NANG MISMONG ARAW na `yon ay agad naghanda si Lexine para sa magiging biyahe nila papuntang Pampanga. Mahigpit niyang hinabilinan sila Belle at Rico na bantayan maigi ang kanyang lolo at agarang tumawag sa kanya sa oras na magkaroon ng problema. Nagtataka rin ang mga ito kung paano nasira ang bintana sa kwarto ni Alejandro. Nagdahilan na lang siya na malakas ang hangin kagabi dahil sa bagyo kaya’t isang malaking sanga ang nilipad ng hangin na tumama sa bintana at naging sanhi ng pagkasira niyon. Mukhang naniwala naman ang dalawa sa kwento niya. Habang naglalagay si Rico ng mga sa compartment, mabilis na hinigit ni Belle ang braso niya. “Uy, friend! Sino ang papables na `yan?” pasimpleng bulong nito habang tinitignan si Night nang buong lagkit mula ulo hanggang paa. Tahimik n

