TUMILAPON na parang basahan ang lantang gulay na katawan ng ravenium demon. Diri-diretso itong tumama sa batong pader na naging sanhi ng pagkawasak niyon. Hindi pa man tuluyang nakababangon ang halimaw nang marinig nito ang papalapit na mga yabag. Nangingibabaw sa katahimikan ng paligid ang tunog ng takong ng sapatos na unti-unting lumalapit sa kawawang halimaw. Lalong nanginig ang ravenium. Lumuhod ang babae sa harapan nito. Mahigpit niyang sinakal ang leeg ng ravenium gamit ang isang kamay at walang kahirap-hirap itong binuhat. “Anung sinabi mo? Hinayaan niyong makatakas si Winona? Isa kang inutil!” Mabangis at nanlilisik ang kanyang mga mata. Nanggigigil na diniinan niya ang kapit sa leeg nito. “D-datemire K-kelemis, hirezi sazimo rara hanide kozilo kelesimi zhiha yok

