TAHIMIK na binabantayan ni Night si Lexine habang mahimbing itong natutulog sa kama. Nahimatay ito kanina matapos malaman ang totoo sa bibig ni Cael. Marahil hindi na nito kinaya ang lahat ng rebelasyon na natuklasan tungkol sa nakaraan at pagkatao nito. Maging siya ay nagulat din. He’d never thought that she’s a half-angel. Not only an ordinary one but a daughter of a very powerful Archangel. Kung kaya naman pala ganoon na lang ang labis na paghahangad ng mga demonyo kay Lexine dahil sigurado siyang nais gamitin ng mga kalaban ang espesyal na natutulog nitong kakayahan. Iyon ang bagay na hinding-hindi niya papayagan. Ngayon ay alam na niya kung ano ang tinatagong hiwaga ng pagkatao ni Lexine at kung bakit may kakaiba sa kaluluwa nito sa ibang mortal. That gives him more reas

