PAALALA: Ang mga susunud na kagapanan ay naglalaman ng karahasan. NATULALA pa ng ilang segundo si Ansell matapos masaksihan ang lahat. Una, imposibleng isang tao ang lalaking kasama ni Lexine na ang pangalan ay Night dahil sa bilis at lakas nito, kaduda-duda na isa itong normal na nilalang. At pangalawa, anung klaseng halimaw ang nakita niyang lumilipad at dumukot sa best friend niya? Buti na lang at nagawa niya pang makagalaw kahit huli na. Nagmamadali niyang tinakbo ang sasakyan na naka-park hindi kalayuan at mabilis na pinaharurot ang sasakyan upang makahabol sa dalawa. Sa kalsada siya dumaan. Natatanaw niyang nakikipagpatintero ang lumilipad na halimaw sa mga puno sa masukal sa gubat habang nakasunod naman na humahabol si Night. Sino ba talaga ang lalaking `yon at ba

