Chapter Nine

2478 Words

    UNTI-UNTING iminulat ni Lexine ang mabigat na mga talukap. Unang tumambad sa kanya ang mataas na kisame. Nakapapaso ang lamig na nanunuot sa kanyang likuran. Dahan-dahan siyang bumangon. Nilibot niya ang mata sa paligid. Sa gawing kanan natanaw niya ang walang tigil na bagyo sa labas. Maya’t maya ay kumikidlat kasabay ng malakas na kulog.     Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw na nagpatalon ng dibdib niya. Mabilis niyang hinanap ang pinaggalingan ng ingay. Kung may nagpaputok, ibig sabihin ay delikado ang kinaroroonan niya.     “Gago ka Boyet, bakit mo binaril?” May lalaking sumigaw.     Agad nataranta si Lexine. Mabilis siyang tumayo at naghanap ng mapagtataguan. Nagkalat ang mga kahoy at sako sa bawat sulok. Natagpuan niya ang isang lumang sand mixer machine. Main

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD