Chapter Four

3013 Words
    After five years     LABING DALAWANG ballet dancers ang magkakahawak kamay at nakahilera habang buong ngiting nakaharap sa mga manonood. Sa kabila ng nakasisilaw na spotlight na nakatutok sa stage ay hinanap pa rin ng mga mata ni Lexine ang dalawang lalaking mahalaga sa buhay niya.     Sa pinakasentro, limang row mula sa stage, natagpuan niyang magkatabing nakatayo sina Alejandro at Ansell habang sumasabay ang mga ito sa malakas na palakpakan. Mas lumawak ang kanyang ngiti. Wala nang mas hihigit pa sa kasiyahang nararamdaman ni Lexine sa sandaling iyon na makitang ipinagmamalaki siya ng kanyang abuelo.     Kakatapos lang ng isang makapagtindig-balahibo nilang ballet performance sa stage ng Cultural Center of the Philippines Main Theater. Massive success ang kanilang show na “Romeo and Juliet” at siya ang star of the night bilang si Juliet.     Lumagpas sa likuran ng abuelo ang atensyon ni Lexine. Tatlong row mula rito nakatayo ang isang lalaking nakasuot ng itim na hood. Napakunot ang kanyang noo. Hindi pumapalapak ang lalaki. Tila ba nakatingin lang ito sa stage o partikular sa kanya?     Naputol ang tingin ni Lexine roon nang hatakin siya ng mga kagrupo patungo sa backstage. Panay ang yakap at papuri ng mga ito sa kanya.     “Ang galing mo talaga kanina, Lexi! Sobrang perfect ng ginawa mong fouette!” buong ngiti na puri ng half-Filipina at half-British na si Charlene. Namimilog ang asul nitong mga mata.     Ang tinutukoy nito ay isa sa pinakamahirap na ballet step at `yun ang naging main attraction ng kanyang performance. Gumawa siya ng non-stop at mabilis na thirty whipped throws sa loob lamang ng kalahating minuto. Tila ba naging isa siyang umiikot na turumpo.     “Oo nga! Nakita mo ba `yung reaksyon ng mga tao kanina? Naku, sis, amazed na amazed sila sa `yo!” segunda naman ng petite at chinitang si Rissa habang pumapalakpak pa ito sa tuwa.     “Uwian na! May nanalo na!” dugtong pa ng morenang si Sasha. Malakas silang nagkatawanan. Nagpasalamat siya sa mga ito.     Isang mestizo at matangkad na binata ang lumapit sa kanila at marahan siyang tinapik sa balikat. “Congratulations, Lexine. You did a great job!”     “Thanks, Chard. We did a great job!” aniya na may malaking ngiti. Ang binata ang ka-partner niya at gumanap bilang Romeo.     Tumawa ito sabay iling. “Nah, all I did was to lift you and be your shadow. Ikaw talaga ang nagdadala.”     Umikot ang mga mata niya. “Masyado niyo nang pinapalaki ang ulo ko.”     Isang malaking karangalan para kay Lexine ang pagiging lead dancer ng show. Ilang buwan niya rin iyon pinaghandaan nang mabuti. Tiniis niya ang strict diet at mas maraming oras na pagte-training upang masiguradong kundisyon ang kanyang katawan. It was all worth it.     Hinihingal na umupo si Lexine sa tapat ng malaking vanity mirror na matatagpuan sa gilid ng malawak na dressing room. Mula sa kanyang repleksyon, nasilayan niyang naglalakad palapit si Ms. Kristine Garcia na may malaking ngiti sa labi.     “You are so amazing up there, Lexi. I’m very proud of you.” Pinisil nito ang magkabila niyang balikat.     “Thank you po, Ms. Garcia. I won’t be where I am now without you.” She stood up and gave her a tight hug.     “You deserve all of these.” Hinaplos ni Ms. Garcia ang kanyang pisngi. “You’re one of the most hard-working and dedicated ballerinas I’ve ever met. Just keep your passion burning and I know that there’s a bright future waiting for you.”     Maputi, maganda at balingkinitan si Ms. Garcia. Sa katunayan ay mukha pa itong mas bata sa edad na thirty-eight. Anak ito ng retired veteran at Artistic Director ng dance company na kinabibilangan ni Lexine: The Primera Belle Philippines.      Noong teenager pa lang si Lexine ay mataas nang rango ni Ms. Garcia bilang Senior Principal. Four years ago nang tumigil ito sa pagiging ballet dancer upang maging Ballet Mistress. Nagretiro na kasi ang dati nilang Ballet Master na isang Russian. Malaki ang naitutulong ni Ms. Garcia sa kanyang career lalo na’t ito ang naging mentor niya noon pa man. Sa katunayan ay isa ito sa kanyang inspirasyon.     Sa buong grupo ay si Lexine ang sinasabing protégé ni Ms. Garcia at nakikitang susunud sa mga yapak nito. Dahil sa dedication at passion niya sa pagsasayaw kaya na-promote siya bilang coryphées two years ago. Madalas din na binibigay sa kanya ang mga leading roles kagaya ngayong gabi. Pangarap niya na makamit ang pinakamataas na rank bilang Senior Principal at makapasok sa isang international ballet company sa France. Naniniwala siya na darating ang panahon at magiging matayog ang paglipad ng kanyang career katulad ni Ms. Garcia.     Nagpaalam na ito sa kanya at nagtungo sa iba niya pang kagrupo. Pinagpatuloy ni Lexine ang pag-aayos ng buhok nang tumunog ang kanyang cellphone. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang pangalan sa screen. “Lolo!”     “Congratulations, darling! As always, you gave us a magnificent show.”     Lexine’s smile reached her eyes. “Thank you, lolo. I’m so nervous talaga kanina, but luckily, I’ve made it!”     “Of course, apo. Wala atang imposible sa `yo. You’re gifted. I’m very proud of you.”     Warmth embraced her like a blanket. Alejandro is Lexine’s greatest motivation at ang marinig na ipinagmamalaki siya nito ay malaking bagay na para sa kanya. “By the way apo, I’m sorry but I need to go. Hindi na `ko makakasama sa inyo ni Ansell to celebrate. I already mentioned to you that I’ll fly to Macau tonight for an important business meeting tomorrow, right?”     “It’s okay, lolo. I understand. Please be careful and have a safe flight. Don’t forget to drink your meds, okay? Just call me when you’re not busy. I love you.”     “I love you more my darling.”     Nagbuntong-hininga si Lexine at pinagmasdan ang kanyang repleksyon sa salamin. Naiintindihan naman niya na napaka-busy ng kanyang abuelo sa dami ng responsibilidad nito bilang Chairman ng Vondeviejo Mega Corp. Their multi-billion conglomerate has been one of the leading corporations in the Philippine economy for the last four decades. Respetado ang pangalan ng kanilang angkan at bilang siya ang nag-iisang tagapagmana ni Alejandro kung kaya lumaki siyang nasa ibabaw ng mundo.     Laking pasasalamat niya rin na hindi siya nito pinipilit na maging parte ng kanilang family corporation at sinusuportahan lang siya nito sa pangarap niyang maging tanyag na ballerina. Hindi katulad ng mga pinsan niya na tinutulak ng mga magulang ng mga ito na pumasok sa kanilang kumpanya.     Inaya si Lexine ng mga kagrupo na mag-picture taking kasama si Ms. Garcia. May iilang fans din siya na sumadya pa sa backstage. Ilang sandali pa silang nalibang sa pagkuha ng mga litrato nang marinig niya ang sunud-sunud na tikhim mula sa likuran.     Humarap si Lexine at sinalubong siya ng abot tengang ngiti ni Ansell. Napaka-gwapo nito sa suot na gray taylored suit. Nakabrush-up ang dark brown nitong buhok at may hawak na isang boquet ng pink tulips.     “Congratulations, Juliet!” he said in an over energetic voice. Lalo pa itong gumagwapo sa tuwing lumalabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin na mas nakakasilaw pa sa spot light sa stage.     Tinalon niya ito ng yakap. “Thank you! At may flowers pa talaga, ah!”     Inakbayan siya nito. “Of course, mas romantic ako kay Romeo, `no! Mahal kaya ang bili ko riyan. It’s worth five digits kaya ililibre mo `ko ng dinner ngayon.”     Pasimple niya itong siniko sa tagiliran. “Romantic mo mukha mo!”     Hinatak siya ni Ansell palabas ng building. Magkahawak kamay silang tumakbo habang malakas na nagtatawanan na tila mga batang naglalaro na tulad ng dati.     ----------     “WHAT?! YOU BROKE UP WITH JESSIE!?” Nabitawan ni Lexine ang hawak na chopstick. Nagkibit-balikat lang si Ansell habang patuloy itong kumakain ng sushi. Sa paborito nilang japanese restaurant in BGC, Taguig sila nagpunta. “But I thought you really like her. Diba sabi mo, she’s different from all the other girls that you’ve dated before?”     Ang buong akala pa naman niya ay magtitino na sa wakas ang kanyang best friend. Gwapo, maporma, sikat at mayaman si Ansell kaya naman halos parang nagpapalit lang ito ng tshirt kung magpalit ng mga babae. Pero ang recent girlfriend nito na si Jessie ang inakala niyang seseryosohin na talaga nito. She actually likes Jessie. She’s nice, cool, and educated. She’s taking law school. The girl is freaking smart! Kaya naman labis siyang nanghihinayang para rito.     “I realized na she’s too good for me. She’s almost perfect like a barbie doll. Nakakatakot ang mga ganung babae,” relaxed na paliwanag nito.     “I really can’t believe you! You’re an ass for letting her go. Sana lang magsisi ka sa ginawa mo dahil `di ka na makakakita pa ulit ng kagaya ni Jessie.”     “So what?” Ansell snorted as though what she said was a joke. “I don’t care if I couldn’t find another girl like her. I know what I want and it’s not, Jessie.”     Umikot ang dalawa niyang mata. Hmp! Palaging naman gano’n ang linya nito pero mahigit isang dozena na ang naging ex ni Ansell simula noong grade eight pa lang sila pero palaging hindi nagtatagal at nauuwi sa hiwalayan. At two out of the twelve records lang na babae ang nakipag-break dito dahil madalas na si Ansell ang nauunang umaayaw. He’s a dumbass heartbreaker!     “Whatever, Mr. w***e! Eh, nasaan na ba kasi ang babae na `yan? Pang-out of this world naman ata ang preference mo. I doubt if you’d ever find her.”     Pinaikot-ikot ni Ansell ang hawak na chopstick sa platito nito. “Let it go, Lexi. Whoever that girl is, I’m a hundred percent sure that she’s very near to me.” His dark eyes settled on hers.     Sometimes, Ansell gives her that sort of look na para bang may gusto itong sabihin pero hindi naman nito tinutuloy. Kahit sa tagal ng panahon na nilang magkaibigan, madalas ay `di niya pa rin mabasa ang iniisip nito. Sa inis ni Lexine ay nirapan na lang niya ito. Tse! Dahilan lang ni Ansell yun pero sigurado siyang wala naman talaga itong plano na maging seryoso sa babae as if being a one-woman man is a disease that he doesn’t want to get infected with.     Natapos silang mag-dinner. Gusto na sana niyang umuwi pero nagpumilit si Ansell na magpunta muna sila sa Hydro Music Festival na gaganapin sa Mall of Asia concert grounds. Nakabili na raw kasi `to ng ticket at sayang naman kung `di nila pupuntahan kaya kahit pagod ay napilitan pa rin siyang sumama.     Inabutan siya ni Ansell ng isang red plastic cup na may lamang beer. Open grounds ang event at talaga naman nagwawala na lahat ng mga tao sa electronic dance music na dumadagundong mula sa naglalakihang speakers na nakaset-up sa paligid ng malawak na area. Nakasisilaw rin sa ganda ang mga strobe light na nakaset-up sa malaking stage. Dahil sa sobrang galing ng DJ, pati tuloy si Lexine ay hindi na napigilan ang sarili na mapa-indak kasabay ng up-beat na musika. Sabay pa silang tumatalon ni Ansell habang kumakanta ng chorus part.     Kasalukuyang nakatingin si Lexine sa harapan ng stage nang may kakaibang presensya ang humatak sa kanya para lumingon sa bandang kaliwa. Dagat ng mga taong nagtatalunan at naghihiyawan ang kanyang nakikita. Maririnig ang trap remix ng “Go Up by SB19” na pinatutugtog ng DJ. Nakataas pa ang mga kamay ng bawat isa habang sumasabay sa lyrics ng kanta. May hawak silang iba’t ibang kulay ng glow in the dark sticks na lumiliwanag sa dilim.     Ayon sa kanta, dapat na ibigay ang puso at huwag huminto sa pag-abot ng mga pangarap. Feel na feel ni Lexine ang kanta. Indeed, wala siyang hindi ibibigay matupad lang ang goal niya na maging isang tanyag na ballerina.     Sa kabila ng kaguluhan na nangyayari sa paligid ay may isang bulto ang nangibabaw sa mga mata ni Lexine. Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya `yon makita nang maayos dahil natatakpan ng mga taong malilikot.     Lexine focused her eyes. Isang lalaking nakasuot ng itim na leather jacket ang kanyang natatanaw. May apat hanggang limang metro rin ang layo nito mula sa kanilang kinatatayuan. May hood ang suot nitong jacket na nakasabit sa ulo nito dahilan para matakpan ang mukha nito. Tanging ilalim na parte ng mukha nito ang tinatamaan ng gumagalaw na liwanag mula sa stage.     Mabilis na pumasok sa kanyang isipan ang misteryosong lalaki na nakita niya sa CCP at ang guni-guni niya noon sa hospital. Bakit may pakiramdam siya na konektado ang mga nakikita niya? Malamig na kamay ng kilabot ang gumapang sa buo niyang katawan. Napahawak siya sa dibdib. The scar on her chest suddenly pulsed like a warning bell. What is this feeling?     Isang malakas na pwersa ang biglang tumabig sa mukha ni Lexine. Agad siyang nawalan ng balanse at muntik nang humalik ang pwetan niya sa sahig, buti na lang at nasalo siya ni Ansell.     “Hey! Watch out! Nakakatama ka na!” sigaw nito habang masama ang titig sa matabang binatilyo sa harapan nila. Humingi naman agad ng paumahin ang lalaki kaya hindi na lumaki pa ang gulo. “Lexi, are you hurt?” Malumanay na hinimas ni Ansell ang kanyang noo.     Umiling siya. “No, I’m fine.”     Muli niyang ibinalik ang tingin sa direksyon ng mga mata kanina pero wala na do’n ang misteryosong lalaki. Napalingon siya uli kay Ansell nang tawagin siya nito. Naisip niya na baka dahil sa pagod kaya kung ano-ano na naman ang nakikita niya. Marami naman ang pumuporma ng leather jacket na may hood kaya imposible na iisang tao lang sila. Baka guni-guni mo lang, Lexine?     “Baby, do you want to go home?”     Agad siyang sumangayon sa alok ni Ansell. Hinatid siya nito pauwi sa mansion nila. Tahimik lang siya sa buong byahe. Matapos magpasalamat kay Ansell ay nagmadali na siyang pumanik ng kwarto niya. Ramdam niya ang matinding pagod. Tila may invisible magnet ang humatak sa kanyang katawan pa higa sa kama at mabilis siyang dinalaw ng antok.     ----------     NAGMULAT NG MGA mata ni Lexine at una siyang binati ng payapa at asul na kalangitan; malalaki ang mga ulap na kay lambot pagmasdan. Dahan-dahan siyang bumangon. Napalilibutan siya ng makukulay na bulaklak sa gitna ng malawak na lupain na binabalot ng mabeberdeng mga damo. Humahalo ang tamis ng halimuyak ng bulaklak sa sariwang hangin na humahampas sa kanyang mukha. Napakaraming lumilipad na paru-paru sa paligid. Ganoon din ang mga ibon sa langit.     Naglakad-lakad siya hanggang sa makarating sa loob ng masukal na kagubatan at doon natagpuan niya ang iba’t ibang uri ng mga hayop gaya ng: rabbit, usa, squirel, unggoy at kung anu-anu pa. Labis ang kanyang tuwa. Ngayon lang siya nakarating sa lugar na `to at parang ayaw na niyang umalis.     Lumipad sa harapan niya ang mga paru-paru. Tila batang hinabol niya ang mga `yon. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na tumakbo basta’t dinala siya ng mga paru-paru sa gitna ng kagubatan.     Isang tagong kuweba sa likod ng talon ang natagpuan niya. Sa loob niyon ay tila isang panibagong mundo na mas nakabibighani. Nagkalat ang kakaibang uri ng mga mushroom na naglalabas ng makukulay na liwanag. Napaliligiran ang buong lugar ng kumikinang na tubig. Maririnig ang payapang agos ng tubig kasabay ng mga kulisap at huni ng ibon. Tila isang malaking bunganga ang bukana sa ibabaw ng kuweba. Ngunit ang higit na nakamamangha sa lahat ay ang higanteng puno sa ilalim ng bukana.     Hindi makapaniwala ang mga mata ni Lexine. Tila naging isa siyang langgam dahil sa sobrang laki niyon. Halos mangalay ang kanyang leeg sa pagtingala roon. Kakaiba rin ang kulay ng mga dahon niyon—kulay ginto. Nakasisilaw ang liwanag na bumabalot sa buong puno. Kakaiba sa lahat at walang katulad.     Inikot ni Lexine ang puno at natigilan nang makita ang isang binata na nakatayo at nakatalikod sa kanya. Moreno ang kulay ng balat nito. Kulay mais ang kulot at may kahabaan nitong buhok na hindi umaabot hanggang balikat. Wala rin itong suot na saplot maliban sa puting pantalon. Agaw pansin ang dalawa at pahabang peklat sa gitnang-itaas na bahagi ng malapad nitong likuran. Ano ang peklat na `yun at sino ang lalaking ito?     “Excuse me, anung lugar `to?”     Bahagya lang ang ginawang paglingon ng ulo ng binata dahilan upang maaninag ni Lexine ang matangos nitong ilong at perpektong hugis ng parisukat nitong panga.     “Mag-iingat ka, Alexine. Nagbalik na siya.”     Napigil ni Lexine ang hangin sa dibdib. Para siyang hinihele ng malumanay nitong boses. “Sinung nagbalik? What are you talking about?” Kumunot ang kanyang noo. “Who are you?”     Wala siyang nakuhang sagot mula sa misteryosong binata. Hindi na siya makapagtimpi pa at humakbang palapit dito. Inabot niya ang balikat nito at nang sandaling dumikit ang palad niya sa balat ng binata ay bigla na lang itong naglaho at sumabog sa harapan niya ang mga puting balahibo ng ibon.     ----------     BUMUKAS ang mga mata si Lexine kasabay ang mabilis na paghahabol ng kanyang hininga. Napabalikwas siya ng bangon. Pumapasok nang sikat ng araw mula sa balcony ng kanyang silid. Unti-unting lumuwag ang dibdib niya. Isang panaginip lang pala.     Wala sa sariling inangat niya ang kamay. Nanlaki ang mata niya nang makita ang isang bagay at agad itong binitiwan. Dahan-dahang bumaba ang bagay na tila nakikipagsayaw sa hangin hanggang sa lumapag iyon sa ibabaw ng comforter. Nanikip nang husto ang dibdib ni Lexine habang pinagmamasdan ang bagay sa kanyang harapan.     Iyon ang balahibo sa kanyang panaginip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD