Chapter Five

2372 Words
    “HAY NAKU! Kailan ba luluwag ang kalsada sa Pilipinas? Everyday na lang traffic! Juice ko lord! Naloloka nang mga brain cells ko, ha! Sama mo na rin pati white and red blood cells!”     Mula sa dagat ng sasakyan sa kahabaan ng EDSA lumipat ang tingin ni Lexine sa katabing si Isabelle. “Masyado naman kasi nagmamahalan ang mga sasakyan dito sa’tin kaya gusto nila palagi silang ganito ka-close. Jusmiyo Marimar!” dugtong pa nito na may tumitirik na mata.     White at dark blue ang kulay ng suot ni Belle. Katulad iyon ng uniporme ng mga kasambahay nila sa mansion pero ang palda nito ang tanging kinapos sa tela. Slender at makinis ang legs ng dalaga kaya naman asset nito ang mga iyon. Mahilig ang babae sa shocking colors na make up at mga burloloy sa katawan. Every other month din ito kung magpakulay ng buhok. Sa ngayon ay color pink ang highlights nito. Always ready ang dalagang pilipinang maid upang i-represent ang bandera ng mga inday at makipaglaban ng slow-motion walk kay Catriona Gray. Pak! Ganern!     “Ang aga-aga ang ingay mo, Belle. Mas maingay ka pa sa mga busina sa labas. Ano ba’ng inalmusal mo kanina, microphone?” nakangising biro ni Manong Ben habang nakatingin ito sa rear view mirror. Ang matanda ang personal-driver ni Lexine mula pagkabata at halos parang tiyuhin nang turing niya rito.     “Excuseeeee meeeee, manong Bentolomon! Kung kasing ganda ko lang din naman ang mag-iingay tuwing umaga sa kalsada, aba! Bababa ang langit at mag-aawitan ang mga anghel! Kung `di mo naitatanong, eh, in-demand ata ang beauty ko sa mga foreigners `no. Hmp!”     “Oo naman. Aba’y bentang-benta talaga ang mga inday beauty sa mga kano!” Humalakhak ito nang malakas.     Umusok na parang tambutso ang dalawang butas ng ilong ni Belle. “Anung sabi mo!?”     Napailing na lang si Lexine sa bangayan ng dalawa at binuksan ang kanyang iPhone. May three messages galing kay Ansell.       Ansell: Gud morning my little swan! (Emoji kiss)     Ansell: Hey sleepyhead, wakey-wakey!     Ansell: Jessie went to my place last night, she’s wasted AF. She wanted to save our relationship, but I don’t want her anymore (Emoji sad. Emoji facepalm)       Napatuwid siya nang upo sa huling nabasa. Pinindot niya ang touch-screen at agad nag-reply.       Lexi: Assh*le! (Emoji angry) What did u do to her? Don’t tell me pinauwi mo lang siyang mag-isa? I’m going to freaking kill u Ansell Castanieda! (Emoji evil)       Mabilis na dumating ang reply nito.       Ansell: No, I drove her home, then she kissed me, but I didn't kiss her back. So she got angry like a bull dog and slapped me. Huhuhu. My cheeks are swollen until now. (Emoji crying)       Napangisi si Lexine. “Buti nga sa’yo.”       ---------       NAABUTAN ni Lexine si Ansell na nag-aantay sa tapat ng kanilang classroom. Magkaiba sila ng kursong kinukuha. Business Administration siya at Architecture naman ang kanyang best friend. Pareho silang nasa second semester on their third year.     Napansin agad ni Lexine ang mga babae sa paligid na kasing lagkit ng glue ang pagkakatitig kay Ansell. Paano ba naman kase at nagsusumigaw ang kagwapuhan nito sa suot na white polo-shirt na tinernuhan ng skinny-pants, Topsider shoes at aviator shades. Nakaangat ang famous super-hero-hairstyle nito na tinalo si Stefan Salvatore ng Vampire Diaries habang umaalingasaw ang mamahaling Bvlgari Aqua Marine na tila malamig na hangin na tumutusok sa bawat ilong ng mga kababaihan doon dahilan upang mag-laway ang mga ito.     Agad umakbay si Ansell kay Lexine. Hindi nakaligtas sa peripheal-vision niya ang init sa mata ng mga babae. Sikat si Ansell sa buong campus lalo na’t varsity player ito ng basketball team. Kalat naman sa karamihan kung gaano sila ka-close kaya marami ang naiingit sa kanya and vice versa.     “Baby, my cheeks hurt.” Tila batang nagsusumbong na ngumuso si Ansell sabay tinuro ang pisngi nito. Pinagmasdan mabuti ni Lexine ang mukha nito. Hindi naman `yon namumula o namamaga. Dina-dramahan na naman siya ng mokong, imbis ay kinurot niya ito sa pisngi.     “Ouch!”     “Buti nga sa’yo at nasampal ka ni Jessie. Kung ako siya, hindi lang sampal ang gagawin ko, ipa-pa-murder kita! Para magkaroon naman ng katarungan ang pinatay mong puso ng mga babae!” Nag-sign of the cross siya sabay tingin sa kisame. “May they rest in peace.”     “What? Anung pinatay? Those girls should be thankful to me dahil pinaligaya ko sila!”     “Pinaligaya? Baka pinaiyak!”     “Pinaiyak sa sobrang sarap.” Nakaloloko itong ngumisi sabay kindat.     Namilog ang mga mata niya. “Puro ka talaga kalokohan! Ang manyak mo!” Pinaghahampas niya ito sa braso.     Natatawang sinangga nito ang mga atake niya. “Hey! Ikaw ang green-minded diyan! Pinaiyak ko lang naman sila sa sobrang sarap kong magluto.”     “Namimilosopo ka pa. Magtino ka nga! Karmahin ka sana balang araw!”     “No need, ngayon pa lang kinakarma na `ko. Sumpa kaya ang maging kasing-gwapo ko!”     “Ang hangin mo!”     “Cute naman!”     “Mukha kang unggoy!”     “Cute na unggoy!”     Naputol ang pagkukulitan nila nang lumapit ang babaeng tila fashion model sa tangkad at katawan. Angat ang morena nitong kutis sa suot na white tank top at leather skinny jeans. Naka-pony tail ang wavy at itim nitong buhok. Prominent sa mukha nito ang natural na pouty lips na siguradong mahihiya ang mga Kardashian’s.     “Hi, Lexi! Hi, Ansell!” bati ni Xyrille sa matining na boses. May inabot itong maliit na black envelope. “It’s my birthday celebration tonight. It’s a masquerade themed party, but it’s not too formal naman `cause it’s a small house gathering lang. So... could I expect you guys later?”     Pinagmasdan mabuti ni Lexine ang invitation na hawak. Parties? Lexine has never been a party girl. Kung `di pa nga siya pinilit ni Ansell nung isang gabi ay `di siya pupunta sa music festival. She doesn’t like crowded places, and she hates the odor of cigarettes and alcohol. For her, social life is inside the ballet studio.     Xyrille remained standing and waiting like a little girl who’s expecting to receive candy. Isa ito sa mga ka-close ni Lexine sa department nila and knowing the girl since her first year in college, Xyrille will never take a no for an answer.     Nagbuntong-hininga si Lexine. “Sure. We’ll be there.”     Xyrille shrieked in excitement. “Yay! See you guys later, alligateeer!”       ----------       NAPATUNAYAN ni Lexine kung bakit binansagang “Queen of the Parties” si Xyrille ng kanilang department nang makarating siya sa bahay nito. Black sequence, one shoulder long sleeve asymmetrical dress, ang sinuot niya para sa gabing `yun. Humahapit ang tela sa petite at makurba niyang katawan habang may side slit iyon na umaabot hanggang kalahati ng kanyang hita. Tinernuhan niya `yon ng red stiletto at red lipstick na angat sa mala-gatas niyang kutis. Her innocent angelic face was surprisingly seductive. Nilugay niya ang pini-lantsang buhok. At para kumpleto ang kanyang outfit of the night, nagsuot siya ng glittery red eye-mask na tumatakip sa kalahati ng mukha niya. May black feathers pa iyon na nakadikit sa left corner.     Malaki at malawak ang mansion ng pamilyang Dominguez na matatagpuan sa loob ng Ayala Alabang. Madalas na wala si Mr. and Mrs. Dominguez dahil mahilig mag out of the country ang mga ito. Ang mga kapatid naman ni Xyrille ay nag-migrate na sa States. Kaya naman madalas magpaparty si Xyrille. Dagdag pa na bunso ito kaya nagagawa nito ang kahit anung gustuhin.     Ten PM na nakarating si Lexine at marami nang mga bisita. Kanya-kanyang face-mask, dress at suit and tie ang suot ng bawat isa at talaga namang postura at hindi nagpapakabog. Inayusan na tila isang masquerade ball na may gothic touch ang kabuuan ng property. Color black and gold ang motif niyon.     May catering at mobile bar na matatagpuan sa malawak na garden sa likuran ng bahay. Higante ang mga sound system at makukulay na strobe lights sa paligid. May fire dancers na sumasayaw habang may seksing DJ ang kasalukuyang nagpi-play ng house music sa maliit na stage na nakaset-up sa gitna. May iilang mga bisita ang nagsu-swimming sa malawak na infinity-pool na may changing color LED lights sa ilalim.     Small gathering, huh? Napailing na lang si Lexine.     Karamihan sa mga guest na nag-attend ay mga ka-department at schoolmate nila kaya naman marami ang bumabati sa kanya. Tila naging isang college ball ang party ni Xyrille. Natagpuan niya ito sa pool side. Napaka elegante nito sa suot na gold tube pemplum dress na tinernuhan ng gold eye-mask.     “Lexi! You came!” Xyrille giddily bounced up and down.     “Happy birthday, gorgeous!” Agad niya itong niyakap nang mahigpit at inabot ang regalo niya. Isa iyong mamahaling earrings na inorder niya mula sa Italy.     Nagliwanag ang mukha ni Xyille. “Aw. Thank you, girl! Oh, wait, bakit mag-isa ka? Where’s Ansell? `Di mo ba siya kasamang dumating dito?”     “Hindi eh, kanina ko pa nga tinatawagan `di naman sumasagot. Pero pupunta `yun. Baka may ginagawa lang.”     Pero ang totoo ay hindi kumportable si Lexine sa mga ganitong house party. Nasanay na kasi siyang laging inaalalayan at sinasamahan ni Ansell kahit saan siya magpunta kaya pakiramdam niya para siyang nawawalang batang paslit sa lansangan `pag wala ito sa tabi niya. Pero dahil naka-oo na siya kay Xyrille kaya napilitan siyang mauna na lang nang mag-isa.     Saglit pa silang nagkwentuhan ng birthday girl. Pinakilala siya nito sa mga kaibigan nito from outside of their university. Maya-maya pa at nagpaalam itong kukuha lang ng drinks.     Muling sinubukan ni Lexine na tawagan si Ansell pero nabigo pa rin siyang makausap ito. “Bakit kaya `di sinasagot ng unggoy na `to ang tawag ko? Siguro nang-chiks na naman. Naku, Ansell. Lagot ka talaga sa’kin mamaya,” bulong niya at nanggigigil na pinatay ang tawag.     May isang grupo ng apat na kalalakihan ang lumapit kay Lexine. Nakasuot ng maskara ang mga ito. “Hi, Lexine. It’s me, Cristoff.” Ang lalaking nasa gitna na may dark-blue mask ang unang nagsalita. Hinubad nito ang maskara. He has dark eyes, a big pointed nose, and a charming smile. Lexine’s eyebrows lifted. She remembers him now. He’s the captain of the basketball varsity team.     “Oh, hi.” Alanganin siyang ngumiti rito.     “A beautiful girl like you shouldn’t be left alone in this kind of party.” Malagkit na tumitig sa kanya si Cristoff mula ulo haggang paa. “Marami ang loko-loko riyan sa tabi. Lalo na `pag under influence of alcohol.”     “Kumuha lang ng drinks si Xyrille,” paliwanag niya. Panay ang paglikot ng mata niya sa paligid.     Sinubukan pa nitong tanungin siya ng kung ano-ano. Madami itong komento tungkol sa party. Niyabang pa nito na kakilala nito ang event organizer na kinuha ni Xyrille. Lexine tried to sound nice and casual kahit ang totoo ay kanina pa nangangati ang mga paa niya na umalis at hanapin si Xyrille.     Marahil napansin ng mga ito na hindi siya interesadong makipag-usap. Mas dumikit pa si Cristoff sa kanya. “Hindi mo ata kasama `yung body guard mo?”     Tumawa nang malakas ang mga kaibigan nito. Kung iyon ang way nito para makuha ang buong atensyon niya ay nagtagumpay ito. Naningkit ang mga mata ni Lexine.     “Kulang na lang kay Ansell buntot, eh. Parang aso na susunod-sunod kay Lexine,” dugtong pa ng isang kasama nito na nagpakilalang, Jacko. Humahapit ang malalaking braso nito sa suot na white tuxedo.     “Mas bagay na tawagin siyang K-9! Body guard na aso pa! Arf! Arf! Arf!” sabat ni Trevor na tadtad ng piercing sa tenga, ilong at labi. Mas lalong lumakas ang tawanan ng magkakaibigan.     Mabilis na umakyat ang dugo ni Lexine sa ulo niya. Hindi na siya nakapagtimpi pa. Taas noong hinarap niya ang mga ito. “I don’t like to stoop down my level with assholes like you, but I won’t tolerate your rudeness either. So would you and your barking friends please stop insulting, Ansell? Hindi kayo nakakatuwa.”     Natigil sa pagtatawanan ang mga ito. Sumipol si Jacko habang gumapang ang titig ni Cristoff sa kanya mula ulo hanggang paa. Tinaas nito ang dalawang kamay na tila sumusuko sa pulis habang `di pa rin nawawala ang nakaiinsultong ngiti sa labi nito. “Sorry, me and my bad mouth. Blame it on the alcohol.” Kumibit balikat ito at pinakita sa kanya ang hawak na beer cup.     Bumuntong-hininga na lang si Lexine at binigyan ang apat ng lalaki ng nakahihiwang tingin. If looks can only kill ay nachop-chop na niya ang mga ito. Useless lang na patulan niya pa ang mga ito. Humakbang na siya paalis pero may nakalimutan siyang sabihin kaya muli siyang bumalik.     “And FYI. Hindi aso si Ansell. Nakakahiya naman sa mga katulad niyong mukhang bulldog!”       ----------       TAHIMIK na pinagmamasdan ni Cristoff si Lexine nang naglakad ito palayo. Hindi niya maalis ang malisyosong ngiti sa labi. Lexine is one of the most popular girls on their campus. She’s the ultimate fantasy of any man. Unfortunately, laging nakabakod ang kaibigan nito kaya mahirap malapitan ang dalaga. But not him because he always gets what he wants. And tonight, he wants Lexine.     “Whew! Taray nun pre, ah!” komento ni Luis sa gilid niya.     “Parang bubuga nang apoy!” dugtong ni Trevor. Nagtawanan ang mga ito.     “Pero chix talaga ni Lexine, dude. She’s too hot just to be single. Check out her curves, Neneng B ang katawan,” saad ni Jacko habang gumuguhit ng hugis bote sa hangin gamit ang dalawang palad nito.     “BOOOM!” sabay-sabay na sigaw ng tatlo.     Ngumisi si Cristoff at sumimsim ng beer. Mainit ang titig niya sa buong katawan ni Lexine. Ngayon gabi, mangyayari lahat ng kanyang mga plano. Tonight is the best time for it.     “`Yan ang tipo ko, pre. Palaban.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD