PAALALA: Ang susunud na mga kaganapan ay naglalaman ng karahasan. PAGSAPIT NG HAPON, nakigamit si Lexine ng laptop kay Sébastien. Agad niyang binuksan ang f*******: account dahil sigurado siyang pinaghahanap na siya ng mga tao sa Pilipinas. Dalawang araw na rin siyang hindi nakakauwi sa bansa. Pagbukas niya ng messenger ay halos napuno iyon ng mga missed call at messages galing kay Ansell, Belle, Xyrille at Ms. Garcia Una niyang binuksan ang messages ni Belle at mabilis na binalot ng lamig ang buo niyang katawan nang mabasa kung ano’ng chat nito. Belle: Lexi, where are you? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Belle: Hoy, bruha ka! Nag-aalala na ako sa `yo! Paano kita pagtatakpan kay sir Alejandro? Nakakaloka ka talagang babae ka nasaan ka na??? Belle: Lexi,

