Chapter Three

2143 Words
    NALULUNOD siya sa napakalalim na dagat. Hinahatak pababa ang mga paa niya dahilan upang hindi siya makaahon. Naninikip ang kanyang dibdib. Kahit anung pilit niyang humpas ng mga kamay at padyak ng mga paa ay hindi siya binibitawan ng kamay ng kamatayan. She needs to swim, she needs air. Breathe. Fight. You need to keep fighting!     Lexine opened her eyes. Her whole body is aching and her chest burns like hell.     Isang matangkad na bulto ang lumuhod sa tabi ni Lexine. Hindi niya masilayan ang mukha nitong nagtatago sa itim na hood. Hindi ito kabilang sa kanyang kidnappers. Sino'ng kanyang kaharap? Ito na ba si Kamatayan? Dumating na ba `to upang sunduin siya? Malaking bunganga ng takot ang lumamon sa kanya.     She’s not ready to die yet. She can’t end like this without saying goodbye to her Lolo.     Lolo. Kumirot ang puso niya nang maalala ang pinakamamahal na abuelo. Paano na ito kung wala na siya? Baka hindi kayanin ng matanda ang labis na lungkot. Mag-isa na lang si Alejandro sa buhay at hindi niya ito kayang iwan.     Dalawang malaking braso ang bumuhat sa ulo ni Lexine at buong ingat na isinandal sa matigas na dibdib. Surprisingly, the stranger’s body felt warm on her skin.     “S-sino ka? Please, kung sino ka man,” mahigpit na kumapit ang nanlalamig niyang kamay sa damit nito, “Help me, please.”     “Hush... death is a wonderful thing.” His voice was gentle like a lullaby     “I don’t want to die, I’m s-scared. My lolo needs me. Please, save me.”     Walang ibang naririnig si Lexine maliban sa maliliit na patak ng ulan at mabibigat niyang paghinga. Hindi niya alam kung anung nangyari sa mga kidnapper. Pero hindi na `yun mahalaga, ang importante ay ligtas na siya sa kamay ng lalaking ito.     Ligtas nga ba siya?     The stranger gently stroked Lexine’s cheeks as though she’s a fragile petal of a withering flower. Mainit sa pakiramdam ang palad nito at nakapaghatid iyon sa kanya ng banyagang emosyon. Nanghihina na siya at ilang sandali na lang ay tuluyan nang bibigay ang kanyang katawan.     “Please, let me live.”     Ibinaba ng estrangherong binata ang mukha nito. Humahalik ang hininga nito sa mga labi ni Lexine at maihahantulad iyon sa mainit na sinag ng araw na umuusbong tuwing umaga. It gives a sort of comfort that’s unknown to her.     “In every wish comes with a price. Are you willing to pay the price?” Mabilis ang pagtungo ni Lexine. “Good girl. In the meantime, I want you to forget everything. When the time is right, I’d come back for our precious deal understood?”     She weakly whispered, “Yes.”     Iyon lang ang hinihintay na sagot ng estrangherong binata. Then everything happened slowly in Lexine’s senses. His foreign lips caught her breath. It felt warm, soft, and strange. She’s dying and ironically feels so alive under the stranger’s arms. Akin to yin and yang; hot and cold; death and life.      Burning energy began to pass through her mouth, then down to her throat while his lips grew aggressive. He’s possessing her like a newly crowned emperor of his country. After a few seconds, a tormenting pain burst inside her chest. It writhed in every inch of her body like a snake with its poisonous bite. Lexine no longer knows how long they’ve been kissing until the stranger finally released her lips as the pain faded away.     Lexine opened her eyes once again and greeted by two brown orbs. She probably won’t be able to forget those eyes. It reminds her of the lonely nights she has had since her parents died.     “Sleep now my sweet little cupcake.” Lexine heard him muttered one last time as she finally surrendered to the alluring darkness. At that moment, her young heart didn’t perceive that this sweet yet painful kiss will bind her soul to the hands of the devil.     ----------     “ILANG ARAW na pero hindi pa rin nagigising ang apo ko. Ano ba talaga’ng nangyayari sa kanya? Magigising pa ba si Lexine? Please, gawin niyo lahat ng paraan,” nanlulumong pakiusap ni Alejandro sa doktor na kaharap.     Desperation mirror his face. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya sa kawalan ng tulog. Lubog ang pisngi niya dahil hindi siya makakain nang maayos. How can he act like a normal person when her most beloved granddaughter hasn’t move from her cold bed for weeks?     Inayos ni Dr. Juanito Enriquez ang suot na eyeglass gamit ang hintuturo nito. “Mr. Vondeviejo, we already did our best to help your granddaughter. Her breathing is stable. Ligtas na siya sa peligro. For now, wala tayong ibang magagawa kundi ang mag-antay na gumising siya.”     Halos tatlong linggo nang nakalilipas simula nang dinala si Lexine sa ospital. Natagpuan nila ang dalagita na walang malay sa loob ng abandonadong bodega sa Montalban kung saan ito itinago ng mga kidnapper. Ang mahigpit na habilin ni Rommel kay Alejandro ay huwag na huwag magsasama ng mga pulis dahil `pag hindi siya tumupad sa usapan ay papatayin nito ang kanyang apo.     Sumunod sa kasunduan si Alejandro at mag-isang nagpunta sa lugar. Dala-dala niya ang one hundred million pesos cash sa loob ng black suitcase. Ngunit matalino ang matanda at hindi basta-basta magpapauto sa mga ito. Alam niya kung ano ang ikot ng bituka ng mga kriminal. Lingid sa kaalamanan ni Rommel ay lihim na nakaback-up ang PNP Special Action Force sa palibot ng buong bodega. Hasa ang mga ito sa hostage-taking rescue operations.     Subalit pagdating ni Alejandro roon ay isang karumal-dumal na bagay ang kanyang naabutan. Natagpuan ang apat na bangkay ng mga kidnapper. Walang nakaaalam kung sino ang may gawa ng kalunos-lunos na krimen. Samantala, patuloy naman ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa nangyari.     Hindi rin maipaliwanag ng mga doktor kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanyang apo. Malinaw na nagtamo si Lexine ng malalim na sugat sa dibdib gawa ng tama ng baril. Nakapagtataka na walang nakuhang bala ang mga doktor gayong hindi lumusot ang bala sa katawan nito. Her spinal chord was intact. Hindi rin napuruhan ang puso at baga nito. Maraming dugo ang nawala kay Lexine kaya naman isang malaking milagro na naka-survive ito. Ngayon ay nanatili pa rin ang dalagita sa state of comatose.     Mula sa mukha ng doktor, lumipat ang mata ni Alejandro sa apo. Kung titignan ay para lang itong natutulog nang mahimbing habang nakatusok ang mga apparatus sa ilong at bibig nito. Ilang saglit pa ang lumipas nang magsimulang gumalaw ang mga talukap ng dalagita.     Natatarantang lumapit si Alejandro. Halos maiyak siya sa labis na tuwa. Kinuha niya ang isang kamay ng apo at marahang hinaplos ang noo nito. “My darling, this is lolo. How do you feel?”     Lexine finally opened her eyes. “Lolo?”     Hindi na napigilan pa ni Alejandro ang hikbi na nag-uunahang kumawala sa bibig niya. Nalusaw na rin sa wakas ang mabigat na bato na ilang araw nang nakadagan sa kanyang dibdib.     “Where am I lolo?”     “Thank God, you’re finally awake! We’re in the hospital. You’re now safe here with me. Hindi ka na nila masasaktan,” pampalubag-loob niya habang panay ang halik sa kamay ng apo.     “What do you mean? I don’t remember anything.”     Natigilan si Alejandro. Nagkatinginan sila ni Dr. Juanito. “Doc, what’s happening to her?”     Lumapit ang binatang doktor kay Lexine. Tinutok nito ang maliit na flashlight sa mata ng kanyang apo. “Follow my finger,” anito at inangat ang isang hintuturo. Pagkatapos ay mga tinanong pa ito kay Lexine at nagsulat sa hawak na clip board.     Tumikhim ang binatang doktor at humarap sa kanya. “We need to check her MRI first to make sure, however, what happened to her is probably a dissociation. In some cases, the human brain attempts to protect itself from painful memories. It’s one of the side effects, Mr. Vondeviejo. Kadalasan na nangyayari `to sa mga pasyenteng nakaranas ng isang traumatic experience. We’ll keep observing her. For the meantime, wala na tayong dapat pang ipag-alala.”     ----------     ILANG ARAW na nagpalipas si Lexine sa ospital upang mamonitor ng mga doktor ang kanyang kalagayan. Bored na bored na siya dahil wala siyang ibang nakikita kundi ang apat na sulok ng malungkot niyang private ward. Halos kilala na rin niya lahat ng nurse na oras-oras kung magcheck-up sa kanya. Gusto na niyang umuwi. Miss na miss na niya ang sariling kwarto lalo nang malambot niyang kama.     “Buti naman at dinalaw mo `ko rito. I’m so bored here. I wanna go home,” nakangusong reklamo niya sa binatang nakaupo sa gilid ng hospital bed. Kasalukuyang naglalaro ng Pro Evolution Soccer sa PsP si Ansell. Mula sa screen ng gadget, nag-angat ito ng tingin, ngumisi nang nakaloloko sabay kinurot ang kanyang pisngi.     “Panguso-nguso ka pa diyan! Hindi ka mapapalabas ng pagpapa-cute mo.”     Tinampal niya ang kamay nito. “Ouch! Ansell, ano ba? Stop, it hurts!”     “Ouch! Ansell, ano ba? Stop, it hurts!” Ginaya muna nito ang boses niya bago binitawan ang pisngi niya.     Halos batuhin niyo ito ng unan sa mukha. Wala na talagang alam gawin ang mokong kundi i-bully siya. Nagtataka nga siya sa sarili kung paano sila naging mag-best friend. Magkaklase na sila ni Ansell simula first grade. Hindi niya talaga `to gusto no’ng una dahil nuknukan ng alaskador. Inis na inis siya rito lalo na at ginawa nitong mission and vision sa buhay ang bwisitin siya. Ngunit isang araw ay naging knight in shining armor niya ito.     Naalala niya pa noong second grade pa lang sila, nahulog siya sa bangin habang nasa fieldtrip sa Subic. Takot na takot si Lexine ng araw na `yun. Inabot siya ng dilim sa gubat habang umiiyak at humihingi ng tulong. Ang buong akala nga niya’y mabubulok na siya sa bangin pero buti na lang at natagpuan siya ni Ansell. Agad itong tumawag ng mga awtoridad upang makalabas siya do’n. Ito ang kanyang savior. Simula noon ay gumaan na’ng loob niya rito at `di nagtagal ay naging matalik silang magkaibigan.     “Ugh! I can’t take this anymore! I want to go home!” Dumapa si Lexine, nagtago sa ilalim ng kumot at nagpagulong-gulong. Ginawa niyang parang sushi ang sarili na binalot ng kumot ang buong katawan habang tanging ulo niya lang ang nakalitaw. “I feel good. There’s nothing to worry na. Bakit ayaw pa nila `kong palabasin?”     “I don’t know. I’m not the doctor, Lexi,” sagot nito na `di man lang siya tinapuan ng tingin habang nanatili ang mga mata nito sa nilalaro.     Tumirik ang mga mata niya at nilipat na lang ang atensyon sa bintana. Mula sa kanyang pwesto ay natatanaw niya ang katapat na malaking puno ng Narra. Nasa ika-tatlong palapag ng building ng hospital ang kanyang silid kaya naman halos magkapantay na ang bintana at ang tuktok ng puno.     Pinagmasdan mabuti ni Lexine ang mga sangga at dahon niyon. Sumasabay ang mga `yun sa ihip ng malakas na hangin. Biglang kumidlat at kumulog nang malakas. May bagyo pa atang paparating lalo na’t tag-ulan tuwing fourth quarter ng taon. Naningkit ang mata ni Lexine nang may kakaiba siyang napansin. Muling kumidlat at nakita niya ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa malaking sanga ng puno. Nanlaki ang mga mata niya. Sabay-sabay na nagsitayuan ang mga balahibo niya mula ulo hanggang paa. Binalot ng yelo ang balat niya.     “Ansell, look! There’s a guy standing over there!” Mabilis niyang kinalabit ang katabi sabay turo sa direksyon ng puno.     “What?” Nakabusangot na nag-angat ng tingin si Ansell at sinundan ang tinuturo niya. “Where? Wala naman!”     Binalik ni Lexine ang tingin sa puno ng Narra. Wala na nga ang lalaki roon. Nagmadali siyang tumayo at humakbang palapit sa bintana. “But I swear I saw someone, it’s a guy. He’s wearing a black hood at nakatago ang mukha niya.”     Umiling lang sa kanya si Ansell at muling tinuon ang atensyon sa nilalaro nito. “Guni-guni mo lang `yan. Matulog ka na at mukha ka ng the walking dead sa itim ng eyebags mo.”     Muli niyang pinagmasdan ang puno. Guni-guni lang ba talaga ang lahat? Pero bakit pakiramdam niya `di siya namamalikmata. It felt so real.     Hindi maipaliwanag ni Lexine sa sarili pero hindi maganda ang naidulot ng guni-guning `yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD