KAINITAN NA NG PARTY pagsapit ng alas-dose ng madaling araw. Sa kabila ng matinding traffic dahil sa walang tigil na pagdating ng mga tao at kakulangan sa parking space ay tuloy pa rin ang masayang gabi sa Poblacion, Makati. Makikita ang napakakulay na mga ilaw sa red dristict ng siyudad. Buhay na buhay ang buong street. Ang lugar na ito ang isa sa mga paboritong tambayan ng mga working millennial pagdating ng weekends. Dikit-dikit kasi ang mga naturang pubs, chill spots at restaurants. Lalakarin mo lang kung gusto mong mag-bar hopping. “ID po ma’am?” tanong ng matangkad na bouncer. Agad kinuha ni Lexine ang kanyang drivers license at pinakita iyon. Matapos i-check ang birthday niya at makumpirmang nasa legal age na siya upang mag-walwal ay nakangiti siyang pinapasok ng

