Chapter Six

2502 Words
    Disclaimer: This chapter contains explicit content not suitable for young readers. [R-18]     TILA HINAHABOL ng demonyo na tumakbo si Ansell papasok sa loob ng party. Sinusubukan niyang tawagan si Lexine pero dahil congested ang buong lugar ay hirap siyang ma-contact ang cellphone nito. Na-hassle siya kanina, paalis pa lang siya ng condo nang biglang dumating si Jessie na lasing at umiiyak. Kinailangan niya pang asikasuhin ang babae at ihatid sa bahay nito. Kinausap na niya ito no’ng nakaraan na tapos na sila at wala ng pag-asang magkabalikan pa pero talagang hindi ito maka-move on sa kanya.     He felt bad for her though dahil alam niyang nasaktan niya ito. Okay naman sana si Jessie nung unang tatlong buwan pero nang magsimula na itong away-awayin siya dahil sa pagseselos nito kay Lexine ay dun na siya nagsimulang mawalan ng gana.     That’s exactly what he doesn’t like with most of the girls he meets; they’re all clingy and needy. Halos lahat ng ex at mga na-idate niya ay nagseselos sa kanyang best friend. Hindi naman na siya magtataka dahil sa closeness nilang dalawa. Lalo na’t maganda, matalino at talented si Lexine.     But those girls can’t understand his rules. When it comes to Lexine, they’re not allowed to complain. So what if he’s willing to ditch his scheduled dates to meet his best friend? So what kung isang tawag lang nito ay nag-aapura siyang puntahan ito? So what kung mas priority niya si Lexine higit kanino man? They’ve been friends since grade school. Natural na mas matimbang ang samahan nila sa kahit kaninong babae.     Halos magkandahaba nang leeg ni Ansell kakahanap sa kaibigan. Hindi na mahulugan ng karayom ang loob ng buong property sa dami ng tao. Pawis, malagkit, amoy alak at sigarilyo nang bawat taong nakasasalubong niya. Natanaw niya si Xyrille sa gitna ng sala habang panay ang talon at sayaw nito. Agad siyang nakipagsiksikan at nilapitan ito.     “Where’s Lexine?!” sigaw niya. Nilalamon ng malakas sound system ang boses niya.     Humarap si Xyrille at nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. “Oh! Ansell, you’re late! Kanina ka pa hinahanap ni Lexi. I don’t know where she is. Iniwan ko lang siya kanina sa pool but she was gone when I came back.”     Nagkamot siya ng ulo at mabigat na bumungtong hininga. “Okay, thanks. I’ll just find her.”     Nakipagsisikan uli si Ansell sa mga tao hanggang sa makarating siya ng kitchen area. Kumuha muna siya ng beer sa fridge at inisang tunga `yon. Marami pa siyang nakasalubong na mga babae na sinusubukan siyang landiin. But he can’t enjoy the night without knowing where the hell she is. He’s deadly worried.     Ansell tried calling Lexine again but he still failed. Lumabas siya ng garden at naghanap ng signal. Napadpad siya sa pinakalikuran parte ng mansion kung saan walang masyadong bisita. “Come on, pick up the phone, Lexi. Where the hell are you?”     Isang mabigat na bagay ang pumukpok sa batok ni Ansell dahilan upang masubsob siya sa damuhan. Dalawang kamay ang agad humawak sa magkabila niyang braso at kinaladkad siya sa likurang parte ng garden. Napaungol siya. Pumailanlang ang malakas na tawanan ng mga lalaki. Tinago siya ng mga ito sa likuran ng mga halaman.     “Nasaan nang yabang mo ngayon, Ansell?”     Pinilit ni Ansell na idilat ang mga mata. Naaninag niya ang mukha ni Cristoff. Nagtigas ang bagang niya. Nanggigigil siya sa galit pero unti-unti ng nilalamon ng dilim ang diwa niya.     Dumating si Jacko. “Pre, nainom na ni Lexine. Mukhang umepekto na.”     Agad nanlamig ang pakiramdam ni Ansell. Lexine! No! He needs to protect her! But he can’t move his limbs. Mas lumaki ang ngiti ni Cristoff. Dinuraan siya nito bago naglakad paalis kasama ang mga kaibigan nito.     “Lexine,” Ansell weakly whispered as the darkness finally swallowed him.       ----------       NAG-EEKIS ang mga binti na naglakad si Lexine papasok sa loob ng mansion. Nanunuyot ang lalamunan niya habang umiikot ang kanyang paligid. She checked her iPhone at napamura nang makitang na-lowbat `yon. Paano niya pa ma-cocontact si Ansell o kaya si Manong Ben? Gusto na niyang umuwi. Hindi na maganda ang kanyang pakiramdam.     Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa napadpad siya sa malawak na living room. Una niyang napansin ang mga kalalakihan na tumatalon sa ibabaw ng malaking sofa. Isa sa mga ito ang nakahubad at tanging pulang boxer ang suot habang sumasayaw na parang bulateng sinabuyan ng asin. Nahirapan siyang makadaan sa dagat ng mga pawis at malalagkit na katawan. Puro umuugang pwet at dede ang nakikita niya habang hiyaw naman ng hiyaw ang mga kalalakihan na parang mga hayop na nakawala sa Manila Zoo.     After like forever, sa wakas at nakalagpas siya ng sala. Nanunuyot ang lalamunan niya. Nanlalamig ang palad niya at naninigas ang bagang niya na para bang naghahanap ang kanyang ngipin ng bagay na ngunguyain. She doesn’t like this feeling. What’s happening to her?     May nakasalubong si Lexine na isang babae at agad siyang nagtanong kung saan ang kusina. Tumuro ito pakaliwa. Sinundan niya iyon. Nakarating siya ng kitchen ngunit agad din natigilan nang bumungad sa kanya ang isang couple na nakatayo sa harap ng lababo at naghahalikan. Tila walang pakielam ang dalawa sa mundo at kulang na lang ay kainin nang nguso ng isa’t isa. Sa paanan ng mga ito nakahandusay ang isang matabang lalaki habang naliligo sa sarili nitong suka. He probably had the best night of his life that he would never forget.     Lexine sighed and rolled her eyes. Forget about the water! She just wanted to get out of this chaos. Naghanap siya ng pwestong malayo sa riot. Dinala siya ng mga paa sa paananan ng malaking hagdanan. Lumindol ang kanyang paningin at napasandal sa pader. May isang braso ang pumulupot sa kanyang bewang. Nag-angat siya ng ulo. Blurry ang kanyang paningin but the guy looks familiar.     “Hey, lasing ka na.” She knows that voice. Lexine squinted her eyes, and her vision slowly cleared. It’s Cristoff.     She weakly whispered, “I… want to take a rest.”     “There’s a vacant room upstairs. You can rest there.” Inalalayan siya ni Cristoff at dinala sa loob ng bakanteng kwarto. Naramdaman ni Lexine ang paglapat ng likuran sa malambot na kutson. She felt relief. Sa wakas at makakapagpahinga na siya.     Sumarado ang pinto at nalusaw ang ingay mula sa labas. Mabibigat na yabag ang sunud niyang narinig. Pagdilat niya ng mata, bukod kay Cristoff ay naroon din ang mga kaibigan nito. Para siyang nabuhusan ng isang timba ng tubig. Agad bumangon si Lexine pero may kirot na mabilis tumusok sa kanyang sintido dahilan upang muli siyang mapaupo.     “Shhh.” Tinakpan agad ni Cristoff ang kanyang bibig. “Relax ka lang, in a few minutes, manghihina nang buong katawan mo. If I were you, just lay back and enjoy yourself.”     Shiver gripped her spine as fear pounded her chest like a brisk drumbeat. Tinulak siya ni Cristoff sa kama at mabilis na pinaibabawan. Sumigaw siya ng tulong pero mahinang tunog lang ang lumalabas mula sa kanyang bibig. Ramdam niya ang bigat nito sa kanyang ibabaw at nahihirapan siyang makagalaw.     Pinagtatagpi-tagpi ni Lexine ang mga nangyari. She remembered just half hour ago when Jacko stood beside her and chatted with their group. Bigla na lang siya nitong binangga at natapon ang iniinom niyang beer. He offered his drink in exchange. Tinanggap naman niya `yon at hindi niya naisip na may plano pala ang mga ito sa kanya. She got drugged!     “H-hayop ka.” Nagkiskis ang kanyang ngipin.     “Sorry ka na lang, Lexine. Malaki atraso sa’kin ng mayabang mong kaibigan. Sinulot sa’kin ni Ansell si Jessie. Pwes, aangkinin din kita.”     “What? Ex mo si Jessie?” She doesn’t know about that.     “Oo! Five f*cking years! Tinapon niya ang limang taon namin para lang ano? Para lumandi sa tarantado mong kaibigan? And look what happened? He broke up with her and threw her like a f*cking trash!” Sumiklab ang apoy sa mga mata ni Cristoff. “An eye for an eye. Sinaktan niya si Jessie. Then I’d make sure to give him back what he did to her.”     Hinablot nito ang suot niyang dress, napasinghap siya nang malakas. Humalik ang hangin sa  dibdib niya. “No! Please, stop!”     “No, no, no babe. I won’t stop, nagsisimula pa lang tayo.” Sinimulang halikan ni Cristoff ang tenga at leeg niya. Impit siyang tumili. Nandidiri siya rito. Kahit anung gawin niyang pag-iwas ng mukha ay inaabot pa rin siya ng malagkit nitong halik. Hindi na maramdaman ni Lexine ang mga kalamnan at kahit simpleng pagsigaw ay nahihirapan siya; namamanhid maging dila niya. Patuloy na umiikot ang kanyang buong mundo. Wala siyang magawa kundi ang umiyak.     Lumapit na rin ang tatlong binata. Nagsimula nang maghubad ang mga ito. Umalingawngaw sa buong silid ang nakakikilabot na tawanan. Tahimik na nanalangin si Lexine sa Diyos na sana ay magpadala ito ng taong sasagip sa kanya.     Somebody, please help me!       ----------       ISANG MALAKAS na kalabog ang nagpatigil sa apat na lalaki. Sabay-sabay na pumihit ang ulo ng mga ito sa pinanggalingan niyon. Nawasak ang pintuan na diretsong bumagsak sa sahig. Sa likod niyon nakatayo ang isang matangkad na binata na may suot na itim na eye mask.     “What the—hey, you! Get out! `Wag kang makialam dito!” lukot ang mukha na sigaw ni Cristoff.     “I’m bored outside, mukhang mas masaya rito,” nakangisi niyang sagot. He crossed his arms and settled his back on the door frame. His face was a canvas of a lazy Sunday afternoon.     Nagtigas ang bagang ni Cristoff. Gamit ang tingin ay mabilis nitong sinenyasan ang mga kaibigan na agad naman sumugod sa estrangherong binata. Mabilis ang sumunod na kaganapan. Kasing tulin ng hangin na naiwasan niya ang bawat suntok at sipa na pinapakawalan ng tatlong lalaki. Nagtapon ng suntok si Trevor na agad niyang nahuli, pinilipit niya ang braso nito.     “AAAAHHHH!” hiyaw ni Trevor. Sinipa niya ito sa tagiliran. Agad tumilapon si Trevor palabas ng pinto. Diretso itong nahulog sa first floor. Umugong ang malakas na hiyawan ng mga bisita mula sa labas.     Halos malaglag ang buong panga ni Cristoff sa sahig. Tumaas ang sulok ng bibig ng estrangherong binata. Ginalaw-galaw niya ang hintuturo at ini-enganyong sumugod ang dalawa pang natitira. Dali-daling sumugod si Luis mula sa likuran at sinakal siya gamit ang dalawang braso nito. Para itong unggoy na lumingkis sa sanga ng puno. Hinablot niya ang buhok ni Luis at hinagis ito palayo na parang nagpasa lang siya ng ballpen. Tumama si Luis sa isang cabinet na nasa gilid ng kwarto; nawasak iyon, diretso itong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.     Ang natitirang si Jacko ay dumampot ng nakakalat na baseball bat sa korner ng silid. “T*ngina ka!” Sunud-sunud nitong hinumpas ang hawak na armas. Pero tila nakikipaglaro lang siya ng patintero habang umiiwas sa bawat sugod at pag-atake ng huli.     Inangat ng estrangherong binata ang kaliwang kamay niya na binabalot ng asul na liwanag. Agad na-paralyze si Jacko. `Di nagtagal at nangisay ang buong katawan nito. He slowly closed his palm as if he’s squishing a sponge and the tiny veins in Jacko’s face popped out. Jacko’s eyes rolled up until his pupils disappeared. The stranger tilted his face to the side as he enjoyed the view in front of him. The visible pain in Jacko’s face excites him as though he’s watching his favorite NBA game.     Hinumpas pakaliwa ng binata ang umiilaw niyang palad at isang malakas na invisible force ang humagis kay Jacko patungo sa pader. Diri-diretso itong lumusot sa kabilang kwarto.     Kumaripas nang takbo si Cristoff patungo sa sulok ng silid. “Please! Please, man. Have mercy on me! Hindi ako lalaban,” pagsusumamo nito na halos lumuhod sa kanyang harapan.     The stranger’s lips stretched to a sort of smile that has placed everyone in the pits of hell. Mercy? That word didn’t belong to his dictionary. Hinablot niya ang kwelyo ng damit ni Cristoff at malakas itong binalibag sa pader. Umangat ang mga paa nito mula sa sahig. Nilapit ng binata ang mukha rito. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ni Cristoff. I-ni-scan niya ang mukha nito sa face ID, na-unlock ang screen at agad niyang pinindot ang f******k app.     “What the hell, man!”     “Shut up or I’d crush your goddamn balls,” nanggigigil niyang turan. Walang nagawa si Cristoff kundi ang manahimik. Ipinagpatuloy ng binata ang pagdutdot sa screen. Nang makita ang hinahanap ay napangisi siya nang malaki. Tinapat niya ang front camera sa mukha ni Cristoff. He turned on his f******k live. Now everyone in the party is watching.     “Tell everyone how tiny is your f*****g d*ck.”     Halos lumuwa ang mga mata ni Cristoff at panay ang pag-iling. Binalibag niya ito sa pader at halos umiyak na ito sa panlulumo. “You’ll open your mouth or I’ll cut your stupid d*ck into pieces and make you chew it. Choose.” Mabilis ang pag-iling nito. “Now. Talk.”     Labag man sa loob ay humarap si Cristoff sa camera at nagsimulang magsalita. “M-my... my... d-di—”     Muli niya itong dinikdik sa pader. “My d-d*ck is... s-small.”     “Tell them na kasing liit ng vienna sausage.”     “Huh?”     “Tell them,” mariin niyang ulit.     “My d*ck is small. Kasing liit ng v-vienna sausage.”     “Now tell them that you’re a rapist.”     “I’m a r-rapist.” Nagsimula na itong humagulgol.     “Good, boy.” Marahan niya itong tinampal ng dalawang beses sa pisngi. Hinagis niya ang cellphone nito at inilapit ang nagdidilim na mukha kay Cristoff. Tama nang laro. It’s time for the real punishment. “Do you know what pisses me off the most aside from a boy with a d*ck as tiny as his brain?”     Mabilis na umiling si Cristoff. Naliligo na `to sa pawis at nilubayan nang kulay ang mukha nito. Kulang na lang ay maihi na ito sa salawal. Muli niya itong binalibag nang malakas sa pader; nag-crack iyon.     “I don’t like anyone touching what’s mine.” He gritted his teeth. “You messed up with the wrong girl, kid. Now you need to pay,” he growled like a monster.     Walang pagdadalawang isip na hinagis niya si Cristoff sa labas ng bintana. Sumigaw ito hanggang sa bumagsak ang katawan nito sa swimming pool. Napuno ang buong lugar ng iyak at sigawan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD