bc

Love Lies ( My Thug Girl )

book_age18+
486
FOLLOW
2.0K
READ
billionaire
love-triangle
dare to love and hate
drama
comedy
sweet
bxg
realistic earth
lies
waitress
like
intro-logo
Blurb

Bilyonaryong lalaking gustong magpa-ibig sa isang babaeng napakasungit at sobrang tapang na akala mo siya lang ang tama sa mundo.

" You hate lies? So bakit gusto mo siya?! " napatingin naman si Sandie kay Jeff.

" Ang lalaking gusto mo! Ang lalaking pinipili mo kay sa saakin ay isang pagkakamaling gustohin mo siya! " nagpipigil galit ritong sabi ni Jeff hindi niya kasi matanggap na hindi niya makukuha ang babaeng para sa kanya o iniisip niyang sa kanya lang.

" TUMIGIL KA NGA! Kung ano man siya? Kung sino man siya? Kung saan man siya nanggaling? Wala na akong pakialam doon basta ang alam ko mahal niya ako at mahal ko siya " matatag niyang sabi rito " At puwedi ba Jeffrey?! tigilan mo na ako dahil hindi ang tulad mo ang gusto ko! pasensya na pero wag kang naninira nang kasiyahan ng iba " naaasar niyang tingin rito " alam mo kung gusto mo nang matinong relasyon then tried to be honest, tigilan mo ang pagiging playboy mo! "

" And I'll do that basta sa akin ka lang " paghawak nito sa kamay niya pero pilit itong binitawan ni Sandie " Hayaan muna kami ni Warren " pagtalikod nito pero natigilan siya ng habulin ito ni Jeff at ibinigay rito ang isang envelop.

" I'm doing this because I love you so much " titig niya rito pagkwan tiningnan ni Sandie ang binigay niya rito at nabitiwan niya ito sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa mga nabasa niya kasabay nito ang pagkahulog ng mga luha niya.

" Yes, hindi Warren Reyes ang totoo niyang pangalan at hindi siya anak ng isa sa kasambahay ni Warren Veniandez dahil ang lalaking minamahal mo ay siya talaga si WARREN VENIANDEZ ang nag iisang tagapagmana ng Veniandez family! Ang angkan ng pinakamayaman sa ating bansa! At Oo, Sandie niluluko ka niya " hindi naman magawang magsalita ni Sandie basta paulit ulit lang sa tainga niya ang mga sinabi ni Jeff.

" I can explain it Sandie " napalingon siya sa biglang pagsasalita ni Warren mula sa likuran niya pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Jeff.

" Ipaliwanag ang alin? Ang panluluko mo? Bakit may balak ka bang mag artista? Alam mo kung ako ang director pasok kana! Panalo kana! Panalo kana sa panluluko mo! " pag alis nito susundan sana ito ni Warren pero bigla itong binalikan ni Sandie at tinuhod sa tiyan " Gago ka! " pag alis nitong muli para siguradohing hindi na siya masusundan nito.

chap-preview
Free preview
Love Lies ( My Thug Girl )
Chapter 1 " Snatcher!!! kinuha ang bag ko!!!" Pagsisigaw ng matanda sa labas ng mall. " Bad trip mali-late na nga ako" Pagbalik nang babae sa matanda pagkatapos itong marinig kung saan halatang nagmamadali ito. " Lola kumalma lang ho kayo " pagpapakalma niya rito " sandali lang po " Pagkasabi niya non ay mabilis siyang kumaripas ng takbo at sa bilis niya naabotan nito ang lalakeng snatcher na bumabagal na rin ang takbo dahil iniisip nitong walang may sumunod sa kanya. " Anak nang___! ang aga aga binibigyan mo ako ng problema! " Paghawak niya sa kuwelyo nong lalake na siyang nagpalingon rito at aakma naman siyang susuntokin nito pero mabilis siyang naka ilag at nahablot ang bag nong matanda. " Ibalik mo yan! Kung hindi gigripohin ko ang tagiliran mo!! " Paglabas nito sa kotselyo niya " Pakialamera ka!! " naaasar nitong sabi pero bago pa siya makaatake isang malakas na sipa ang natanggap nito mula sa babae kaya sumalpok ito sa may pader. " Sa sunod na gagawa ka nang ganito, siguradohin mong wala ako, maliwanag?!" Pagtaas pa nito sa kamao niya habang hawak hawak ang kuwelyo ng damit nang lalake habang takot na takot rito hindi nga niya ito magawang tingnan. " Sorry po, nagugutom lang naman kasi ako " sabi nito kaya nakaramdam naman siya ng awa rito. " Ilang taon ka na ba? pasaway ka! " " 16 po " " Ayan, wag kana magreklamo dahil yan lang meron ako " pagtapon niya rito ng sengkwenta " Sige na, alis na " naawa nitong sabi rito saka bumalik sa matanda. " Lola ilan ho bang laman niyan at halos magwala na kayo kanina? " Hinihingal niyang tanong rito. " Ah, wala namang pera rito hindi ako nagdadala ng cash pero nandito kasi ito rito " Paglabas niya sa laruang bata kaya halos himatayin naman ang babae sa asar. " Grabe kayo lola! aba! Halos maubosan ako nang hininga sa paghabol sa snatcher na yon tas yan lang ho ang laman? tsss! mukha naman kayong mayaman e bakit hindi na lang po kayo bumili nang bago? " Naaasar nitong pagtingin sa laruan. " Sa apo ko kasi ito " ngiti pa rito nang matanda na halatang natutuwa sa dalaga " By the way, what's your name hija? " pagmamasdan niya rito mula ulo hanggang paa kaya naman umiwas siya agad rito. " Sandie Santiago po " Pagkasabi niya non nagbigay respeto siya rito saka tumalikod para umalis. " Salamat Sandie! "Sigaw pa rito nang matanda, humarap naman ito at kumaway habang nakangiti. " Madam may nangyari ho ba?!" Nag-aalalang pagpunta rito ng driver niya pagkatapos niyang maiparada ang sasakyan nila galing parking lot pero hindi na ito pinansin ng matanda habang sinusundan nang tingin si Sandie. " Madam, dito po " pag-alalay rito nang driver sa sasakyan pagkatapos nitong maglakad. " Gusto kong hanapin mo si Sandie Santiago at ireport mo saakin ang tungkol sa buhay niya as soon as possible! " Pagtawag nito sa secretary niya nang makaupo sa loob nang sasakyan. Ako si Sandie Santiago. Tungkolin ko sa buhay? kailangan kong buhayin ang dalawa kong kapatid, ulila na kami at bilang ate kailangan kong maging matapang para sa kanila, kailangan kong maging mama, Papa, Kuya, at ate dahil pinangako ko kela papa na ako ang magiging superhero nila na aalagaan ko sila habang nabubuhay sila at nabubuhay ako. Na sisiguradohin kong magiging masaya sila kahit ako lang ang mayron sila at masiguradong magkakaroon sila nang magandang buhay kahit papaano. Well, obvious naman sa statement na ito na hindi madali saakin ang buhay kaya medyo mainitin ang ulo ko! pagngiti? pagiging masaya? Kinalimotan ko na yan mula nang iwan kami ng mga magulang namin. At saka naniniwala kasi akong lahat ng kasiyahan may kapalit na kalungkotan kaya bihira lang ako maging masaya basta yong mga kapatid ko nga lang ang dahilan bakit nagagawa ko pa ring ngumiti kahit papaano. Oo, ganito ako kaseryoso sa buhay. " Sir puwedi pa ho ba?! " Pagsalubong nito sa aaplayan niya pero sa kasamaang palad nahuli siya sa interview. " Miss, tapos na ang interview pasensya na pero makaka alis na kayo " Sagot rito nang inaaplayan niya. " Pero Sir may nangyari po kasi kaya po ako nahuli__ " bago pa matapos si Sandie ay iniwan na ito nang lalaki kaya napilitan na rin itong umalis. " Ang malas naman! " Paglalakad nito habang magkasalubong ang kilay pero natigilan ito nang biglang may kotseng ang bilis bilis magpatakbo at sa bilis non tumalsik rito ang naipong tubig sa kalsada dahil sa pag-ulan kagabi. " Hoy! Sandali!!! " Sigaw nito habang kumakaway at hinahabol ang sasakyan, huminto naman ito kaya mabilis siyang pumunta rito na galit na galit. " Bumaba ka diyan!!! " Pagpalo nito sa window ng sasakyan " Tatamaan ka sakin eh! " Pagsigaw pa niya kaya bumaba naman agad yong driver. " Hoy! sa sunod bagalan niyo ang pagmamaniho niyo, nakikita mo ba 'toh!!!!?" Pagpapakita ni Sandie sa damit niya sa driver pero nakatingin lang ito rito na halatang naiingayan sa bibig ni Sandie. " Excuse me muna, Miss? " Pagkimbot pa niya kay Sandie para makaalis ito sa may tapat ng pinto ng sasakyan saka ito binuksan para makalabas ang amo niya. " Meet my handsome, hot and sexy boss" mayabang pang sabi nang driver at napanganga naman si Sandie nang lumabas sa sasakyan ang isang matangkad na lalake, moreno , may makakapal na kilay pero sakto lang ang hugis nito, may matatangos na ilong, guwapong labi, inosenting mata, at subrang bango niya kaya hindi tuloy nakapag salita agad si Sandie na kanina'y galit na galit. " Pasensya na miss hindi ka napansin ng driver ko " Maginoo nitong sabi kay Sandie kaya doon na rin nagising muli ang nararamdaman niyang inis. " At anong ibig mong sabihin? isa akong poste? invisible o hindi ako tao ganon? kaya hindi niyo ako napansin? " Natigilan siya ng magsalita muli ang lalaki. " I did not mean that sorry kung na misunderstood mo ang sinabi ko" maginoo pa rin nitong sabi. " Kanina hindi ako tao ngayon naman isa akong bobo at hindi ko naitindihan ang sinabi mo? oy! Mister kahit hindi ako nakapagtapos nakapag-aral naman ako ng hanggang second hear college at naiitindihan ko ang sinabi mo ang gusto ko lang naman ay_____ " natigilan si Sandie nang mapansin niyang nakatitig lang rito yong dalawa. Kaya tumahimik na din siya saka huminga nang malalim alam niya kasing ang mga ito lang ang napagbubuntongan niya ng galit dahil sa hindi niya pag-abot sa interview. Ilang buwan niya din kasi yon hinintay at kailangan na kailangan na din kasi niya nang trabaho dahil nagsimula na ang pasokan nang mga kapatid niya sa school. " Pasensya na " pagseryoso nito " sa totoo lang hindi ako umabot sa interview ko kaya napaka sama nang araw ko at dumagdag pa itong sasakyan niyo o kayo.. kaya kayo tuloy ang napag buntongan ko " Nahihiya nitong sabi pero titig na titig lang rito yong lalake habang nakangiti at nakaramdam rito ng awa. " E kayo naman pala ang may problema___ " ganti rito nang driver dahil sa mga sigaw nito kanina pero bago pa niya madagdagan ang sasabihin niya pinigilan na siya nang boss niya. " Pasensya na sa mga sinabi ko pero dapat sa sunod mag-iingat din kayo magmaneho! " masungit pa nitong sabi saka umalis pero natigilan siya ng tawagin siya nang lalake. " Miss! sandali lang " Pagpunta niya rito saka inabot sa kanya ang isang mukhang mamahaling paper bag. " Para saan ito at saka ano ba 'toh?" " Kapalit nang narumihan mong damit ng dahil sa driver ko "Sinilip naman ni Sandie ang paper bag at nanlaki ang mata niya nang makitang mamahalin ang hitsura ng damit at tinakpan niya ito agad pagkatapos masilip ang price nito. " LUH! MAY GINTO BA SA DAMIT NA 'TOH? " Bulong pa nito " ah Mister__ " natahimik siya nang kumaripas nang takbo ang sasakyan, susundan niya sana pero mabilis itong nawala sa paningin niya. " Kasasabi ko lang na wag magmaneho ng mabilis " bulong nito " tsk! Mayayaman nga naman pero ang ganda naman nito kaya lang saan ko naman ito gagamitin? Mamaya ano pang mangyari saakin pagsinuot ko 'toh " pagsilip pa niyang muli sa damit na may LV sign " siguro para ito sa girlfriend niya " pagpapatuloy nitong maglakad. " Señorito bakit niyo naman binigay yong regalo niyo sa Mommy niyo? " Tanong agad rito nang driver niya. " Kung nag-ingat ka sana magmaneho edi sana hindi ko na kailangang ipamigay yong regalo ko kay Mommy" Naaasar niya ritong tingin. " Sorry señorito " Pagbusangot rito nang driver kaya tumahimik na rin siya. I'm Warren Veniandez! Ang nag-iisang Apo at anak ng 3rd generation ng angkan namin kaya naman pinapangarap nilang makapag-asawa na ako at magkaroon ng salinlahi kaya lang nahihirapang humanap ang Lola at Mommy ko bilang isa sa pinaka sikat at mayaman na angkan sa ating bansa. Maraming nangangarap na tumupad sa pangarap ng angkan namin kaya naman natatakot silang ikasal ako sa taong pangalan lang nang angkan namin ang habol saakin at syempre ganon din naman ako kaya hanggang ngayon naghahanap pa rin ang angkan namin sa babaeng para saakin. " Madam, dumating na po si Señorito " Gaya nang utos ng lola ni Warren agad sinabi nang maid ng dumating ito. " Papuntahin mo saakin " pag-upo nang matanda habang nasa garden ito kung saan tahimik at sobrang hangin dahilan para masarap tambayan. " Warren baby!!! "Pagsalubong rito nang mommy niya pagkatapos nitong makapasok sa loob nang gate. " Hi Mom!" Pagyakap niya rito saka hinalikan sa noo. " Where is my gift?" Tanong agad rito nang mommy niya. " Mom, I'm sorry.. I forgot " Lumayo naman rito bigla ang mommy niya nang marinig ang sinabi ni Warren at tumingin rito nang masama na halatang nagtatampo. Birthday kasi nito last week at hanggang ngayon wala pang naibibigay ritong birthday gift ang anak niya. " Next time, mom I promise!" Pagyakap niya rito nang mahigpit saka hinalikan sa pisngi kaya naman bumigay na ito, kunting lambing lang rito nang anak nagbabago na ang mood niya. " You really know my weakness " Pagpalo niya rito nang mahina pero naputol yon ng mag-interrupt ang maid. " señorito kanina pa po kayo hinihintay ni madam " ani katulong " Nasa may garden po siya " agad namang nagtungo rito ang mag-ina. " May nangyari po ba lola? " Yakap niya rito saka naupo na siyang pagtabi rin rito nang mama niya at yumakap sa braso niya. " Nahanap ko na ang babaeng pakakasalan mo " Nagulat naman ang mag-ina sa biglang sinabi nang matanda. " Mama are you sure? At saka sino ba yan? mamaya paiyakin lang niya itong baby ko " " I'm not really sure for this woman but I want her for you Apo " tumingin naman rito ang apo niya para basahin ang iniisip nang lola niya pero wala siyang makita kundi ang kagustohan nitong mangyari ang sinasabi niya kaya hindi tuloy niya maiwasang isipin kung sino itong sinasabi nang lola niya. Actually, marami na siyang naka blind date at lahat ng mga yon wala siyang nagustohan rito at kung sakali man sa huli may nalalaman siyang hindi maganda kung hindi man may boyfriend ay sa kadahilanang pakakasalan siya for bussiness only. " Kaninong angkan ba yan mama?" Natigilan si Warren ng ipakita rito nang Lola niya ang isang kapirasong papel na may Address. " I don't know exactly the lady but I know she's the one for you Apo" masaya nitong sabi. " But Mama, baka naman pera lang ang habol niya sa baby ko " " No! I'm sure hindi at para masigurado yon kailangan mong kilalanin siya ng lubosan at para rin masiguradong mamahalin ka niya dahil mahal ka niya at hindi dahil sa pangalang daladala mo " napatingin naman rito ang mag-ina nang mariin hindi kasi nila makuha ang sinabi nito. " you need to go to her world Apo " ganon naman ang gulat nang mama ni Warren sa sinabi nito. " What do you mean Ma? Don't tell me sa kadespiradahan niyong makasal itong si baby warren ko ay ikakasal mo siya sa isang Alien or sa ibang planeta?" nag-aalalang tanong ng mommy nito may pagka-ingot kasi ito. " Ikaw hanggang ngayon ganyan pa rin yang utak mo mag-isip " nanggigigil niyang tingin rito " kailan ba madidevelop yan ng mapakinabangan naman" Naasar ritong sabi nang Mama niya. " E Lola ano po bang ibig niyong sabihin? sino po ba ang babaeng yan? at mukhang gustong gusto niyo po " " Oo Apo " masaya pang sabi nang matanda " Dahil sa tingin ko naiiba siya sa lahat at gusto ko hanggang maaga kilalanin mo na siya, kailangan mong pumunta sa mundo niya, sa mundong iba saatin kung saan kailangan mong mamuhay bilang isang normal na tao at itago ang katotohanang ikaw ay isang Veniandez " " Mama!! naririnig niyo ba ang sinasabi niyo? hindi po ba parang pinaparusahan na natin diyan ang baby ko?! " tonong pagtutol nang mommy niya. " Isipin mong para rin ito sa kanya " nalulungkot ding sabi nang matanda " Pagnahanap niya ang pagsasalinan ng lahi natin magkakaroon rin ng batang iiyak sa pamamahay na itong puro kaluskos lang ng mga naglilinis na katulong ang naririnig ikaw kasi kung nag-asawa ka sana ulit nang mawala ang asawa mo edi sana may kapatid pa itong Apo ko at hindi siya napupwersang makasal ng maaga para lang madugtongan ang lahi natin" sermon rito nang matanda " At saka matanda na ako, sa ano mang oras puwedi na akong mawala at hindi ko maipapagkatiwala ang apo ko sayo o ang pagpili sa babaeng para sa apo ko " nanahimik naman ito sa sinabi nang matanda gayong alam niyang tama ito. " Its okay, mom " ani Warren nang makitang nalungkot bigla ang mommy niya " susundin po natin si Lola " bahagya namang napangiti ang lola niya kahit inaasahan niyang papayag ito dahil napakabait na apo ni Warren kahit spoiled ito sa buhay, mayaman ito at palaging nakukuha ang gusto pero kailan man hindi ito sumuway sa kagustohan niya at nang mommy niya. " Hanggang kailan ko po siya kikilalanin o mananatili sa mundong ginagalawan niya? " " Bibigyan kita nang 100 days at pagwalang nangyari at mali ang iniisip ko tungkol sa kanya bilang kapalit... hahayaan na kitang gawin ang anong mang gustohin mo Apo at pumili nang babaeng para sayo " sabi rito ng lola niya dahil kahit pumayag ito alam niya din kasing napipilitan lang din gawin nitong Apo niya ang kagustohan niyang mag-asawa ito agad. " Sige po " Pagsang-ayon nito kaya ganon na lang ang ngiti nang lola niya sabay himas sa buhok nang apo niya pero natigilan ang mga ito nang makitang umiiyak ang mommy ni Warren. " Tumigil kana nga diyan " pagalit rito nang matanda na may halong lambing " Oo na, ikaw na ang wagas magmahal kaya hanggang ngayon hindi ka nag-asawa at pasensya na sa mga sinabi ko kanina kaya sana.... hilingin natin na isang tulad mo magmahal ang mapapakasalan ng anak mo " yakap rito nang matanda " Pero sana wag pati ang katalinohan mo " Nagkaroon naman ng tawanan sa kanila sa sinabi nang matanda saka umalis itong dalawa at naiwang mag-isa si Warren. " Bago na namang babaeng kikilalanin " buntong hininga nito saka nalungkot sa kagustohan nilang mag-asawa ito agad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook