KINUWENTO ni Lexine ang lahat kay Ansell. Mula sa nangyari sa kanya noong sixteenth birthday niya, ang kiss of death, ang pagkatao ni Night, si Cael at ang tungkulin nito; ang mga demon, ang sumpa kay Alejandro, si Madame Winona at ang mga sikreto sa pagkatao niya. Ilang minuto na natulala at hindi makasagot si Ansell na animo pi-na-process pa ng utak nito ang lahat ng narinig. Kasalakuyan silang nasa loob ng kwarto ni Alejandro. Nanatili pa rin itong natutulog sa kama na animo walang kababalaghan ang bumabalot sa katawan nito. Mabigat na bumuntong-hininga si Lexine sa tapat ng malaking picture frame na nakadisplay sa gitna ng dingding. `Yon ang kanilang family picture. Kasama ang kanyang Lolo, sina Leonna at Andrew. Baby pa siya sa picture na `yon. Kung pagmamasdan mabuti ay hind

