Chapter Seven

3122 Words
    HINDI MAKAPANIWALA si Lexine sa mga karumal-dumal na bagay na kanyang nasaksihan. Everything happened so fast her mind wasn’t able to follow. Lumilipad ang mga katawan, walang tigil na sigawan, nabasag ang salamin at lumiliwanag na kamay. Ngunit hindi siya sigurado kung totoo ba ang lahat ng iyon o dulot lang ng droga. Is she hallucinating?     Hindi niya alam kung ligtas na ba siya dahil sa biglang pagdating ng lalaking naka-itim na maskara, bagkus, mas lalong gumapang ang matinding kilabot sa buo niyang katawan.     Pumihit ang estranghero sa kanyang direksyon. “Don’t you d-dare touch me,” aniya sa nanginginig na boses.     Bigla tuloy nawala ang lahat ng hilo niya at tuluyang naggising. Daig niya pa ang nag-dive sa dagat ng Antarctica sa walang tigil na panginginig ng kanyang katawan. Siniksik niya ang sarili sa ilalim ng kumot habang pilit na itinatago ang kahubaran.     “Is that what I’d get after saving you, cupcake? What a nice way of saying thank you.”     Mas dinikit ni Lexine ang likuran sa headboard ng kama. “Don’t call me cupcake, and don’t get near me you freak!” Hindi niya alam kung saan pa siya humuhugot ng lakas ng loob sa kabila ng matinding takot na nararamdaman.     The stranger chuckled as though her hateful words were amusing. “Freak? Such a nice endearment.”     Sa isang kurap ay nasa harapan na ni Lexine ang binata. Lumindol ang buong kama. Pinagigitnaan siya ng dalawang braso nito. Napigil niya ang paghinga. Ramdam ni Lexine ang tila nagbabagang apoy na hininga nito na humahalik sa balat ng kanyang mukha. Gumapang ang init niyon hanggang sa dulo ng mga daliri niya sa paa. Bahagya pang tinagilid ng estranghero ang ulo nito na tila ba isa siyang abstract painting na kinahuhumalingan nitong pagmasdan.     “You grew a lot.” His deep voice sounded like a whisper of a provoking sin.     A pair of brown eyes—like two alluring orbs—lingered on hers and made her entire body feel fervent. It was beautiful, but at the same time, it shows a sort of threat that you should never dare to provoke. The stranger’s eyes felt inexplicably familiar to her.     He lowered his hot gaze on her trembling lips and traces them with his thumb. He does it extremely slowly—as if he has all the time in the world—without taking his eyes off her flushing face. Lexine caught her breath. Electricity suddenly crawled from her scalp to the tips of her toes. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa kabila ng takot na nararamdaman niya sa kaharap ay nagagawa pa talagang maging abnormal ng katawan niya.     Mabilis na pinasadahan ni Lexine ng tingin ang kabuuan nito. Kahit nakatago ang mukha ng binata dahil sa maskara, hindi `yon nakabawas sa kakisigan nito. Maputi at makinis ang balat nito kahit pa tadtad `yon ng tattoos; meron ito sa leeg, dibdib at braso. Ngayon lang siya nakakita ng ganoon uri ng mga simbolo. They’re all dark cursive lines, stars, triangles, eyes, and odd figures that she can’t understand.     Hindi rin maitatago ang napaka-leaned nitong muscles. Tama lang ang hubog ng biceps nito habang may maliliit na mga ugat ang lumilitaw sa magkabila nitong braso. It made him more appealing and annoyingly sexy. Higit sa lahat, kikilabutan ka nang husto sa kung paano tumitig ang tsokolate nitong mga mata. `Yong klase ng titig na para kang hinuhubaran pero magugustuhan mo rin naman.     This guy is unbelievably hot! Pinilig niya ang ulo. Lexine, stay sane. He’s obviously dangerous. Ayusin mo ang sarili mo bruha ka!     Lexine hardly swallowed and asked in a weak voice, “Who are you?”     Ngumuso ang binata. “Ang bilis mo naman makalimot, nakakatampo.”     Hindi napigilan ni Lexine ang sarili na pagmasdan naman ang labi nito. Natural na mapupula iyon, mukha ring malambot. Gusto na talaga niyang iuntog ang ulo sa pader `pag hindi pa siya tumigil sa mga kagagahang naiisip niya.     Oh God! Ganito ba maging sabog? Nakaka... horny? Nanuyot ang lalamunan niya.     “After all that we’ve shared that night, basta-basta mo na lang `ko kakalimutan? I didn’t know you’re a heartbreaker.”     Nagsalubong ang mga kilay niya. “I don’t know what the hell you’re talking about.”     Magaan na pinadausdos ng binata ang likod ng dalawang daliri nito sa pisngi ni Lexine, sumunod sa baba niya. Muling dumaloy ang bolta-boltaheng kuryente sa buong katawan niya. Daig pa ata ng lalaking ito ang Meralco!     “The kiss we’ve shared... it’s my most unforgettable kiss my sweet little cupcake.” Mula sa baba niya gumapang ang daliri nito sa kanyang leeg, dahan-dahan pababa sa kanyang dibdib. He touched the scar on her upper right chest––the mark she got when she’s sixteen. Biglang napaso si Lexine. Napasinghap siya nang malakas. What the hell was that?     Hinawi ng binata ang mga nakakalat na hibla ng buhok sa kanyang mukha. “I’m here for my price.”     Nilapit nito ang bibig sa kanyang noo at nag-iwan roon ng isang halik na kasing gaan ng alikabok. Lexine closed her eyes as the feeling of his lips lingered on her skin like a drop of wax from the melted candle. Literal na tumigil sa pagtibok ang kanyang puso.     Pinagdikit nito ang kanilang noo. “I’ll see you again.”     Pagdilat ni Lexine ay nawala nang estranghero. Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Kanina niya pa pinipigilan ang hangin sa dibdib.     Anung nangyari? Bakit ganun na lang ang epekto ng lalaking `yun sa’kin? At anung kiss ang pinagsasabi niya?     What the freaking hell is going on!?     Pumailanlang ang mabibigat at nagmamadaling mga yabag. Naalertong siniksik ni Lexine ang sarili sa ilalim ng kumot at tumingin sa sirang pintuan. Humihingal na pumasok sa loob ng kwarto si Ansell. Nanlaki ang mga mata nito nang masilayan ang kanyang itsura. “Alexine!”     Mabilis na dumalo sa kanya ang kaibigan at agad niya itong sinalubong ng mahigpit na yakap. Saka niya lang nagawang ilabas ang mga luhang kanina niya pa gustong pakawalan.     “Narito na `ko, Alexine. Patawad at nahuli ako ng pagdating.”     Mas hinigpitan ni Lexine ang kapit sa leeg nito at mariing pumikit. Pansamantala ay nakaramdam siya ng kaligtasan sa mga bisig nito.       ----------       NAGING TAHIMIK ang buong byahe nila pauwi. Umalis agad sila sa mansion ng mga Dominguez matapos ang insidente. Wala namang namatay sa apat na binatang nagtangka ng masama sa kanya maliban sa mga sugat at bali sa buto. Samantala, kritikal naman ang kalagayan ni Cristoff dahil sa taas ng naging pagbagsak nito. Galit si Lexine sa ginawa ng mga ito at sisiguraduhin niyang mananagot ang mga ito sa batas. You cannot mess up a Vondeviejo and she will use all their family’s power to put them behind bars.     Humingi naman ng paumanhin sa kanya si Xyrille. Lahat ng tao ay nasa kanya ang simpatya lalo na’t napanuod ng karamihan ang f******k live ni Cristoff. Naging usap-usapan din kung sino ang misteryosong lalaking nagligtas sa kanya. Hindi na muli pa nagpakita ang binatang nakamaskara at `di rin siya sigurado kung nais niya pa `tong makita.     Ang mga titig nito, ang boses at ang kakaibang pakiramdam na dulot ng pagdampi ng mga daliri nito sa kanyang labi at peklat sa dibdib. Hindi niya `yun basta makakalimutan. Pakiramdam niya dumikit at nag-iwan `yon ng matinding marka sa kanyang balat. Hindi na mapaliwanag ni Lexine kung ano ba `tong nangyayari sa kanya. Bakit pakiramdam niya pamilyar ang lalaking `yun? Bakit tila may `di maipaliwanag na koneksyon ang humahatak sa kanya sa estranghero?     Muling sumiksik sa kanyang isipan ang tungkol sa lalaking nagtatago sa itim na hood na palagi niyang nakikita. Bakit malakas ang kutob niya na iisang tao lang sila? Maraming katanungan ang tumatakbo sa kanyang isipan pero wala ni isa siyang makuhang sagot.     “`Yung tungkol sa lalaking nagligtas sa `yo, sabi mo nakamaskara siya. Anung ginawa niya sa `yo, Alexine? Sinaktan ka ba niya?”     Naputol ang malalim niyang iniisip nang magsalita si Ansell. Kasalukuyan itong nagmamaneho pauwi. Nagsalubong ang kilay niya. Kanina niya pa nahahalata na parang may kakaiba rito. Hindi niya maipaliwanang pero tila may mali sa mga kinikilos ni Ansell. Most especially the way he speaks; he seems like a different person. Isa pa sa pinagtataka niya ay kung bakit siya nito tinatawag sa buong pangalan niya, which is a very seldom act of him.     “Hindi naman niya `ko sinaktan,” sagot niya pagkuwan. Huminto ang sasakyan sa tapat ng kanilang mansion. Nakauwi na pala sila. Hindi man lang niya namalayan.     Tinanggal ni Lexine ang seatbelt. “Thank you sa paghatid, Ansell. Goodnight.” Hinawakan niya ang door handle nang biglang kumapit ito sa braso niya. Natigilan siya. Seryoso ang mukha nito.     “Alexine, pakiusap mag-iingat ka. Lalo na sa lalaking `yun. Kung sino man siya ay hindi ka ligtas sa kanya.”     Bakit ba lahat na lang ng sinasabi ng mga tao sa paligid niya ay hindi niya maintindihan?     “Ano ba’ng sinasabi mo? Do you know that guy?”     Natigilan ito. Malalim itong nag-isip at mabigat na bumuntong-hininga. “Basta, makinig ka lamang sa’kin. Sa sandaling magpakita ulit sa’yo ang lalaking `yun, layuan mo agad siya.”     Masyado ng maraming nangyari ngayong araw at pagod na pagod na siya para mag-isip pa. Ang gusto na lang niya ay matulog at magpahinga.     She sighed. “Okay fine, I need to rest. I’ll see you tommorow at school.” Hinalikan niya ang kaibigan sa pisngi at bigla na lang itong nanigas sa kinauupan. Napakunot ang kanyang noo. Madalas naman niyang halikan si Ansell sa cheeks so bakit bigla na lang itong naging awkward? At teka, parang may kakaiba sa amoy nito. “Nag-change ka ba ng perfume mo?”     Nagtataka na talaga si Lexine sa kinikilos ni Ansell. Para itong nakakita ng multo sa pamumutla ng mukha nito. Medyo naiilang na siya kaya nagmadali na siyang bumaba ng kotse. Pinagkibit balikat na lang niya ang lahat at napapagod na ang utak niya. Nang makapasok sa loob ng mansion ay muli niyang nilingon si Ansell. Tulala pa din ito habang hawak ang pisngi.     So weird.       ----------       ISANG PULONG ng mga tao ang nag-uusisa sa gitna ng kalsada sa kahabaan ng Makati Avenue. Panay ang pag-flash ng camera ng cellphone ng mga ito. May ngilan-ngilan ang kumukuha ng selfie o kaya nagpu-post ng stories sa social-media accounts. Samantala, naka-ready nang ambulansya sa tabi ng pinangyarihang aksidente habang abala ang mga pulis sa pag-iimbestiga sa nangyari. Isang binatilyo ang nakaratay sa malamig na sahig habang naliligo sa dugo. Na hit and run ito. Dead on the spot.     Mula sa tuktok ng mataas na building na kanyang kinauupuan malinaw niyang natatanaw ang lahat ng kaguluhang nangyayari sa ibaba. Nililipad ng malakas na ihip ng hangin ang suot niyang itim na hood habang abala naman ang isa niyang kamay sa paglalaro ng pulang mansanas. Hinagis-hagis niya `yun na tila bolang nilalaro.     “Isang kaluluwa na naman ang kailangan nating sunduin, Master. Sariwa at birhen ang kaluluwa ng batang nilalang.”     Lumingon ang binata sa anino na lumulutang sa kanyang tabi. Nakasuot ito ng mahabang itim na balabal na tumatakip sa mukha at buong katawan nito. Ang color purple nitong mga mata—na maihahantulad sa nanlilisik na mata ng hayop na nagtatago sa dilim—ang tanging masisilayan. Habang ang bawat paggalaw nito ay nag-iiwan ng itim na usok sa hangin.     “Martin Hernandez, born on July 12, 1997. Died today, January 23, 2017. Cause of death: accident. The boy worked as a bartender and he was the breadwinner of his family,” aniya habang hindi inaalis ang tingin sa kaguluhan.     Bilang isang Tagasundo nakikita niya ang eksaktong panahon kung kailan mamamatay ang isang tao. Bawat detalye ng magiging kamatayan nito: saan, kailan at paano. It’s his foremost responsibility to guide the spirits until they reached the boundary between the world of the living and the world of the dead.     “Humans are emotional souls, Ira. They’re all a bunch of stupid mammals, running and walking around without thoroughly using their brains,” kinagatan niya ang mansanas, “Only the purest soul should enter the shitty paradise to say hello to their Papa and spend the rest of the afterlife smooching the ass of the old man. But unfortunately, nobody is pure anymore.” He chuckled while he savored the sweetness of the fruit on his mouth—as sweet as the promise of salvation.      Humalakhak ang tapat at kanang kamay niya na si Ira. Tila nanggagaling sa isang malalim na balon ang boses nito na sinusundan ng pag-echo.  “Ngunit walang makahihigit sa kaluluwa ng babaeng `yong kinahuhumalingan, napakalinis at puti, walang kahit anung bahid ng dumi at kasamaan. Sa tagal kong naglilingkod sa inyo ngayon lamang ako nakakita ng gano’n. Totoong nakakamangha ang taglay niyang kagandahan.”     Sang ayon ang binata sa sinabi ng kanyang anino. Matagal nang naninilbihan sa kanya si Ira. Sa pito niyang mga alipin ay ito ang pinakamaasahan. Walang kuwestiyon din ang katapatan nito.     May limang taon na rin ang lumipas simula nang binali niya ang isang mahigpit na patakaran upang bigyan si Lexine ng pangalawang pagkakataong mabuhay. Breaking the rule for one precious soul was a big risk that he took. Pero malakas ang kutob niya na may kakaiba sa babaeng iyon. Sa tagal ng panahon niya bilang Tagasundo ay ngayon lang siya nakakita ng gano’ng klase ng kaluluwa.     Noong gabi na iniligtas niya si Lexine ay agad na niyang napansin na may espesyal sa dalaga. Hindi ito katulad ng mga ordinaryong soul na araw-araw niyang nakikita, sinusundo at nakakasalamuha. Kaya naman mas lalong lumaki ang interes niya rito. Aalamin niya kung ano ang hiwagang nababalot sa babae. Bukod pa dun ay mayroon siyang hindi maipaliwanag na nararamdamang kakaibang kaugnayan kay Lexine.     There’s something with that girl that he couldn’t explain. He just found himself mindlessly following her since the night he had kissed her. Lexine is like a drug that he couldn’t resist. For the last years, he has been secretly watching her from the shadows. He admits that Lexine is the most beautiful woman he has ever seen. And he’s just merely waiting for the perfect moment to get his precious price.     Ang halik na ibinigay niya kay Lexine ang tanging bagay na nag-uugnay ng kaluluwa nito sa kanyang mga palad. She’s still in this world because of the curse that he has put on her. Ngayon lang siya nagkaroon ng labis na paghahangad sa isang nilalang sa lupa. Hinding-hindi siya papayag na mapunta sa wala ang lahat ng kanyang pinaghirapan dahil sisiguraduhin niyang sa mga kamay niya ito babagsak.     Grim Reaper couldn’t wait to reveal every layer of her mysteries; mind, body, and soul. Lexine is his most anticipated present, save for the last and wrapped in beauty and grace. Ready for him—only for him.     “Anung plano mo para sa moral, Master? Hindi ka na niya naalala,” tanong ni Ira. Sinadya niyang tanggalin ang memorya ni Lexine no’ng gabi na una silang nagkita. Besides, he always likes to play games with humans. Seeing how scared and frustrated she is ay mas lalo siyang naaaliw at nalilibang. She’s so cute when she’s terrified like a crying unicorn, isn’t she just lovely?     “Living for hundred of years is pretty tedious, Ira. She’d keep me entertained.”     “Kailan mo babawiin ang kanyang kaluluwa, Master? Kakaiba ang angkin taglay ng mortal. Tiyak na makapagbigay siya sa’yo ng karagdagang kapangyarihan.”     Hinagis niya uli ang hawak na mansanas at pagkasalo niyon ay muling kinagatan. “Not yet. I have other plans for the girl. I’m still enjoying my little toy. After all she’s mine so I can do anything I want with her.” Umalingangaw ang malamig na tawa ng anino. “Napaka tuso mo talaga, Master.”     Hmp, I just know how to play my game. Ngumisi ang binata at muling tinuon ang atensyon sa kaguluhan sa ibaba ng building. Tumayo siya at tinapon ang buto ng mansanas. Walang pag-aanlinlangan niyang tinalon ang hangganan ng rooftop at mabilis na nagpahulog. Sinalubong siya ng malakas na ihip ng hangin.     Kasing gaan ng papel na lumapag ang mga sapatos niya sa sementadong daan `tsaka dahan-dahang humakbang palapit sa nakaratay na katawan ni Martin. Nilagpasan niya ang mga taong nag-uusisa. He used his powers to hide from human eyes.     Nilapitan ng Tagasundo ang malamig na bangkay ng binatilyo. Hindi na niya naririnig ang pulso nito senyales na namatay nang katawang lupa nito. Tinapat niya ang kanang kamay sa dibdib ng bangkay at gamit ang hintuturo niya ay gumuhit siya ng triquetra symbol. Sa bawat guhit niyon ay umiilaw ang asul na liwanag.     “Śudhātman abhyāgata madrik,” he chant a spell using the oldest language. A thread of a blue flame blazed on the corpse’s chest. That’s his hellfire.     Ilang sandali pa at unti-unting bumangon ang kaluluwa nito. Pagkatapos ay tumayo ito at tuluyang humiwalay sa katawan.     Humarap sa kanya ang kaluluwa. Tama nga si Ira dahil malinis at sariwa ito. Martin’s soul is luminous as it emanates a bright light. It means that his spirit was not corrupted by evilness.  Ngumiti ang Tagasundo kay Martin. “Say goodbye to your world little buddy. It’s time for another ride.”       ----------     Anj Gee: This is the last FREE CHAPTER. Kung gusto niyo pong tulungan kumita ng pera si author Anj Gee ay maaari po kayong bumili ng coins. Mayroon din pong ways para makakuha ng FREE coins sa app. As you could see, mahahaba po ang chapters nito dahil mahaba rin ang takbo ng kwento. That's why there are chapters na mataas ang kailangan na coins. Mas makakatipid kayo kung bibilhin niyo siya ng buong story.      Pakiusap lang po na kung sakaling i-unlock niyo ang story na ito sa pamamagitan ng pagbabayad ng coins `wag niyong ibenta sa labas dahil una sa lahat wala akong ibang binibigyan ng permiso para ibenta ang story ko aside kay Dreame na pumirma ako ng kontrata. Kapag nahuli ko kayo, ha-huntingin ko talaga kayo at lagot kayo kay Grim Reaper!     That's all. Sana masarap ang ulam niyo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD