BUONG PAG-IINGAT na binuhat ni Night ang lantang gulay na katawan ni Lexine. Nawalan ito ng malay. May isang malaking kamay ang pumipiga sa dibdib niya nang mga sandaling iyon habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos na nangyari sa dalaga. Tadtad ito ng sugat, bugbog ang mukha at buong katawan nito. Halos natatakpan ng dugo ang leeg at kalahati ng mukha nito. Matapos masigurong ligtas si Alejandro ay saka niya dinala si Lexine sa kwarto nito. Tinawag niya si Ira at inutusang pagalingin ang dalaga. Tahimik niya itong pinagmamasdan habang natutulog. Nanginginig pa rin ang bawat kalamnan niya sa katawan dahil sa matinding galit na nararamdaman. Ang makita ang babae na duguan at sugatan ay tila isang martilyo na paulit-ulit na pumupukpok sa kanyang dibdib. Tila ba bumalik siya noong una

