiots... run as fast as you can!”     Mabilis siyang naglaho sa hangin, naging itim na usok at muling lumitaw sa harapan ng dalawa. Sumugod si Jeremy at naglabas ng isang balisong. Agad itong umatake ngunit kasing bilis ng hangin ang mga kilos niya at hindi ito nakatama kahit isa man lang. Sa isang iglap, nakatayo na siya sa likuran nito. Hinablot niya ang buhok ni Jeremy at pinihit sa gilid ang ulo nito. Gamit ang talim ng espada, gumuhit siya ng tuwid na linya sa leeg nito. Agad sumirit doon ang malansa at mapulang dugo na tumalsik diretso sa mukha ni Eugene.     Nagsusumigaw ang huli na parang nababaliw habang nahihilam sa dugo. Kumaripas nang takbo si Eugene ngunit agad siyang humarang sa harapan nito at sabay humpas pataas ng kanyang espada. Tila bola na nagpagulong-gulong ang pugot na ulo ni Eugene sa sahig hanggang sa tumigil iyon sa gilid ng katawan ni Jeremy. Nakabuka ang mata at bibig ni Eugene na sumasalamin sa imahe ng matinding takot bago nito hinarap ang kamatayan.     Mula sa talim ng kanyang espada ay tila gripo na tumutulo ang dugo sa sahig. Umaalingasaw sa kapaligiran ang amoy ng kalawang at malansang isda     The stranger’s lips curled into a sinister grin. Electricity flowed in his blood as he stood there like a passionate painter admiring his masterpiece.     “All the four men died on September 12, 2012, in a bloody encounter with the police officers.” Dinilian niya ang naiwang mantsa ng dugo sa dalawang daliri. “But since I’m bored, I’d like to do it myself.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD