“SINO SI… DANIEL?” Agad nanigas si Cael sa kinatatayuan. Hindi nakaligtas sa mata ng ni Lexine ang naging reaksyon nito. Maigi siyang tumitig sa kanyang Tagabantay. “Cael, sino si Daniel?” mas madiin niyang tanong. Alam niya at nararamdaman niyang may nalalaman ito. Nagtigas ang bagang ng anghel. Humigpit ang dalawang kamao nito at mariing pumikit. Ilang ulit itong huminga nang malalim. Hindi na makapagtimpi pa si Lexine. Agad siyang tumayo at humawak sa magkabila nitong braso. Nakikiusap ang kanyang mga mata. “Alam kong may alam ka. I want to know everything. I deserve to know what really happened to my parents. I’m begging you, Cael. Please, tell me the truth.” Mabigat na lumunok si Cael at naghihirap na tumitig sa kanya. “Naabutan ko si Leonna nang hapon na umalis sila ng

